CHAPTER 4- The Decision

186 4 0
                                    

I made decisions that I regret, and I took them as learning experiences... I'm human, not perfect, like anybody else.

Queen Latifah 

A/N:

Eto na po ang UD...sensya sa pag-aantay..Vote, Comment and follow me po if you like^^

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Kyles' POV]

Pagkatapos ng pag-aaway na iyon ni Kuya at Ate Anna ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na maka usap si kuya, palagi na lang kasi siyang wala sa bahay. Kapag andun naman siya ay palagi siyang tulala at mukhang malalim ang iniisip.

Kaya naman buo na ang desisyon ko, gagawin ko na ang pina-plano ko.

Lingid sa kaalaman ni kuya, isang araw,pumunta ako sa University na pinapasukan ko hindi upang mag-aral kundi para i-drop ang lahat ng subjects ko.

Nanghinayang nga ang registrar nna nag-ayos ng TOR(Transcript Of Records) ko kasi bakit daw hindi ko na lang tapusin ang semester na ito tutal naman daw ay patapos na. Nanghinayang kasi siya kasi matataas ang mga grades ko.

Pero wala nang makakapigil sa akin, kelangan kong gawin ito. Dahil ngayon, ako naman ang magsasakripisyo upang mahannap ni kuya ang kaligayahan niya.(_ _)

After kong pumunta sa school ay pumunta ako sa lugar na medyo matagal na ng huli kong mapuntahan...........sa SEMENTERYO.

-------------------------------------------------------

Pagpunta ko sa puntod ni inay,ilalagay ko na sana ang mga dala kong bulaklak sa puntod niya ay napansin ko ang mga sariwang bulaklak doon.

"sino kaya ang bumisita kay Inay?"

"Baka si kuya" ang inisip ko na lamang.

Pagkatapos ayusin ang mga bulaklak ay umupo na ako sa tabi ng puntod at hinimas-himas ang puntod.

" Inay, patawad po ngayon lang ulit ako naka-dalaw sa inyo, medyo marami po kasing nangyari sa amin lately eh." panimula ko sa pag-kausap kay inay.

"Alam mo ba 'nay, si itay, ganun pa rin ang pakikitungo niya sa akin, kung tratuhin niya ako ay parang hindi niya ako anak. Madalas niya pa rin akong masaktan--." napahinto ako sa sinasabi ko kasi pakiramdam ko nagiging emosyonal nanaman ako.

"Pero 'nay, kahit ganon si itay, mahal ko pa rin siya at nagpapasalamat parin ako sa kanya kasi kundi dahil sa kanya, hindi ko makikita ang mundo. Pero bakit ganun 'nay? bakit parang napaka-lupit ng mundo sa akin? May ginawa ba akong mali para tratuhin nila ako ng ganun(T_T)?" pagpapatuloy ko pero ramdam kong tumutulo nanaman ang mga pesteng luha ko. Such a crybaby.

"Kasi nay, hindi naman po siguro kasalanan ang mapabilang sa Third Sex diba? kasi kahit ganito ako, tao parin naman ako diba? Hindi naman porket bakla ako, immune na ako sa mga panlalait nila sa pagkatao ko. Bakit ganun nay, napaka judgemental naman ng mga tao upang husgahan ako ng dahil lang duon."

"Isa pa 'nay, alam niyo bang magiging tatay na si kuya? Pero ang tanga-tanga kasi niya at pinakawalan pa niya si Ate, eh halata namang may gusto siya duon eh..At lam niyo ang inirason niya? sabi niya kay ate na hindi pa daw niya kayang gampanan ang pagiging ama niya dahil kaylangan pa daw siya ng pamilya niya."  medyo napa-tawa naman ako ng bahagya duon.

"Ang tanga niya 'nay noh? Mas pinili niya pa kami kesa sa magiging pamilya niya, dapat siguro, matuwa ako sa desisyon ni kuya pero 'nay hindi kko kaya. lalo na kapag nakikita kon malungkot si kuya. Nabibigay nga niya ang ikaliligaya namin pero hindi naman niya magawang pasayahin ang sarili niya. Kaya 'nay, naka buo na ako ng desisyon. Kelangan kong gawin ang bagay na to, kahit mahira, kahit walang kasiguruhan, para magkaroon naman ng chance si kuya para mahanap niya ang kaligayang para sa kanya."

_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon