Me vs The Campus Babe >.<

178 1 0
                                    

Hey! Wanna hang out? I miss our foodtrips. :)

Come on, let's go out! Don't worry my treat!

Haven't seeing you aound these past few days.... Aren't you going to school?

Cielo, I heard what happened to you. Kalat na sa campus yung sinabi sayo ni Icen. Is that the reason why you're not coming? Answer me pls.  

from: Ezekiel

Tadtad na ko ng text niya pero kahit isa don, wala akong balak sagutin. 3 days na kong hindi pumapasok. Nilagnat talaga ko after nung nangyare samin ni Icen na ngayon nga ay kumakalat na sa school. Pero ngayon, ayos na ang pakiramdam ko. Sadyang ayoko lang talagang pumasok. Kung pwede nga lang hindi na ko magpapakita pa sa school eh. Sa school lang ba? Or am I afraid to encounter one particular person?

Whatever Cielo. It looks like he doesn't want you anymore in his life. I need to forget him and do what he wanted to happen. Take it or leave it. Nice, no other choice na eh.

Nakahiga ako noon sa kama ng biglang kumatok ang mama ko. 

"Cielo may bisita ka. Mga kaibigan mo daw."

"Ma, paakyatin mo na lang po dito sa kwarto. Tinatamad pa po akong bumaba eh.", Mga? So madami sila? Habang naghihintay ako sa kwarto, inaasam ko pa din na sana isa sa kanila si Icen. Na sana, nagbago na ang isip niya. Pag nagkataon, aamin  talaga ko. Wala na kong pakialam kung tanggapin niya ko sa part na yon o hindi. 

May kumatok at agad akong tumayo para umayos ng upo sa kama. 

"Pasok. Bukas yan."

Pero nagulat ako ng makita ko si Alyanna. Ay mali, hindi ako kay Alyanna nagulat kundi sa kasama niya. Si Ezekiel yon.

"Cielo! Ok ka lang ba? Bakit ba hindi ka man lang nagtetext ha?", sabi ni Alyanna. Sumampa na siya ng tuluyan sa kama. Naiwan namang nakatayo si Ezekiel.

"Ok lang ako. Nilagnat lang naman ako pero ayos na pakiramdam ko ngayon."

"Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo ngayon?", segunda naman ni Ezekiel. He looked worried. 

Pilit akong ngumiti. Yung ngiting walang kabuhay buhay. Yung ngiti na hindi man lang umabot sa mata ko. Ngiting ewan ko pero nakalimutan ko na ata...

"I'll be fine. Pahinga lang kailangan ko."

"Tama. Pahinga nga ang kailangan mo. I 'm gonna give you a vacation. Libre yon, wala kang dapat ipag alala sa gastos." , alok saken ni Ezekiel pero wala talaga kong gana.

"Hindi na kailangan. Papasok naman na ko bukas eh. Ayos lang talaga ko."

"Hoy wag ka ngang maarte Cielo. Wag kang magfeeling, kasama naman ako sa bakasyon mo kaya tanggapin mo na dali!", untag naman sakin ni Alyanna. Hay, di na talaga nahiya ang bruha.

"Teka, anu bang klaseng bakasyon yan?"

"Well, we have this rest house in Batangas. Malapit yon sa dagat, siguradong mag eenjoy ka don. Promise!"

"Hindi ako marunong lumangoy eh."

"Don't worry. May pool naman don. Mababaw lang. Pumayag ka na Cielo. You really need this."

"Oo nga please!", sabi ni Alyanna habang titig na titig saken. Yung parang bata na nagmamakaawa.

"Oo na. Anu pa nga bang magagawa ko?"

"Yes!", sigaw ni Alyanna habang patalon talon sa kama. 

"Hoy umupo ka nga! Sisirain mo kama ko eh. Kailan ba tong bakasyon na toh? May pasok ah."

"Walang pasok sa Thursday and Friday. May 2day convention ang mga teacher natin. So let's do it this way, aalis tayo sa Thursday at sa Sunday na tayo bumalik. What do you think?"

"Ok. Call!", sagot ko agad sa sinabi niya. Siguro kailangan ko talaga nitong bakasyon na toh. I need to refresh my mind.... and my heart just for a while....

---

Hinatid ko sa baba sina Alyanna at Ezekiel ng pauwi na sila.

"Hey promise me that you will come to school tomorrow ok?", sabi ni Ezekiel. Para siyang bata sa mga sinabi niya.

"Oo na. Teka sigurado ba kayo hindi nakakahiya yun?"

"No. Trust me, we're gonna be there for you. Right Alyanna?"

"Oo naman sisteret!"

"Hoy Alyanna umayos ka ha. Wag mong gagawing bakla yang si Ezekiel. Sasapakin talaga kita pag yan lumiko ng landas!"

"Eto naman, parang lagi akong gagawa ng masama a... Oo na! Hoy bukas ha? Kita kits! Babush!"

Then they were gone....

Pabalik na ko sa kwarto ko ng makasalubong ko si Mama.

"Anak, kailan ba yung pagbabakasyon niyo at ng mapaghanda kita."

"Ma, panu niyo nalaman?"

"Narinig ko lang naman nung napadaan ako. Sa tingin ko kailangan mo iyon. May nabasa kasi ako na nakapagpapagaling ang pagbabakasyon. Tsaka muka namang mapagkakatiwalaan yung mga kaibigan mo eh. Gwapo na mayaman pa. Biruin mong may rest house ang pamilya. Aba sosyal!"

"Mama talaga o. Sige po, balik na ko sa kwarto."

Sinarado ko na yong pinto at agad nag isip. Hanggang sa mapagdesisyunan ko na sasama talaga ko sa bakasyon na yon, at papasok na ko sa school bukas. Hindi ako pwedeng magtago habambuhay. At kung sinumang nagkalat nung chismis na yon, papatayin ko.

----

Kinabukasan, after class, nagtungo ako sa may student's area. Lugar yon na puro bench parang park, kung saan pwedeng mag interact at tumambay ang mga estudyante.

Umupo ako at nagbukas ng chichirya. Kasama ko noon si Alyanna, foodtrip daw kami kasi matagal na naming hindi nagagawa yon.

"Gusto mo?", alok ko kay Alyanna pero nagulat ako ng may biglang humila nung hawak ko at binato saken yung pagkaen. Natapon tuloy yung laman non. Sayang. Nabadtrip talaga ko sa gumawa non at ng makita ko kung sino, agad bumaluktot ang tapang ko. Ang campus babe na naman ang nasa harapan ko, si Elize.

"Ang lakas talaga ng loob mo ano? At nagawa mo pa talagang pumasok. Nice.", patutsada niya saken. Pero imbis na lumaban, tumayo na lang ako at niyaya si Alyanna paalis doon.

"Hindi pwedeng ganto eh. Dapat lumaban ka! Dali! Hoy ikaw babaeng puro ganda, walang talino at modo. Sino ka para ganyanin ang kaibigan ko? Maganda ka nga, bulok naman ugali mo! What's the difference?", matapang na pahayag ni Alyanna. 

Ang totoo niyan, natuwa ako sa sinabi niya. Oo inaamin ko, ayoko ng away. Ayoko ng gulo, pero di ko maiwasang matuwa dahil may kaibigan ako na handang ipaglaban ako sa kahit na sino.... Kahit sa campus babe na toh....

"I'm not talking to you bitch. So shut up!"

"Ikaw ang tumahimik. Ang pangit niyang bibig mo! Ang baho pa ng hininga mo!"

Halos tumawa ako ng makita kong napasinghap si Elize. Agad niyang hinawakan yung labi niya. Halatang nagulat at agad rumehistro sa mukha niya ang galit. Susugurin na sana niya si Alyanna ng biglang may umawat sa kanila.

"Stop it Elize. Come on."

Biglang natigil ang mundo ko. Nawindang ako sa nakita ko. It was Icen. The one whou could make my heart skip a beat. 

"Oh, Icen, darling, come on. Tama ka, wala akong panahon para sa mga hunghang na ito.", malanding sabi ni Elize sabay talikod at naglakad na sila palayo samen.

"Magsama kayo! Hoy Icen, wag kang dumikit jan! Kapanget niyan eh!"

"Alyanna tama na!", saway ko naman sa kanya.

Pero ang masakit nito, hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. the jerk....

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon