Chapter 8

15 1 0
                                    

ALLISON JADE'S POV:




"So ano na nga? Anong nangyari sa date nyo ni Ivan kahapon? Di naman kita matanong dahil nandun ang barkada"



Kanina pa kong kinukulit netong si Hailey, katatapos lang ng volleyball practice namin at nandito kaming dalawa sa loob ng locker room ng mga volleyball players. May sarili naman kase talagang room ang bawat players dito sa Gym ng SHU. Yung iba naman naming mga kasama, nag breaktime na yata o kaya nag punta na sa ibang klase nila.



"Wala. Okay lang. Nanuod lang kami movie. Nag timezone, kumaen. Kwentuhan. Ganon lang. Tapos, nalaman ko na ang ganda pala ng boses non tsaka galing sumayaw. Nahiya nga ako bigla. Tinalo pa ko hahaha." Biro ko naman


"Baliw ka talaga. Pero, ano yung may pa-red rose red rose pa sya? Hahaha kayo ah. May something na naganap kahapon ano? Hahaha" biro naman nya


Nako. Hailey. Pasalamat ka tayo na lang dito kundi malalagot ka sakin pag may nakarinig. Jusko! Bat ako nagkaron ng loka-lokang bestfriend? HAHAHAHA chos.


Naalala ko tuloy yung nangyari kaninang umaga about sa red rose na yan.


FLASHBACK...


Nakatayo ako sa harap ng locker ko at nilalagay ang ibang mga gamit ko don. Kasama ko din si Hailey ngayon dahil may kinuha din syang libro. Naramdaman kong may tumabi sa kabilang tabi ko, kaya pagsara ko ng locker at paglingon sa gilid ko, nakita ko si Ivan na matamis ang ngiti sabay abot sakin ng red rose pagtapos bumati ng "Good morning" hindi ko alam kung anong magiging reaction o sasabihin ko. Kahit pa sabihin na, hindi naman ganon kadami ang tao dito sa hallway, syempre naiilang pa din ako. Pero, kinuha ko pa din yung rose at ngitian sya kahit naiilang ako. Isa pa, ayoko syang pahiyain.



"Thank you dito sa rose ha? First time may mag bigay sakin nito. Hahaha" natatawang biro ko pa sa kanya kahit na naiilang ako. Pero, totoo ngayon lang ako nakatanggap nito.


"Your welcome. Don't worry. Palagi ka ng makakatanggap ng flowers mula ngayon." Nakangiting usal nya


"Tss. Aga-aga binobola mo na ko. Hahaha." Biro ko sa kanya.


"Hindi kaya. Seryoso ko, Allison Jade Alcantara. Simula nung umamin ako sayo kahapong gusto na kita, lahat ng gagawin o sasabihin ko para sayo. Seryoso lahat ng yon. Yung nararamdaman ko para sayo? Totoo yon." seryosong sabi nya.


Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Naiilang na naman ako na ewan. Ano bang dapat kong gawin o sabihin? Anong irereact ko?


Nahalata naman nya ata, kaya nginitian na lang nya ako.


Maya-maya pa biglang may nag salita.


"Hoy! Kayong dalawa dyan. Mamaya na yang ligawan. Ang aga-aga pa eh." sigaw naman ni Christian.


Napayuko na lang ako sa hiya. Kahit kelan talaga yang lalaking yan. Nako!


"Don't mind him. May pagka-siraulo talaga ang isang yon. Hahaha."


"I know. Sana'y na ko hahaha" natatawang sagot ko naman.


"Tara. Baka kung ano pa lalong sabihin ng isang yan. Alam mo naman. Hahaha."


Nagulat na lang ako ng bigla nyang agawin sakin ang shoulder bag ko. At ang librong hawak ko.


"A-ako na. Magaan lang naman. Kaya ko na yan."


His Bestfriend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon