Crazy <3

186 2 0
                                    

"Cielo, what's the meaning of this?", bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mam Ergs habang hawak ang test paper ko. Nakatingin siya saken habang nanlalaki ang mga mata. Mukhang galit ata. Bagsak ba ko? Sa naisip ko, bigla akong naluha.

"Ma'am! Sorry po! Sorry talaga kung bumagsak na naman ako! Nagreview naman po talaga ko ee. Promise ma'am! Ginawa ko yung best ko pero sadyang bobo lang talaga ko! Sorry ma'am!", sunod sunod kong sabi sa kanya. Walang hingahan yun ha. Nakakahingal infernez!

"Bagsak? My God Cielo! You passed the exam! Congratulations!"

weh? di nga? talaga lang huh?! si mam pauso wala!

Ang saya! Parang naglakbay yung puso ko sa langit! Wah, ang talino ng lola niyo!

"Sige ma'am. Una na po ako! salamat po!"

"Wag ka saking magpasalamat. Kay 'Icen ka dapat magthank you dahil pinagtygaan ka niya."

Tama. Kay Icen, sa kanya ako dapat magpasalamat........ at humingi ng patawad...

Madami akong gustong sabihin sa kanya. So I wasted no time. Agad ko siyang hinagilap sa loob ng campus. Malaki yung kasalanan ko sa kanya at sa maniwala man kayo o sa hindi, nagsisisi talaga ko. Dahil sa kanya, I passed the exams. Yung notebook na binigay niya ang naging susi ko sa tagumpay na ito. At ang tagumpay na nga na yon ay ang pagkapasa ko sa exam. Isipin niyo ng napakababaw ko pero sa isang average student na katulad ko na nasa lowest section pa, ang makapasa sa exam ay isang malaking bagay. Salamat sa reviewer niya. 

Napadaan ako sa may bulletin board, nakita kong nagkakagulo ang mga estudyante doon. Kaya pala, nakapost na kasi ung mga nagtop sa exam. And there he is, written right at the top, CHRISTIAN ICEN MEDINA. The one that I've been longing for. Ang taong hanggang panaginip ko lang at pangarap. At ang taong lagi kong inaaway at kasagutan pero nagtyatyaga paring intindihin ang ugali kong bali-baliko.

Teka nga! Anung pangarap ba yang pinagsasasabi ko? Hay, eto ba epekto ng pumapasa sa exam?! Wow huh! Masyado atang naging madrama yung mga sinabi kong iyon. Wah! Forget that part.

Masyado na kong naaaliw.

Baka nababaliw?

Shuddup! I need to find Icen! Now na!

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon