An Angel <3

194 1 0
                                    

Badtrip ako ngayon, gusto mo bang malaman kung bakit? Kasi inanounce kanina ng teacher namin na Prelim na namin three days from now. Asar talaga. Yan ang pinaka ayoko sa lahat ee... Bakit ba kasi nauso pa ang exam??? T.T

Tambay mode ako sa lobby ng school namin, hinihintay ko si Alyanna ng biglang matuliling ang tenga ko sa biglang tilian ng mga babae at bakla sa school namin. Feeling ko nagkatipon tipon na naman sila para sumilay sa mga naggagwapuhang students ng 4A... Hayy,,, yun ang section ni Icen... Siya kaya ung tinitilian nila? Kunsabaagy, sa gwapo nga naman nito, wlang sino man ang magiging choosy pag nakita na toh... Katulad ko, pilit kong sinasabi na di ko siya gsuto pero di naman sya maalis sa isipan ko...

"Attracted ka lang sa kanya.", bulong ko tsaka ako tumayo.. Kung anu anu ang naiisip ko, inaagiw na naman ang utak ko. I need some air. Pero pagharap ko, naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa braso ko. 

"Kape!", sigaw ko. Parang tanga noh? Nagawa ko pang maidentify ung liquid na yun bago sumigaw at umiyak sa sobrang init nito. Hanggang sa may magbuhos ng tubig sa ulo ko pati na rin sa braso ko... Kahit papano, naibsan nito ang init na dulot ng natapon na kape sa akin. Pero bakit pati ulo ko sinama nito? Ok  na sana ee... Tinignan ko kung sino yung "tumulong" saken pero nagulat na lang ako dahil hindi ko sila kilala... O sabihin na lang natin na di ko inaasahan na sila ang mga 'tutulong' saken...

"Oops. I'm sorry for that. Hindi ko sinasadya ang nangyare. Are you hurt?", malanding sabi ng babaeng ito sa aken. Kilala ko siya, siya ung Campus Babe sa school namen, si Elize Zapanta.

Hindi ako makapagsalita. Inaamin ko, sobrang ganda niya at kapag nakita mo siya, matutulala ka din. Para siyang manika na nabuhay, ang kaso lang, kung ganu siya kaganda, ganun din kasama ang ugali niya.

"A-ayos lang ako."

"Wait, you look familiar. Oh, I knew it. Ikaw yung bagong malanding mababa ang lipad na sunod ng sunod kay Icen right? Hmp, so it's true. Panget ka pala talaga." 

Tama ba ang narinig ko? Ako? Panget? Konti lang kaya! Napansin kong nasa amin na ang atensyon ng lahat ng estudyante sa lobby. Yung iba, nagtatago lang pero halatang gustong gusto ng tumawa sa sinabi ni Elize. Naiiyak ako, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero kumpara naman talaga kay Elize, libag niya lang ako. 

"I don't find her that ugly Elize."

May naglakas loob na ipagtanggol ako! The nerve! Sino kaya siya at ng mapasalamatan! I looked around but I was surronded by unfamiliar faces. And there I saw him, right at the corner.... An angel descended from heaven... 

"Ezekiel, don't tell me you're gonna save her butt..,", mataray na sabi ni Elize na mukang hindi tinablan ng charm ni Ezekiel. Di ko siya kilala, narinig ko lang talaga yung name niya... hihi...

"So what if I'm gonna save her but... You've got a problem with that?"

Ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo, I like him SO MUCH!

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon