Allison's POV:
Mabilis lumipas ang mga araw. Halos magdadalawang buwan na din mula ng magpasukan. Marami na din naman kaming nakilala sa SHU. Naging maayos naman at naging close din sila kahit papano. Hindi nga lang sobra tulad namin ni Hailey. Madalas na din namin kasama ang mga barkada ni Nathan. Hindi naman kase maiiwasan dahil nga girlfriend nya ang bestfriend ko, pero syempre may mga pagkakataon na hinahayaan namin sila. Si Ivan, medyo naging close ko na din naman kahit papano. Mabait naman kase talaga sya sakin. Si Christian, sobrang kulit pa din talaga. Hilig ngang mangburaot ng isang yon. Hahaha. Basta, mahilig syang magtrip. Pero, yung tipong di ka naman maaasar. Kase, talagang matatawa ka sa trip nya sa buhay. Kumbaga, sya nga ang clown ng barkada eh. Hahaha. At si Kenneth naman? Wala. Pinalayas ko na. Hahaha. Joke. Sa loob ng two month? Ano nga bang nangyari?
Wala. Ayon. Ganon pa din. Mas lalo nga lang yatang lumala eh. Wala yatang araw na hindi kami nagkakainisan o away ng mayabang na yon. Hindi pa din kase sya tumitigil ng pang-asar at pangbwisit ng bawat araw ko, nasa school man ako o nasa village namin. Para na nga daw kaming aso't pusa. Hindi nga yata pwedeng dumaan ang isang araw na walang pag-aaway na mangyayari sa aming dalawa. Pinipigilan naman kami ng barkada dahil don. Si Ivan, may mga pagkakataon na pinagtatanggol nya ko o pagsasabihan si Kenneth, yung isa naman ngingisi o matatawa na lang tapos titingnan na lang ako ng pang-asar once na pinigilan na sya ni Ivan. Kahit naman ganon, hindi pa sila nagkaaway ni Ivan ng dahil lang sa pagtatanggol sakin ni Ivan at sa pangingialam nya. Mag bestfriends nga talaga ang dalawa. Sa apat kaseng lalaking yon, silang dalawa ang sobrang close tapos sina Nathan at Christian naman. Pero, syempre iba pa din yung apat sila. Minsan nga, naiisip ko. Paano naging mag bestfriend ang dalawa? Sobrang opposite nila eh. Hahaha. Si Ivan, mabait, maalaga, sweet, gentleman. Lahat na nga ng ideal man na hahanapin ng isang babae nasa kanya na. Samantalang si Kenneth, mayabang, mapang-asar, pasaway at mayabang talaga. Hahaha.
"Uyy, ano alli? May naisip ka ng club? Anong sasalihan mo?" Biglang tanong sakin ni Hailey after nya kong kalabitin sa balikat.
Bigla naman akong tumigil sa pag-iisip at bumalik sa realidad. Oo nga pala, nag announce na yung dean nung isang araw na pwede na kaming magpalista sa kung anong sasalihan namin. Sa isang araw pa naman ang deadline non.
"Actually, hindi ko pa alam. Di ko pa din kase, naiisip yan. Tsaka, may one week pa naman tayo para makapag-isip eh. Ikaw ba?"
"Ah, okay. Sasali ko sa cheering squad. Tapos, pag-iisipan ko pa if may iba kong sasalihan." Ngiti naman sakin ni Hailey pagkatapos nyang sagutin ang tanong ko.
Nandito nga pala kami sa may gym ng school. Nakaupo lang sa bleachers. Pinapanuod kase namin mag practice ang boyfriend nya. Varsity player kase yang apat na yan sa school. Wala kaming mga klase ngayon dahil yung prof. namin, absent. Di pa naman kame pwedeng umuwi dahil may last subject pa din kami.
"Go! Baby!" Nagulat naman ako sa biglaang pag-sigaw ng katabi ko. Muntik na kong atakihin sa puso. Dejokelang.
Napalingon naman ako sa may court at nakita kong na kay Nathan pala ang bola kaya todo cheer itong bestfriend ko.
Maya-maya pa, nag three points sya...
Hinintay namin yung mangyayari then....
Boom!!!!
"Ohmygosh! Three points! Waa. Galing galing mo, baby! I love you!" Sigaw na naman ni Hailey. Napatingin naman sa kanya si Nathan sabay ngiti then flying kiss at ang gaga, kunwari nasalo nya. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
His Bestfriend's Fiancee
RandomHalos three years na din magkarelasyon sina Ivan at Allison Jade. Sobrang legal nila sa pamilya ng isa't-isa. Kung iisipin, perpekto ang relasyon nilang dalawa. Nagkakatampuhan sila pero hindi umaabot ng magdamag. Ganon nila kamahal ang isa't-isa. S...