Chapter 16--lunch
Tumingin ako kay Darren A. na may benda sa binti--well pareho kaming may benda yung binti pero yung sa kanya kasi may sugat.
"Oy kain na tayo." pagyaya ko sa kanya.
"ayos ah, ikaw pa nagyaya sa akin." sabi nya kaya tiningnan ko sya ng naniningkit na mga mata.
"eh anong problema mo dun?" sabi ko.
"wala naman, haha. Tara kain na tayo." Inayos nya yung pagkakaupo nya at humarap sa lamesa at ganon din ako tapos sabay kaming napatingin sa pagkaing nakalagay sa lamesang nakapwesto sa lamesa. Si Mykee ang nag ayos ng mga pagkaing ito kanina nung kinakaiusap pa ako ni Kath kaya hindi ko napansin kung ano-ano yung nilalagay nya sa lamesa.
Well, ano nga ba ang pinanglagay nya sa lamesa??
Ulam na Chicken Curry na nakalagay sa isang mangkok, dalawang kanin na may nakalagay na tig-dalawang order tapos isang kutsara't tinidor at isang bote ng tubig.
Isang kutsara!
Fudge Mykee at Kath! What were you thingking!?
"Gagong Joaquin yun ah..." napatingin ako kay Darren A. dahil sa sinabi nya.
"bakit?"tanong ko sa kanya.
"wala...kain nalang tayo."
"p-pano?"
"no choice. Wag ka ng choosy." sabi nya tapos kinuha nya yung kutsara at nagsimula ng sumubo ng pagkain tapos ako, nakatingin lang sa kanya. Maya-maya ay ihiharap na nya sa akin yung kutsarang may lamang kanin na may halong ulam.
Tinitigan ko ito at napalunok.
Kakainin ko ba talaga yan?? Gagamitin ko ba talaga yang kutsarang nanggaling mismo sa bibig ni Darren??
"patitig-titig pang nalalaman, kakainin lang eh. Wala namang lason." bigla nyang sinubo sa akin yung pagkain at wala na akong ibang nagawa kundi ang nguyain iyon.
"ta, namatay ka?" umiling nalang ako at inagaw sa kanya yung kutsara at sumandok pa ng kanin at kinain. No choice na rin naman, tutal wala na rin naman akong magagawa--kakain nalang kami! no more than that.
Palit-palit lang kami sa paggamit ng kutsara hanggang sa si Darren nalang yung humahawak ng kutsara. Nakalimang subo na sya ng kutsara pero hindi nya pa rin binibigay sa akin yun kutsara.
"oi! ako nanaman!" Tiningnan lang nya ako tapos sumandok ulit ng kanin at sinubo sa bibig nya. Sumandok ulit sya tapos akala ko ay isusubo nya ulit sa kanya pero napatitig nalang ako sa kanya nang isubo nya yun sa akin. Para pa akong na-slow motion at tanging si Darren lang yung nakikita ko. Napatitig pa ako sa mata nya tapos nakita ko yung ngiti nya.

BINABASA MO ANG
This can't be!
Teen FictionIt's Just that--Oh My Geez I just can't imagine myself going to palawan and leave my friends, Because of stupid things that I've done, Ugghhhh! grabe yung mom ko, para sa isang napaka maliit na bagay, ipama-migrate agad ako sa palawan? Its just that...