Hi guys! Sinong gogora sa road tour ni DJ sa Ynares sa Feb. 27? Enjoy kayo! :)))))
***********
HAILEY'S POV:
"Look, baby! Hindi ko talaga kilala yung girl na yon. Yes, schoolmates natin sya. Pero, di ko nga kilala. Kahit pa name nya, nagpapicture lang sya sakin after kitang ihatid sa room mo kahapon."
Sabi sakin ni Nathan habang palabas kami ng bahay. Sinundo nya ko ngayon.
Nag-aaway kami dahil sa isang picture nila nung babae na nakita ko kagabi after nya manggaling dito. Nag online kase ko non, at nakita ko yon sa news feed. Okay lang sana kung simpleng magkatabi lang eh.
Pero. Tang-ina!
Nakakiss yung lecheng babae sa kanya habang sya naman naka-akbay ng nakangiti!
So, sinong matinong girlfriend ang hindi magagalit kapag nakita yon?!!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya sinigawan ko na sya.
"TANG INA NAMAN PALA, NATHAN VINCE HERRERA! ANONG GUSTO MONG MARAMDAMAN KO?! ANONG GUSTO MONG SABIHIN KO? NA, SIGE. OKAY LANG. NAKO! YON LANG PALA EH. PARANG KISS LANG SA CHEEKS TAPOS GRABE SMILE MO EH. OKAY LANG YON!" umiiyak na sigaw ko sa kanya.
Humagulgol na ko. Iyak ako ng iyak. Nasasaktan kase ko sa nakita ko.
Narealize naman yata yon ni Nathan kaya pilit nya kong hinahawakan at niyayakap.
Sinusubukan ko naman umiwas.
"Sorry. Sorry. Sorry na, baby. Wag ka ng umiyak. Wala lang yon. I love you. I love you." Pang-aamo nya sakin.
Binigyan ko naman sya ng cold na tingin. Naiinis talaga ko.
Nagpunas na lang ako ng luha.
"Papasok na ko. Baka malate pa ko." Sabay maglalakad na sana ko palabas ng village ng hilahin nya ko.
"San ka pupunta?"
"PAPASOK NA NGA AKO! ANO BA!"
He run his hands through his hair and mukhang naiinis na sya pero nagpipigil lang.
So, sya pa ngayon yung may ganang magalit ganon?!
Bigla na namang tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko yon.
Nakakainis!
"Sumabay ka na sakin, please. Hailey. Oo, galit ka sakin. Pero, di naman ibig sabihin non, hindi na kita isasabay. Boyfriend mo ko. Girlfriend kita. Karapatan ko pa din naman gawin 'to. Mag-usap na lang tayo mamaya. Aayusin natin to. Mahal na mahal kita, baby." Sabay halik nya sa noo ko at pinapasok na nya ko sa passenger seat.
Walang umiimik saming dalawa pagpasok nya hanggang sa makarating kami sa school. Maaga pa naman din kaya tatambay muna ko.
Naramdaman ko naman na sinundan nya ko.
Nakita ko naman si Kenneth at Christian sa may tambayan kaya lumapit na lang ako.
Halata naman sa mga mata nila na nagtataka sila kung bakit ako bagong iyak lang.
Hindi na sila nagtanong.
Si Nathan, hindi naman na tumabi sakin.
BINABASA MO ANG
His Bestfriend's Fiancee
RandomHalos three years na din magkarelasyon sina Ivan at Allison Jade. Sobrang legal nila sa pamilya ng isa't-isa. Kung iisipin, perpekto ang relasyon nilang dalawa. Nagkakatampuhan sila pero hindi umaabot ng magdamag. Ganon nila kamahal ang isa't-isa. S...