It's Just that--Oh My Geez
I just can't imagine myself going to palawan and leave my friends,
Because of stupid things that I've done,
Ugghhhh!
grabe yung mom ko, para sa isang napaka maliit na bagay,
ipama-migrate agad ako sa palawan?
Its just that...
Naupo kami ni Kath at Mykee sa isang sulok. Nandito kami ngayon sa library, nasa Children's section ng library. Ang special kasi ng pwesto ng sa mga bata puro paints ng mga princesses sa walls at ang cute. May maliliit na upuan na pangbata, may unan na princesses, may stuff toys, at may tv pa nga. Samantalang yung sa highschool tamang lamesa at upuang kahoy lang kaloka.
"Oi Julien, nagtext ba ulit sayo yung si--Secret Admirer?" tanong ni Kath nang makaharap sya sa akin. Tumingin na rin sa akin si Mykee.
"oo nga. Alam mo, nasesense kong gwapo yung admirer mong yan, nasa circle of class lang natin yung admirer mo! ang dami pa namang gwapo sa room natin. Hihi..." sabi ni Mykee sabay hagikhik ng malakas kaya naman napatingin sa amin yung librarian.
"students anong ginagawa nyo dyan? bawal kayo dyan, nakikita nyo ba? Children's Area. Bata pa ba kayo?" pagsusungit nito sa amin at pinalabas kami.
"ito namang si ma'am kulot, mukha pa naman tayong bata ah? tyaka ang KJ nya ah! Hmp tara na nga!" lumabas nalang kami ng library at bumalik sa room namin at naabutan namin yung mga classmates namin na karamihan ay tulog. Nakisali na rin si Kath sa mga natutulog habang kami ni Mykee ay nagcellphone nalang.
Nang dumating na yung next teacher namin ay naglibot sya sa lahat ng natutulog at hinampas yung armchair at ayun, nagising na sila pero yung mas nakakatawa talaga ay si Kath kasi ginugulo pa ni sir yung buhok nya pero hindi pa rin sya magising tapos tinawag kaming lahat ni sir at pinalapit kay Kath at sabay-sabay kaming nagpalakpakan sa harap ni Kath at ayun, napatayo pa sya at nagtatakang nilibot ang paningin sa amin.
"Good morning!" pupungas-pungas pa rin si Kath na umupo ng maayos. Halatang antok pa rin.
"once you sleep again in my class, be sure na wag tutulo yung laway ah?" sabi ni sir tapos biglang nanlaki yung mata ni Kath at napahawak agad sa ibaba ng labi nya, hindi pa nakuntento at nilabas ang salamin para makita ang mukha nya. Natawa nalang kami dahil wala naman talagang tulo ng laway sa kanya.
"so, gising na ang buong diwa mo?" tanong ni sir na nagpipigil ng tawa. Napatango nalang si Kath.
"get you notebook and pen then copy this okay? Hindi makakalabas ngayong lunch ang walang kopya." sabi ni sir tapos ay nagsulat na sa board.
Hinalungkat ko yung bag ko at hinanap ang notebook at ballpen pero hindi ko makita yung ballpen ko. Di-noble check ko pa if ever na nalampasan ko lang ng tingin pero wala talaga.
"my pen, where na you?" napakamot pa ako sa ulo ko kahit na hindi naman makati. Paano na ito? no ballpen; no copy...no lunch?
Napalingon ako sa right side nang makita ang ballpen na nakaharap sa mukha ko. Tiningnan ko ng nagtatanong si Darren A.
"gamitin mo na, salamat ka may extra ballpen ako dito ngayon." sabi nya tapos inabot sa akin yung HBW na ballpen.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"t-thankyou..." sabi ko at tinanggap iyon at nagsimula na akong magkopya ng notes. Haaayst, thanks a lot kay Darren A. at pinahiram nya ako. May kabutihang loob din pala ang habog na ito kahit na papaano...Nangingibabaw nga lang ang kayabangan.