Start of Something Ridiculous

223 2 0
                                    

Saturday

Wala dapat akong pasok pero heto ako, basang basa sa ulan. Ikaw na abutin ng ulan sa daan. Basang basa ang damit ko, pati buhok ko nanlalagkit ee. Hayy,, nakakainis talaga yang special class yan. PAHAMAK! Imbis na nasa bahay ako, nagpapahinga. Ayun, andito ako ngayon sa school para magsunog ng kilay. Naalala ko pa kaninang umaga nung mag paalam ako.. Tuwang tuwa pa ang nanay ko dahil sabi niya, nagbabagong buhay na daw ako. hayy, kung alam lang niya. -.-

"Cielo, I'm glad you came. Pumunta ka na don sa room 106, andun na teacher mo.", salubong ni Mam Ergs sakin, mukhang nasa mood sya na pati ang ichura ko di niya napansin.

Hay, tama na ang senti mode. Makapunta na sa room na yon at ng matapos na ang kahibangan na ito!

Padabog kong binuksan ang pintuan. Nagulat na lng ako ng may biglang napamura pa. Tinamaan ko ata ng pinto. Agad akong kinabahan. Kaya nagmamadali kong tinignan ang tao sa likuran ng pinto. 

"Shit!", halos sabay naming mura. Yeah right. This is totally damn! 

"You again?! Nananadya ka ba ha?", halos namumula na sa galit si Christian Icen Medina sa galit. Tama, sya nga ang taong tinamaan ko ng pinto. Jusko naman, ano ba tong gulong pinasok ko?!

"Hoy! Di ko kasalanan kung mahilig ka pa lang tumambay jan sa likod ng pintuan na yan noh?! Pero kung sinadya ko man yun, thank God at nagawa ko din!", aba! Di ata ako papatalo sa loko na toh. Tama lang ung nangyari sa kanya. Tinawag niya nga kong Stupid last time ee.. Now we're even Bwahahahaa. (evil laugh :P)

"Kunsabagay, what more can i expect from a stupid girl like you?", sagot niya habang may ngiting mapanlibak na nakapaste sa mukha niya.

"Sinong stupid ang sinasabi mo?", tumayo na ko at hinarap siya. Mukha pa nga akong siga ee.. Pero di talaga pwedeng di ako lumaban. No one should or would dare to mess up with me. NO ONE,

"Look around. Tayo lang dalawa ang nandito. And as far as I know, IKAW ang kausap ko."

"At ang kapal talaga ng face mo para tawagin akong Stupid noh? Hoy, FYI! parehas lang tayong aattend ng Special Class so as far as I know, bobo ka din! MApagpanggap! Makaasta toh kala mo kung sinong taong matalino! Kung stupid ako, obobs ka naman! YABANG!"

Sigaw ko sa kanya. Ewan ko, pero parang natuwa pa nga sya sa sinabi ko. Kahit ata laitin ko sya d pa din nagagalit.. Ako lang naman pikon dito ee... 

"Looks like you already know each other Cielo and Christian."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Mam Ergs pala yon. Inirapan ko muna si Christian bago ako umupo. Pero nginisian niya lang ako at umupo na din sya sa isa pang bangkuan.

"Cielo, may I introduce to you your new teacher for your special class."

"Mam naman, kilala ko na kayo. Don't worry.", pabiro kong sabi sa teacher ko.

"Of course I know that. But I want you to introduce to Mr. Christian Icen Medina.He will be your teacher from now on."

"Yeah - -- Teka teka! anong kalokohan toh? Sya? Teacher ko? as in? Di nga? wEh? Eh diba mam bobo din toh?!", napatayo na ko sa sobrang pagkabigla.

"watch your words lady. He's really brilliant. Baka mapahiya ka sa sinasabi mo.", bulong saken ni Mam Ergs. "So, maiwan ko na kayo. Icen, ikaw ng bahala. I'll leave now."

Oh no. Parang nahihilo ako. di ako makapaniwala. ano to? Lokohan? baka naman natutulog lang ako. Sinet-up lang ba ko? well, if this is a kind of joke, it's not funny. Really... This is IMPOSSIBLE....

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon