Just the two of us?!

165 1 2
                                    

Last day na namin ngayon dito sa Batangas kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon para matulog ng matagal. Pag uwi kasi namin, siguradong hindi ko na ulit yon magagawa. Isa pa, ayoko munang magpakita sa kanila. Lalong lalo na sa Icen na yon. He hates me, ok fine. I will accept it kung dun siya sasaya.

1pm kami aalis pero pagtingin ko sa orasan, 11:15 am pa lang. Kaya naman naligo na lang ako at naghanda ng lahat ng gamit ko. Halos isang oras din ako sa lahat ng ginawa ko kasi nagkalat yung mga damit ko.

Sakto, 12.30pm ng mapagpasyahan kong bumaba. Siguradong nakahanda na rin sila sa pag alis. Pero laking gulat ko ng hindi ko sila makita. Nilibot ko yung buong bahay. Pati sa may pool wala sila. Iniwan kaya nila ko? Patay, may pera naman ako pero alam kong hindi yun sapat para makauwi ako samen. At isa pa, wala din akong sense of direction. Baka kung saan lang ako mapunta.

Tumakbo ako pabalik sa  kwarto ko para tawagan si Alyanna.

Ring ring ring

"Come on Alyanna. Answer the phone please!"

"Hello?"

"Alyanna! Asan kayo? Anu ba? Iniwan niyo ba ko?"

"Uhm, nauna na kasi kami sa inyo ee. Ayun, wag kang mag alala. Anjan pa si Icen, kayo na lang sabay pag uwi kasi di na kasya dito sa kotse ni Ezekiel eh. Kasama kasi namen si Elize."

What the hell?! At mas pinili pa nilang isabay si Elize kaysa saken.! Katampo! >.<

"Sige babye na lobat na ko eh."

"Teka! Panu na ko-"

toot toot toot.....

Anu bang klaseng buhay toh o.... Struggle pag uwi! Sa lahat naman ng iiwan nilang kasama ko, si Icen pa! Mabuti pa si Elize na lang eh!

"Sasabay ka ba o hindi?", biglang sulpot na naman yung Icen na yon. Aatakihin ako sa puso nito eh. 

"Sasabay ako. No choice eh."

"Aba parang utang na loob ko pa sayo ngayon na sasabay ka aa. Dalian mo, paalis na ko."

Mayabang na sagot nitong lalaki na toh saken.

Mukha kang hayop! Animal ka! MONSTER! Isa kang gwapong monster! 

------------------------------

Tahimik kame parehas habang nasa byahe. Siya yung nagdadrive. Maski ako bilib na talaga sa kanya. Parang walang bagay na hindi niya kayang gawin eh. Perfect talaga. Tamang tama yung sinabi ni Elize, isa lang siyang pangarap na malabong matupad.

"Kumain ka na ba?"

Napapitlag ako ng bigla siyang magsalita. Ayun, may nagrambulan na naman sa puso ko kaya iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya. Inaamin ko, nainis talaga ko sa mga sinabi niya kagabe. Para kasing pinapalabas niya na hinahabol habol ko si Ezekiel at ginagamit ko lang siya para mapalapit dito. Akala siguro niya nakalimutan ko na yun kaya hindi ko na lang siya pinansin at kinausap man lang.

"Cielo."

Tawag niya saken pero di ko pa din siya kinibo.

"Cielo."

Hay ang kulet! Paulet ulet aba! Unli?!unli?!

"Cielo."

"Anu ba yon?! Tawag naman to ng tawag aa.", naiirita kong sagot.

"We're lost."

-------------------------------------

Please comment naman jan! Pa-fan na din! :)) hahahahahahaha! XDD

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon