You Took My Heart With You.

172 1 4
                                    

Dinig na dinig ko ang paghampas ng alon. Teka? Alon? Panung nagkaron ng----

Napabalikwas ako. Oo nga pala, nasa bakasyon ako ngayon. Akala ko bumabaha na sa bahay at may alon pang nalalaman. Hmm, the scent of coffee fiiled my lungs. Parang bigla akong nagutom dun aa. Tumayo na ko at naghilamos at nag ayos na din ng sarili.

Pababa na ko ng hagdan ng maalala ko si Icen. Napatigil tuloy ako sa pagbaba. Siguradong magkikita kame, panu na yan? Hindi ba't nagbabakasyon ako para makalimutan sya? Panu ko siya malilimutan kung lagi ko siyang makikita? Babalik na sana ko ng kwarto para magkulong ng may marinig aong isang pamilyar na boses ng babae.

"Come on, maligo na tayo sa pool! Ang ganda ng araw o. It's a perfect day for swimming!"

Napatakbo tuloy ako ng wala sa oras. At tama nga ang hinala ko. Nandito rin sa bahay na toh ang pinakanakakabwisit na babaeng nakilala ko. Sinu pa nga ba? Eh di si Elize syempre! Nasa dining area sila non at kasalukuyang nag aagahan. Mukhang kinukulit na naman ni Elize si Icen. 

"Bakit hindi na lang ikaw ang magswimming? Kung gusto muh dun ka pa sa dagat. Tapos wag ka ng babalik ana?", sarkastikong pahayag ni Alyanna. Mukhang badtrip na naman siya sa babaeng iyon kaya ako na mismo ang umawat sa kanya.

"Alyanna. Umayos ka nga. Pasensya ka na Elize, ganto talaga toh kung magbiro.", sabi ko kay Elize pero inirapan lang ako ng bruha. Banas!

"Elize, mamaya ka na magswimming. Kumain ka muna. Eto o, si Icen nagluto niyan.", alok naman ni Ezekiel siguro ay para matigil na lang sa pamimilit ang babae sa walang kaimik imik na si Icen.

"Ok, si Icen naman pala nagluto eh. Why not?'

"Sabik sa tubig palibhasa hindi naliligo.", bulong naman ni Alyanna.

Nakisali na rin ako sa pagkaen nila. Habang kumakain, pasimple akong sumusulyap kay Icen pero hindi man lang toh nakakahalata. Patuloy pa din toh sa pagbabasa ng dyaryo na hawak niya.

"Parang gurang kung kumilos.", bulong ko sa sarili ko. Banas talaga, hindi ba toh magrereact or magsasalita man lang?

Bakit? Sino ka ba para pansinin niya?

Aray naman. T.T

"Oo nga pala Alyanna, Cielo. Hindi ko kaagad nabanggit sa inyo na kasama sa baksyon natin sina Icen at Elize. Inimbitahan din kasi nina Mama si Icen since they know him that much. While si Elize naman, uhm, gusto niya daw sumama."

"Bakit di ka umayaw?", walang pakundangang tanong ni Alyanna.

"Anung sabi mo?!", galit na tanung ni Elize.

"Wala. Sabi ko, tara Ezekiel, Cielo and Icen. Swimming tayo!"

At agad nagsitayuan ang mga bruho. Ang naiwan lang sa lamesa ay ako at ang mga pinagkainan namin. Susunod na lang ako pagkahugas ko ng pinggan.

--------------

Tanaw mula sa kitchen ang pool nina Ezekiel. Kitang kita ko ang pageenjoy nila pati na rin ang panlalandi ni Elize kay Icen. 

Bwiset talaga yung babaeng yun, kung makadikit kala mo linta!

Sa sobrang pagkakatitig ko sa kanila, dumaplis yung pinggan sa kamay ko at biglang nahulog. Ayun, basag. Pero bago ko damputin yung pira pirasong plato, napatingin ulit ako sa labas at nakita kong mag isa na lang si Elize. 

"Nagswimming na ata."

Inuunti unti ko ang pagdampot ng biglang may tumikhim mula sa likod ko. Dala ng pagkagulat, napadiin yung hawak ko sa mga piraso ng nabasag na pinggan sa kamay ko.

"Ay anak ng kabayo! Aray! Syet!"

"Hindi ka kasi nag iingat."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Icen pala yon. Di ko man lang napansin. Agad niyang tinanggal ang mga bubog na hawak ko at tinapat sa gripo yung kamay ko. 

"A-aray. Masakit. Tama na.", hinila ko mula sa pagkakahawak niya yung kamay ko. Hindi dahil nasasaktan ako dala ng sugat kundi dahil nasasaktan ako sa thought na galit siya saken but still he's doing a favor for my own benefit.

Ilang sandaling walang imikan ang naganap.

Umalis ka na Icen. Please. Baka di ako makapagpigil! dinig na dinig ko ang malakas ng pagkabog ng dibdib ko. Na naman?!!!!! 

"Ba- bakit ka nga pala nandito?"

"Bakit? Bahay mo ba toh para pagbawalan ako dito. At ang alam ko sinabi na ni Ezekiel yung dahilan hindi ba? Dapat alam mo na yun pero mukang hindi mo narinig dahil nasa IBANG TAO ang atensyon mo."

Biglang nag init yung pisngi ko dun a.. Ibig sabihin, all that time na tinitignan ko siya, alam niyang ginagawa ko yun?! Owmay.

"A-anong sabi mo?!"

"Hugasan mong mabuti yang kamay mo. Baka lumala pa yan pag di mo ginamot."

Sabi niya sabay alis. 

"And please, don't look at me like that. Nakakaasar."

Bago ko pa mapagtanggol ang sarili ko, iniwan niya na ko ng ganto. Hay, miss ko na nga siya. Kanina gusto ko siyang paalisin pero ngayong wala na siya sa paningin ko, parang bigla naman akong tinanggalan ng isang importanteng bahagi ng katawan.

Tanga, yung puso mo nasa kanya! 

Ahh.. Oo nga pala.... -_-

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon