Chapter 12---An Admirer??
P.E time namin at nasa baba kaming lahat para sa activity. Pinababa kami ni ma'am P.E para maglaro at kailangan daw ay lahat ay makita nyang maglalaro.
Yung laro namin? Bato bola. Mga papel lang na nilagyan ng maliit na bato sa loob at binalutan ng scatchtape ang gamit naming bola. Yung groupings ay Goys vs. Girls at syempre as gentlemans daw ay ladies's first kaya kami ang nasa gitna at naglalaro.
Hawak ni Hyle yung bola tapos binato nya sa amin kaya umiwas kami at pumunta sa side nila dahil nasa kabila na ang bola. Tapos tawa ako ng tawa kasi natamaan si Kath ng bola at sapul sa mukha!
At dahil sa katatawa ko, hindi ko namalayan na nakuha na pala ng kabilang panig ang bola at ibinato sa akin kaya natamaan ako agad! Hmp!
"Ayan! Tawa pa! hahaha." pang aasar ni Kath.
"Hmp!" tinalikuran ko sya tapos ay kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ko dahil naramdaman ko ang pag vibrate nito. May nagtext.
+++++
From 095011*****
Haha ang cute mo maglaro ng bato bola! Sayang nga lang at natamaan ka agad.
+++++++++++
Sino kaya itong nagtext? tyaka, bakit alam nyang naglaro ako ng bato bola at natamaan ako agad??
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Sino sa kanila yung nagtext? Imposibleng wala ni isa dito yung nagtext sa akin dahil hindi naman pwede na alam nila yung ginagawa ko pero wala sila dito? ano sya, manghuhula??
Inilibot ko pa ang paningin ko tapos nakita ko si Darren na tutok na tutok sa cellphone.
Sya kaya??
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"ikaw yung nagtext no?" judgemental man yung tono ko pero hindi ko mapigilan. Wala naman kasing ibang tao dito na nakatutok sa cellphone nila dahil busy sila sa panonood ng naglalaro. Sya lang talaga.
"...huh??... Anong text??" sabi nya tapos tumingin sa akin ng saglit tapos tumingin agad sa cellphone nya. Parang may something sa kanya. Sya nga kaya?
Base kasi sa kilos nya, mukhang sya nga yung nagtext. Pero bakit naman sya magtetext sa akin at san nya nakuha yung no ko?
"Text. Ikaw yung nagtext sa akin?"
"...ano bang sinasabi mo?" sabi nya habang nakatutok pa rin sa cellphone nya.
"ikaw lang naman yung nagcecellphone dito kaya alam kong ikaw yung nagtext..." sabi ko tapos nakisilip sa ginagawa nya at natigilan.
"anong text ka dyan? kita mo to? pa-flappy bird ako dito--ayan tuloy! dead na." sabi nya at humarap na sya sa akin at tumingin ng masama.
"k-kung hindi ikaw...s-sino?" nakakahiya...hindi pala sya yung nagtext. Napagkamalan ko pa tuloy yung inosenteng naglalaro ng flappy bird.
"aba'y malay ko." sabi nya at nagkibit-balikat at tumutok na muli sa cellphone nya at naglaro ulit at ako naman ay inilibot muli ang paningin nagbabakasakaling makita kung sino yung nagtext pero pano ko makikita kung hindi ko naman alam kung sino diba?
Umalis nalang ako sa tabi ni Darren A. at pinakatitigan ang no. ng nagtext.
Lumapit ako kina Kath at Mykee na natamaan na rin pala ng bola at out na sa laro.
"Oi Mykee, Kath, Kilala mo kung kaninong no. ito??" tanong ko at pinakita ang text sa akin ng kung sinoman. Tiningnan nila ito at pinakatitigan.
"hmm...Ah!--"_Kath.
"kilala mo kung kanino?"
"hindi eh..." binatukan naming dalawa ni Mykee si Kath dahil sa sinabi nya.
"enebenemenyen..."
"secret admirer! haha. Sino kaya yan?"
An Admirer? Who could that be?

BINABASA MO ANG
This can't be!
Fiksi RemajaIt's Just that--Oh My Geez I just can't imagine myself going to palawan and leave my friends, Because of stupid things that I've done, Ugghhhh! grabe yung mom ko, para sa isang napaka maliit na bagay, ipama-migrate agad ako sa palawan? Its just that...