Bonfire. <3

151 0 0
                                    

At 5pm, napagpasyahan namin na magbonfire sa may dalampasigan... Naghahanda ako ng makakaen sa may kusina ng dumating si Elize. Kumuha siya ng tubig sa ref at pagkatapos uminom ay hinarap niya ako.

"I never thought that Ezekiel would invite someone like you."

"Ako rin eh."

"Look Cielo, alam kong isa ka din sa mga umaasang mamahalin ni Icen but I'm sorry girl but I'm not going to give him up. Don't forget that. Pangarap mo lang siya. Isang IMPOSIBLENG PANGARAP."

"Elize, inaamin ko sayo. I love Icen. Right at this moment, alam kong mahal ko siya. Pero hindi ko pinapangarap na mamahalin niya din ako. Ganun naman talaga pag nagmamahal diba? Hindi mo kailangang maghintay ng kapalit."

Natameme na lang siya at umalis ng walang salita. Kaya ayokong nagsasalita eh. Masyadong madrama. Tsaka isa pa, hindi na niya kailangan pang ipagduldulan sa face ko ang masakit na katotohanan na yon. Oo, PANGARAP ko lang siya. Eh ano? Hindi naman masamang mangarap diba?

"Cielo, tara na. Malapit ng lumubog ang araw.", yaya sakin ni Alyanna.

"Sige tara na!", sabi ko naman tsaka ko niligpit ung mga pinaggamitan ko sa paggawa ng sandwich.

Pagdating namen sa beach. Nakahanda na lahat. Hinintay naming lumubog ang araw. Napapagitnaan ako noon ni Alyanna at Ezekiel. Hay, PROMISE! Masarap manuod ng gantong moments kasama ang mga kaibigan mo. :)

After sunset, naghanda na sila para sa bonfire. Medyo madilim na din kasi sa paligid eh. Busy ako sa panunuod sa kanila hanggang sa ayun. Nagliwanag na rin sa wakas. Umupo kami sa palibot nito at nagkwentuhan.

Nasa tapat ko sina Elize at Icen. As usual, naglalandian sila. Or let's say nilalandi ni Elize si Icen. NAKAKAINIS!

"Nilalamig ka ba?", tanung ni Ezekiel saken pero bago pa ko makasagot, hinubad niya na yung suot niyang jacket at pinasuot niya saken. Naging mainit din ang pakiramdam ko. 

"Wow. Sweeeet!" , kinikilig na naman si Alyanna. Hay buhay.

"Wait Icen!Where are you going?"

Sigaw ni Elize. Basta nakita ko na lang si Icen naglalakad palayo. Matagal tagal pa kaming nagkwnetuhan. Kahit si Elize na binabara bara lang ni Alyanna ay kausap na nila ngayon. Tinanaw ko ulit yung lugar kung saan nagtungo si Icen.

"Bakit di mo siya sundan?", untag saken ni Ezekiel. 

"Ha? Anung sundan?", palusot ko naman.

"You're really cute when you're doing that."

"Doing what?"

"Nothing. Go to him now.", pilit saken ni Ezekiel tsaka niya ko hinila patayo. Alam ko naman talaga kung anung ibig niyang sabihin eh. So I wasted no time. I followed my dreams right away.

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon