War Mode

172 1 0
                                    

Bumaba mula sa kotse sina Cielo at Ezekiel. Mukhang masaya pa ata. Halatang nagulat pa si Cielo ng makita ako. Suprised? Happy to see me?

"Icen! Kanina ka pa ba?", tanong ni Ezekiel. 

"Kadarating ko lang.", sagot ko naman pero hindi ko maalis ang tingin ko kay Cielo. At ewan ko, wala sa isip ko, bigla ko na lang hinila ang kamay niya. I swear, wala talaga akong kamalay malay! Basta ko na lang ginawa yon. PROMISE!

Pero nagulat ako ng hawakan din ni Ezekiel yung isa pa niyang kamay.

"Where are you taking her?", tanung ni Ezekiel. Nakatingin naman si Cielo saken. Halatang naguguluhan din sya sa kinilos ko.

Pinalis ko ang kamay ni Ezekiel, tsaka buong tapang kong sinabi toh sa kanya, "Wala ka ng pakialam don."

------

<<Cielo here!>>

Nasa byahe kami ni Icen. Bigla niya kong hinila paalis don, syempre magdedemand ang lola niyo ng explanation diba???

"Hoy Icen! Anung drama toh? Wag mung sabihing ikaw pa ang galit ngayon?!"

"Shut up."

"Aba't! Tignan mu ugali neto! ikaw na nga tong-"

"I said shut up! Wag ka munang magsalita pwede ba? Pls lang! Let me think!"

"Think? Ganyan ka naman eh! Sarili mo lang iniisip mo! Anu ba kasing problema mo? Bakit mo ginanun si Ezekiel!"

"I don't know."

Yon ang mahina niyang sagot. I don't know? What the hell was that?

"Stop the car.", utos ko sa kanya at laking gulat ko ng sumunod ang mokong.

Tinigil niya ung kotse sa isang mapunong lugar. Parehas kaming lumabas. Kaunti lang ang kotseng dumadaan. Romantic sana yung paligid kaso nga lang, nasa war mode kami ngayon. Wla kami don para maglandian, kundi para mag away at magsagutan.

"Here.", tsaka niya inabot sakin ang isang notebook.

"Anu toh?"

"Notebook."

"Alam ko! Anu namang gagawin ko dito? Pinaghintay mo ko ng tatlong oras tapos etoh lang yung ibibigay mo? Pinutol muh yung date ko tpos etoh lang ibibigay mo? Iyo na yang notebook mo!", sigaw ko tsaka ko hinagis sa kanya yung notebook.

"Date mo? So, nagdedate nga kayong dalawa?"

"Anu naman ngayon? Wapakels ka na don! Umalis ka na nga, naiinis lang ako sayo eh! Ang sama mo! Sarili mo lang kasi pinapaboran mo! Masama ka!I hate you Icen! I HATE YOU!", sigaw ko sa kanya. Pero tinitigan niya lang ako. Tsaka niya inabot yung kamay ko at pinilit niyang ipahawak saken yung notebook niyang ewan.

"Bahala ka na kung anung gusto mong sabihin. Good luck sa exam. Sana pumasa ka."

"Sana nga pumasa ako at ng hindi na kita makasama pa! At kung sakali mang bumagsak ako, hindi na ko sayo magpapaturo!"

Pero hindi niya na ko pinansin. Sumakay na sya ng kotse niya at pinaharurot niya iyon palayo. The nerve! Tignan mo ugali nun. Hmp! Basta para saken, masyado siyang mapride! Gwapo nga masama naman ugali! NAPAKA-SELFISH!

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon