MMS Chaptie 10

4.9K 73 5
                                    

MMS Chaptie 10

Yeah, katatapos lang namin kumain ng DINNER, oo dinner nga. And andito pa din sina Mitch at ang

Barkada ni Carl. Hindi sila pinauwi ni Mom kasi para daw may kasama kami dahil hindi daw sila uuwi for 3 days.

Hayyy! Busy much nanaman sila sa business eh. So kaya eto kami, muntanga sa garden.

Gumawa kami ng maliit na bonfire. tapos parang paikot yung pagka'upo namin.

So bale ganito yung arragement.

Carl-Ako-Red-Vince-Dave-Mitch-Kyle tapos katabi na ni Kyle si Carl.

Nagtataka kayo noh kung bakit di tumabi sakin si Mitch? Syempre kasi katabi niya si Dave. HAHAHAHAH

Mukhang may lihim na pagtingin to eh. Nakuuuu!

Hanggang ngayon medyo mailap pa rin si Red sa akin. Di niya masyado ako pinapansin mula kanina.

Hala naman baka nagalit talaga to eh. Lagooot! Ahh, kakausapin ko nalang siya mamaya.

"Ang Boring naman!" Biglang sabi ni Vince.

"Oo nga eh, wala bang magandang gawin?" Sang ayon naman ni Dave.

"Guys, maglaro nalang tayo!" Suggestion ni Vince. Aba ha!

"Ano namang laro yan?" tanong naman ni Mitch.

"Truth or Dare!" sagot ni Vince.

"Game! Game!" sabi naman ni Dave.

"Sige gagamit tayo ng bottle ha! Spin the bottle yan ih."

"Hoy! Sasali lahat ha, walang KJ dapat!" sabat ni Vince.

"Psh." nakasimangot na sagot ni Carl. Kahit kelan talaga oh!

"Fine!" pag agree naman ni Kyle.

"Sige, pero mag C'Cr muna ako, balik lang ako." biglang sabi ni Red.

"Good yan!" sagot naman ni Vince.

"Sige maghahanap muna ako ng bottle sa loob." sabi naman ni Mitch.

"Sama ako!" sabi ko sakanya. Pagkakataon ko na to!

"Sige tara na!"

"Hoyy bilisan nyo ha!" sigaw ni Vince habang papaalis kami.

At ayun, iniwan na namin yung tatlo dun. Pagkakataon ko na to para makausap si Red. Magsosorry ako sakanya.

Pagdating namin sa loob ng bahay nakita ko agad si Red papunta doon sa Cr.

"Mitch. mauna ka na sa kusina ha?"

"Oh san ka pupunta?" pagtataka ni Mitch.

"May sasabihin lang ako kay Red."

"Aah, alam ko na. Sige bruu! Gora na, bilisan mo ha? baka magtaka yung iba sa labas." sabi naman ni Mitch. Buti naman at gets ako ng bruha na to. Buti nalang talaga.

"Salamat talaga! Sige pupuntahan ko muna yun." Nag nod nalang si Mitch at ayun umalis na din siya.

Agad akong pumunta sa kinaroroonan ni Red, kaso ayun nakapasok na sa CR. Sayang! tsk.

Diko pa naabutan, tsk! Ayy wait, pwede ko naman siyang hintayin dito sa labas eh. Hehehe

Ang talino ko talaga kahit kailan. Hehehe

My Mister Sungit (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon