Just the two of us?! Part2

161 0 0
                                    

"Anu ba yon?! Tawag naman to ng tawag aa.", naiirita kong sagot.

"We're lost."

Tsaka ko lang napansin na medyo mapuno na nga sa dinadaanan namin. Wla din akong natatanaw na bahay at tao sa paligid. Wala na din kaming kasabay na sasakyan na dumadaan sa lugar na yon.

"Hoy Icen. Kaw pa maligaw. Ayusin mo ha. Wag mo kong tatakutin.", pagbabanta ko sa kanya pero hindi ito sumagot. Mukhang naliligaw nga kami talaga. 

"Kung hindi tayo iniwan ng mga yon, hindi tayo maliligaw ng ganto. Ezekiel, I'm gonna kill you."

"Teka, hindi naman kasalanan ni Ezekiel na naligaw tayo aa. Kasalanan mo yun, hindi mo kasi inaayos pagdadrive mo eh.", pagtatanggol ko naman kay Ezekiel.

"Well, it's his fault. We're his visitors. He's supposed to take care of us. Hindi yung iniiwan tayo basta basta."

Tinigil niya sa isang tabi yung kotse tsaka niya nilabas ang cell phone niya. Pero lalo lang dumilim ang mukha niya.

"Walang signal.", sabay bato nung phone niya sa backseat. Siya na mayaman.

"Panu na tayo nian?"

"We're going back."

--------

Magaala singko pa lang pero madilim na sa paligid. Binalak namin na bumalik pero lalo lang kaming naligaw. Medyo natatakot na din kasi ako. Mangilan ngilan ang bahay sa paligid pero walang ganung tao na nagpapagala gala. What now? Tumingin ako kay Icen at mukhang pagod na din siya.

"Huminto muna kaya tayo?"

"No. Kailangang makauwi na tayo."

Igigiit na naman ba niya na ayaw niya kong makasama? >.<

"Icen."

"Wait there Cielo."

"Icen. Stop the car."

"Cielo, pwede ba maghintay ka lang jan? And-and please, wag mo kong tignan.", mejo naiirita na rin sya base na din dun sa paraan niya ng pagsasalita.

"Icen, makinig ka muna kasi saken! STOP THE CAR!", sigaw ko sa kanya.

Hininto niya ulit yon sa isang tabi. Sa wakas, makakausap ko din siya.

"You don't need to shout ok? Ang sakit sa tenga."

"Sorry. But you need to listen to me. Ayaw mo kasi kaong pakinggan eh."

"What?"

"Magpahinga ka na muna. Alam kong ayaw mo kong nakakasama pero Icen you need to rest. Kalahating araw ka ng nagdadrive. Di ka pa ata nagtatanghalian. Gusto mong mamatay? Sorry. ALam kong ayaw mo kong nakikita or ayaw mo na ngang magkausap tayo diba? Pero wala talaga kong choice sa ngayon. Mamamatay ako pag di kita kinausap."

"Mamamatay din ako pag di mo ko kinausap. Actually this is your fault kung bakit tayo naliligaw ngayon."

"What? Anung ako?!"

"Nothing. I think you're right."

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero natuwa ako nung makumbinsi ko siyang magpahinga muna. He turned off the engine. Then he closed his eyes. He looks like an angel while sleeping. Hayy, sarap titigan o. Busog! 

Pero ilang sandali lang dumilat ulit siya. Hindi ko inaasahan yon kaya nahuli niya kong nakatingin sa kanya. Akala ko iiwas siya agad ng tingin pero hindi! Tinitigan niya pa din ako! Ayos!

"A-anu ba? Bakit di ka pa matulog?"

"Matulog? Then what are you going to do next? You're gonna stare at me?"

"I-iniisip mo bang tinititigan kita ha?"

"Bakit hindi ba?", he gave me a deadly mischievous smile. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Mukhang mapapaamin ako ng wala sa oras nito ah. Then here comes my hero!

May isang matandang lalaki na may akay na kalabaw ang kumatok sa aming bintana. Naputol tuloy ang eye to eye contact naming dalawa which I think, is a good thing. Bumaba si Icen ng sasakyan samantalang ako naiwan sa loob. Patuloy pa din kasi sa pagkabog ung puso ko. Kailangang makontrol ko na toh everytime Icen is around.

"Nasiraan ba kayo?", tanong ng matandang lalaki. Mukha naman siyang mabait. 

"Ah. Hindi po. Naliligaw po kasi kami. Nagpapahinga lang po."

"Tiga- Maynila kayo ano?"

"Opo. Ginabi po kami sa byahe."

"Sa tingin ko, mas maganda kung sa araw kayo babyahe. Delikado kung ngayon kayo aalis dahil walang masyadong ilaw dito sa lugar namin.", sabi ng matanda na sinabayan niya pa ng tawa.

Ilang sandali pa silang nag usap at pagkatapos non ay umalis na ang matanda. Binuhay na ulit ni Icen ang makina. Mukhang alam niya na ngayon kung saan ang daan pauwi.

"Alam mo na ba ngayon kung saan ang tamang daan pabalik ng Maynila?"

"No. Pero alam ko na ngayon kung saan tayo pupunta."

"Saan?"

"Makikituloy muna tayo sa kanila. Gabi na. Delikado na ang daan pag gabi. Isa pa, I need to rest. I'm tired."

Hindi na ko nakipagtalo sa kanya kasi halatang halata sa mukha niya ang pananabik sa pagpapahinga. Gutom na din naman ako, makikikain na din. :))

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon