What the heck?!

189 1 0
                                    

"What took you so long?", nakasimaltog na tanong sakin ni Icen. Badtrip siya, halata naman eh. Sino nga bang hindi maiinis sa ginawa ko?

"I've been waiting here for almost an hour. Hindi ka man lang nagpasabi na malelate ka! Eh di sana hindi kita hinintay ng ganun katagal. Look, kung-"

"Teka teka! Bago mo ko pagalitan jan, let me explain! Galing ako sa clinic kasi natapunan ako ng kape ng isang malanding babae na tingin ko may gusto sayo. At tingin din niya nilalandi kita kaya sa sobrang selos, ayun. eto ginawa niya saken.", pagtatanggol ko sa sarili ko tsaka ko pinakita sa kanya ung braso ko na may bandage. Mukhang naawa pa siya dahil agad rumehistro sa mukha niya ang pag aalala. Pero sandaling sandali lang yun, as in parang nanosecond lang tapos back to the same Icen, yung mukha na laging galit at walang pakialam sa universe.

"Are you blaming me?"

"I'm not. Ikaw lang ang nagiisip niya.", sabi ko tapos umupo na ko sa bench para masimulan na namen ang mahaba habang turuan na ito.

Umupo na rin siya sa harap ko at nagsimula na siyang magturo ng mga bagong bagay. Ilang sandali pa, may pumutol sa paguusap naming dalawa.

"Hey! What's up buddy? Hindi ko alam magkakilala pala kayo ni Cielo?", si Ezekiel yun, my knight in shining armor. Yeah ba! XDD

"She's my new student. Do you need something Kiel?"

"Wala naman. Gusto ko lang talagang makita si Cielo. Ok na ba yang braso mo?"

"Ha? Ah.. O-oo.. Ok lang ako." , sagot ko sa kanya. Obvious ba? Kinakabahan ako ee.. 

"Good. If something happens, just call me and I'll be there." , yun lang at tsaka siya umalis.

Tinatanaw ko pa siya ng biglang nagring ang cell phone ko.

"Hello?"

"Hi Cielo. I got your number from Alyanna, I hope you're not offended."

Agad kong nilingon si Ezekiel, siya ung tumawag at nakita ko siyang nakatingin saken at nakangiti. Ang gwapo niya talaga kahit sa malayuan.

"Ok lang... saken..."

And then he laugh, there goes his laugh... ang nakakamatay na tawa niya na nakakatunaw ng damdamin... hayy.... Yun lang at pinutol niya na ang linya... Kahit nakatalikod, ang gwapo pa din niya...  andf that's when I heard it...

"O teka Icen, san ka pupunta?"

Nagliligpit ng gamit si Icen ng lumingon ako sa kanya.

"Mukha kasing wala ka pa sa huwisyo para makinig sa mga ituturo ko. Remember, 3 days from now, prelim na at hindi lang ikaw ang magiging busy sa pag aaral. It's your choice whether you want to pass or not. Pero obvious naman na wala ka ng pakialam kung makapasa ka or hindi. Meet me tomorrow morning, here."

Yun lang at naglakad na siya palayo. Pero may last words pa siyang binigay saken na talaga namang tumatak sa kaibuturan ng puso ko... 

"Nakakawala ka ng gana."

What the hell was that? Ganun ba siya kagalit para sabihin sakin yun? aww, infernes masakit yun ha! </3

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon