Chapter 06~Darren Assumero
"Hoy! leche ka yung sapatos ko ninakaw mo!" bungad ko nang makapasok ako ng room at nakita ko syang nakikipag usap kay Joaquin sa tabi.
"eh nagpapapansin ka kasi sa akin," sabi nito at ngiti ng nakakaloko.
"what? kapal talaga ng mukha mo no? You are assuming! bakit naman ako magpapapansin sayo? eh ang dami namang mas gwapo sa lugar namin kesa sayo. And, asa ka! hmp! Sayo na yung sapatos kong iyon! Bakla ka lang siguro at type mo ang sapatos ko kaya mo tinangay!" with that, bigla syang tumayo at naglakad patungo sa akin.
"gusto nyang makatanggap ng halik mula sa akin!" sabi nito.
"EwWwWw Watch your words! Asa ka pang gugustuhin kong halikan ka!" sabi ko at tumalikod na at pumunta sa pwesto nina Kath na nagpipicture sa cellphone nila.
"oi sali!" nakisingit ako dun sa picture nila at nagpicture-picture kami. Pinahawak ni Kath yung Cellphone nya kay Hylle at nagpapicture kaming dalawa pero nakakaasar lang dahil nang kunin namin ito para makita ang litrato ay may epal na nakisingit sa amin.
"Ayun oh, inlove nanaman sa akin..." sabi nito at tumatawa-tawa pa.
"idelete mo yan Kath, may PANGET na nakasama..." sabi ko sabay irap kay Darren.
"No!! Ang ganda kaya! i a-upload ko ito mamaya!" sabi naman ni Kath.
No choice naman ako dahil cellphone nya yun.
"sus...kunwari pang hindi nagwapuhan sa akin..." bulong nito at naglakad na paalis--pabalik sa pwesto nila.
"psh. kala nya siguro di ko narinig yun. Assuming masyado!" sabi ko at tiningnan nalang ng masama ang nakatalikod na si Darren.
Hang dumating ang teacher at nagcheck na sya ng attendance namin.
"Darren...?" Tanong ni ma'am.
"Ma'am! Nandito ako! ang gwapong si ako!" Sabi nito tapos ay nagtawanan sila ng mga kasama nya dun SA likod. Isa lang ang masasabi ko, MAYABANG sya! Hindi ko ipagkakait na gwapo sya pero ang YABANG nya! Hmp!After ng attendance at sobrang ingay hanggang sa umalis na ang guro at panibagong subject nanaman ang dumating.
"Get back to your seat!" With that, napabalik kaming lahat sa kung saan Talaga kaming nakaupo. Nakatabi ko nanaman si Darren the Assumero. Yeah, from now on, Darren Assumero is his name! Assuming eh!
Nang mag discus na yung teacher at nagdadaldalan naman ang pumapagitna SA akin na si Darren Assumero at Joaquin. Mga walang balak na mag review!
"Share your conversations Mr. Darren and Joaquin? Ano, maganda ba si binibining Julien?" Napatingin ang lahat sa among tatlo habang yung iba naman ay naghahagikhikan na sa tabi.
"Ay oo ma'am! Super" sagot ni Joaquin at nag wink sa akin.
"And your conversations? Would you like to share with us? May the best man win ba?" Sabi ni maam at nag pamewang na sumandal sa lamesa.
"Ay oo ma'am! Haha pero alam na agad kung sinong panalo, ofcourse ako!" Sabi ni Darren at tumayo pa na parang ipinagmamalaki ang kagwapuhan. Ang hangin!!!
"Psh ang lakas naman ng hangin, lumamig tuloy lalo sa loob ng room," sabi ko na narinig ng lahat kaya ayun, nagtawanan sila. Ako naman ay inirapan ang assuming na si Darren.

BINABASA MO ANG
This can't be!
Fiksi RemajaIt's Just that--Oh My Geez I just can't imagine myself going to palawan and leave my friends, Because of stupid things that I've done, Ugghhhh! grabe yung mom ko, para sa isang napaka maliit na bagay, ipama-migrate agad ako sa palawan? Its just that...