It's Just that--Oh My Geez
I just can't imagine myself going to palawan and leave my friends,
Because of stupid things that I've done,
Ugghhhh!
grabe yung mom ko, para sa isang napaka maliit na bagay,
ipama-migrate agad ako sa palawan?
Its just that...
"bangon na Julie! may pasok ka pa! dalian mo! bangon!" tumayo na rin ako dahil sa naudlot kong tulog na dulot ng magaling kong kuya. Napatingin ako sa wall clock.
"it's already 6:00 kuya! Why'd you wake me up so early?"
"wag ka na mag english! kumilos ka na! 7:00 ang simula ng klase mo." sabi ni kuya.
"that early?"
"Aish! wag na maraming tanong." sabi ni kuya sabay labas ng room ko.
Mamaya na agad ako papasok sa school, ang sabi ni mom ay isang linggo na daw nagsimula ang klase kaya kailangan ko ng pumasok ngayon. Nakakaexcite namang pumasok!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang makarating na kami sa school ay pinagmasdan ko ito mula sa labas. Ang ganda...Yung lang masasabi ko.
"kyaaaah!" sa sobrang excited ko ay lumabas ako sa kotse ni kuya without minding na may tao pala doon sa tabi ng pinto ng kotse ni kuya kaya natamaan sya at poom! sapol sa mukha! dugo ilong. Hihihi.
"Ay, hehe sorryyyy~" sabi ko sabay peace sign at bumaling kay kuya.
"kuya I'm leaving na, see you later! OMGeee, It's so exciting!" sinara ko na yung pinto ng kotse matapos kong ikiss si kuya sa chicks at nagmamadaling tinungo ang school.
Enjoy na enjoy akong naglalakad habang tumitingin sa paligid. Medyo maliit sya kumpara sa school na pinapasukan ko noon but somehow, naaamaze naman ako habang naglalakad dito sa ilalim ng puno ng acacia tree at may unti-unting nalalaglag na mga dahon dito.
Habang naglalakad at pinagmamasdan ang paligid, bigla kong narealize na... Hindi ko pala alam kung saan ako tutungo! Ang alam ko lang ay yung section ko.
Oh well, hahanapin ko nalang yung section PEACE.
Peace yung section ko, for sure ay mapayapa yun, peace nga eh...
"why are you not in your class?" tanong ng isang madre na nakasalubong ko.
"ahm...I'm a transfery student po..." sabi ko sabay bless sa madre. So this school is a Catholic school...obviously, seriously Julien?
"oh, What section are you?" tanong ulit ng madre.
"uhm...peace po..." sagot ko.
"oh, okay. Go to your class, Section peace is there, at the third floor..." sabi nya habang tinuturo yung building.
"Thank you..." nag bow ako sa kanya at ngumiti sabay alis na at tinungo ang third floor kung saan naroon ang section peace.
Nang makarating ako doon sa third floor ay may nakasalubong ulit akong isang madre.
"You must be a transfery, am I right? unang beses pa lang kitang nakita dito..." nakangiti nyang sabi. Tumango ako at nag bless sa kanya. Right, ang galang kong masyado...
Sinamahan ako ng madre papasok doon sa section na peace.
"peace, she's a transfery student and I hope that you'll be nice to her." sabi ng madre tapos ay umalis na.
"Hi, Good Morning! I'm Julien Morales!" nakangiti kong sabi sa kanila.
Pinagmasdan ko ang paligid. Lahat sila ay nagbubulungan ng nakangiti tapos ay maya-maya ay may lumapit sa aking isang cute na babae.
"Hi! I'm Kath, Hindi ngayon kundi...Rebucas!" sabi nya kaya natawa ako.
"come here,dito ka umupo. Tabi tayo, Here in peace is a peace in the world...Heavenly Peace!" sabi nung isa pa at hinila ako sa tabi nyang upuan.
Nagkwentuhan lang kami doon. Nagtatanong sila about sa akin at syempre sinagot ko naman ng maayos. They are friendly! Yung teacher nga na nagdidiscuss kanina ay nabalewala at wala na ni isang nakikinig sa kanya kaya naisipan na nyang tumigil at nagcheck nalang ng attendance.
"oh pai, anyare dyan sa ilong mo? bakit namumula?" tanong ng isa kong classmate at natuon ang atensyon naming lahat sa lalaking kapapasok lang.
There's a guy standing in front of the door--of us, matangkad, medyo kayumanggi ang kulay, may bag na jansport na nakasabit sa balikat nya, naka T-Shirt na puti at maong pants, maitim ang buhok na medyo messy.
Napatago akong bigla at umupo sa floor.
Why?
because that guy... Sya yung nabangga ko kanina ng pinto ng kotse ni kuya!!
"huuy, anong ginagawa mo dyan?"
"ah-ah! m-may hinahanap lang..." sabi ko na medyo mahina at tumingin sa ilalaim ng upuan ko na kuwari'y may hinahanap.
"nabunggo ako sa pinto ng kotse." sabi ng lalaki tapos ay narinig ko ang pagtunog ng paghakbang ng mga paa nya.
"Pffft-- shunga ka pala pai eh! haha."
"Psh." patuloy pa rin sa paglalakad at maya-maya ay huminto sya at pati na rin yata ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang mga paa nya sa may bandang kamay ko.
Of all places, bakit dito pa ang direksyon na pinuntahan nya? Bakit dito pa sya huminto?
Now I'm doomed.
Unti-unti akong napatingin sa taas ng dahan-dahan para makita sya.