Chapter 7

42 1 1
                                    

NATHAN'S POV:



"Asan na ba yung si Kenneth? Loko yon. Kakausapin lang daw si Coach hanggang ngayon wala pa din dito sa bahay."



Nagrereklamo na 'tong si Christian. Nandito kase kame ngayon sa bahay nila. Maglalaro lang ng billiards. Dito na lang namin naisipan pumunta. Nauna na kaming umalis kay Kenneth kanina. Sabi naman nya susunod sya pero hanggang ngayon wala pa din sya.



"Tawagan mo nga tol, wala ko load eh hahaha."



Tss. Tingnan mo na 'to. Eh lagi ka naman walang load! Kuripot mo kaya! Hahaha



Calling Kenneth...



After ilang mins. sinagot na din naman nya agad.



"Hello, Dre. Ano? San ka na? Tagal mo ah."




"Hindi na pala ko makakapunta. Sensya na. Sumama bigla pakiramdam ko. Bawi ako next time."



"Tss. Wrong timing. Ge. Ang daya nyo. Hahaha. Basta next time."



~ End call..



Ano naman kaya nangyari sa isang yon?



"Oh, ano? Asan na daw si Ken? Tanong ni Christian habang nilalagyan ng Tisa ang billiard stick nya.



"Nasa bahay na nila. Sumama daw pakiramdam eh. Next time na lang daw." Sagot ko naman.



Hindi na naman sya nagsalit pa at Pinagpatuloy na lang uli ni Christian yung paglalaro nya. Pero maya-maya pa..



"Ang daya naman kase nila Ivan at Kenneth." Biglang reklamo naman ni Christian.



"Hayaan mo na. Baka di lang talaga okay si Kenneth ngayon. Kilala mo naman yon eh, go naman lagi yon sa mga ganito. Si Ivan naman, hayaan mo na din. Nag eenjoy pa yon ka-date si Allison. Hahaha."



"Akalain mo yong si Ivan, type pa yata si Alli. Hahaha. Swerte nya, sya first date non. Hahaha. Poporma na kaya yon?"



Chismoso naman neto! Hahaha.



"Kingina! Nabading ka na naman! Tsismoso mo dre! Hahaha. Dalian mo nga, tumira ka na lang. Tagal eh." Naiinip kunwaring sabi ko.



"Gago! Natatalo ka lang eh! Hahaha." Matawa-tawang sabi nya sabay tumira na.



Kaso..



Walang nahulog! Hahaha



Talo pala ah.



Tsk tsk.



Lagot ka sakin ngayon! HAHAHA



Lumapit naman agad ako don sa billiard table para tingnan yung pwesto ng mga bola.



"Talo pala ah. Hahaha. Lagot ka saken." Matawa-tawang sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng tisa ang billiard stick ko.



"Tss. Bilisan mo na nga lang." Parang napipikong sabi nya.



Hahahaha. Pikon ng isang 'to!



Nag simula na kong maglaro. Halos hindi na sya nakatayo eh.



At tulad nga ng inaasahan, nanalo ko! HAHAHA



Nakailang rounds din kame pagkatapos. Tie nga lang score namin eh. Hahaha.



His Bestfriend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon