Chappy~15

5 0 0
                                        

Chapter 15--stuck with each other

"Aww...ang sweet ni Darren. Bagay talaga kayo! Sige Darren, hatid mo nalang sya sa clinic. Hatiran nalang namin kayo ng lunch--pero bayad nyo syempre!" sabi ni Kath tapos inilahad ang kamay na parang kinukuha yung pera kay Darren.

"mamaya ko nalang bayaran." sabi ni Darren tapos naglakad na sya palabas ng room buhat-buhat ako.

The moment that he step out of this room, napatingin sa amin yung mga tao don and it makes me feel more awkward that cause my chicks blush.

"Oi Darren..." napatigil sya sa sinabi kong yun kaya nagtaka ako at tiningnan sya.

"huy, okay ka lang?" Tumingin sya sa akin tapos bumaling ulit sa dinadaanan at nagsimula muling maglakad.

"nakakahiya naman dito, sumisikat na yata ako." sabi nya tapos tumawa.

"Ang hangin juskulord, nili-LIPAD-DARREN!!!" napalakas ko yung sinasabi ko kasi bigla ako hinagis ni Darren buti nalang at nasalo nya rin ako.

Bumilis tuloy bigla yung kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa nya. Letcheng Darren A. ito oh! Tinatawanan pa ako!

Hinampas ko nga sa dibdib. Nakakaasar eh. Tumatawa pa rin sya. Hmp!

"tawa." sabi ko ng nakapoker face.

"Haha yung mukha mo kasi eh! Haha--" Napatili ako nang biglang naramdaman kong napatid si Darren.

And the last thing I know, pareho na kaming nasa baba. Nalaglag na pala kami sa hagdan. Buti nalang at three steps lang yung nabagsakan namin. Napatingin ako kay Darren A. na hindi nagsasalita.

"D-Darren...?" tumingin ako sa kanya at nakita ko yung namimilipit nyang mga matang nakatingin sa akin pero bigla syang ngumiti.

"ayos ka lang?" tanong nya sa akin. Tumango ako ng dahan-dahan.

"eh ikaw?" tumingin lang sya sa akin. Tapos nakita ko yung paa nya na dumudugo dahil may gasgas.

"okay lang ako." sagot nya pero hindi ko yun nakikita sa mukha nya.

"m-may gasgas ka, ikaw kasi eh!" sabi ko tapos tatayo sana ako pero naramdaman ko nanaman yung kirot ng paa ko tapos naramdaman kong parang lalo syang sumakit. Sheet of paper, sprain na yata ito!

"oi Pai, naano kayo dyan? kanina ka pa namin hinahanap Darren." nakita kami ni Hylle at Joaquin kaya lumapit sila sa amin.

Tinulungan ni Hylle na tumayo si Darren A. tapos lumapit sa akin si Joaquin.

"kaya mong tumayo?" umiling nalang ako tapos binuhat nya ako at dinala nila kami sa clinic.

"PAREHO kayong sprain anyare ba? Ang alam lang namin kanina si Julien lang yung sprain, paanong nangyaring pati ikaw Darren?? Sabihin mo Julien, hinawaan mo si Darren no?" dumating si Mykee at Kath na may dalang kanin at ulam para sa amin.

"oi hindi ah! kasalanan nya yan!" sabi ko tapos tumingin ako kay Darren A. na nasa kabilang side kasama sina Hylle at Joaquin.

*Ring*

"ah, sige Julien alis na kami ah? gusto ka man naming samahan dito pero hindi pwede kaya, aalis na kami ah? babalikan ka namin mamayang uwian." sabi ni Kath tapos umalis na sila ganon din si Hylle at Joaquin at naiwan kaming dalawa ni Darren A. sa loob. Parehong Sprain...

I...and Darren A....Stuck with each other...in the clinic.

This can't be!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon