Note:Bale continuation po ito ng mga moments ng magkapatid. iniisip ko pa kasi ano susunod na mangyayari eh..hehehe ENJOY niyo po muna to.Long UD po pambawi kasi baka sa Monday na ulit ako maka-UD.hehehe..Uy,Nag comment si idol Tzekai!!hehehe..thanks po idol..(^O^)
Dedicated po ito sa kanya kasi sobra akong fan ni EIJI at BUKNOY!!!wahhhh!!!!! ILang linggo rin ako di naka get-over sa lovestory ng dalawang yun..hahahaha..pero fave character ko pa rin si BOGART!!!^^, kasi may kapit bahay rin kami na may alagang buwaya(seryoso!!) kaya naiimagine ko si bogart everytime nakikita ko yung buwaya.^^
===========================================================================
Your brother is always the first male friend you will have in your life. Nobody will ever be able to understand your craziness like your brother and although you don't see each other as much as you'd like, he will always remain your friend and be there for you when you need him the most. While people will come and go in your life, your brother will be in your heart for a lifetime.
Ritu Ghatourey
==========================================================
[Kyles' POV]
Sabado na ngayon, halos isang linggo na rin ang nakalipas mula nung nabugbog ako ni itay. At sa loob ng isang linggong iyon ay inalagaan ako ni kuya, nahihirapan kasi akong maka-tayo dahil mukhang binti ko ang napuruhan ng sintron ni itay.
(remember The Short Introduction part?)
Kaya naman inalagaan ako ni kuya hanggang sa gumaling ako. Nag absent pa nga siya ng isang linggo sa hospital para lang sa akin eh. Ang bait talaga ng kuya Bryan ko(^_^).
At ngayon nga ay andito kami sa bahay at naka higa sa kama, wala kasi kaming maisip na gawin. Wala rin ang itay, panigurado, nasa inuman nanaman iyon.
Nang bigla na lamang tumayo si kuya na paranng may naisip na bright idea. "Bunso! alam ko na!" sabi ni kuya na mukhang tuwang-tuwa.
"Anong alam mo na kuya?" takang tanong ko. Minsan talaga, may pagka wierd si kuya eh..hehehe
"Mag JAMMING tayong dalawa!tutal matagal na rin nating hindi nagagawa iyon eh" sabi ni kuya na parang batang excited na excited at patakbo-takbo pang pumasok sa kuwarto niya.
"Ahhhh.." nasabi ko na lang, ang "Jamming" kasi na tinutukoy ni kuya ay ang pagkanta. Hindi naman sa pagmamayabang pero biniyayaan kasi kaming magkapatid ng galing sa pagkanta, si kuya napaka-suwabe ng boses niya kapag kumakanta kaya naman nung college siya ay halos lumuhod na ang mga kababaihan at mga bakla kapag naririnig nilang kumakanta si kuya. Ako naman ay binigyan ng abilidad na baguhin ang pitch ng boses ko kapag gusto ko, pwede akong mag boses babae o lalaki kung gugustuhin ko. Pero hindi katulad ni kuya, hindi ko ipinaparinig sa iba ang talent ko, mahiyain kasi akong tao. Hahaha..sabi ni kuya ay dapat ko nga daw ipagmalaki ang talent ko kasi bibihira lang daw ang mga tao na kayang gawin ang nagagawa ko pero nahihiya talaga ako eh kaya naman si kuya lang ang nakaka-alam ng talento ko.
Pagkabalik ni kuya, ay dala na niya ang gitara niya, medyo matagal na rin mula nung huli ko siyang nakitang ginamit ang gitara niya.
"Eto na,..hahaha..namiss ko tong gitarang to ah..hmmm..susubukan ko muna bunso ah."si kuya habang kinapa-kapa ang gitara at sinasanay ang mga daliri niya, First Year College pa ata nun si kuya nung last siyang nag gitara eh, pero nawalan siya ng oras para dito dahil masyadong demanding sa oras ang kurso niya at nagtra-trabaho rin siya noon.
BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
General Fiction" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...