KENNETH'S POV:
"Pwede ba? Tumulong ka naman. Hindi yung parang boss ka dyan na naghihintay para matapos ko 'to at ilagay sa oven." Naiinis na sabi nitong si Allison.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapangisi. Tsk tsk. Nabubwisit mo na naman sya, Kenneth Yuan. Ibang klase naman talaga ang karisma mo.
Nandito nga pala kame ngayon sa cooking class namin. Diba nga pinagbebebake na kame? Kaya heto binigyan kami ng quiz. Tss.
"Kaya mo na naman yan. Maibe-bake mo naman yan on time kahit di kita tulungan eh."
"Ugh! Oo nga! Alam ko yon! Pero sabi ni Ms. Carmy ay by partner 'to okay? Nakasalalay sa bawat isa ang magiging grade nila! Ano ba?! Pano tayo magkakaron ng magandang grade kung gaganyan-ganyan ka naman?!!" Halatang nagpipigil na tugon nya.
"Hindi ko na naman siguro problema yon, hindi ba?" Pang-aasar naman na tanong ko.
Buti na lang talaga at busy ang mga blockmates namin pati si Ms. Carmy kaya di nila napapansin ang pagtatalo namin.
"Kung gusto mong mababa ang makuha mong grade, ikaw na lang. Huwag mo kong idadamay. Pero, dahil malas ako at partner na kita, makisama ka naman ng ayos dahil gusto kong pumasa dito." Seryosong usal nya. Sabay pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Nakakainis. Bwisit. Bat kase nag culinary arts pa kung dito pa lang di na pinag-aaralan at tumutulong." Bulong nya na halatang naaasar na nga.
Bigla naman akong lumapit sa tabi nya at medyo bumulong sa tenga nya
"Mapag-aaralan ko naman yon, Allison Jade Alcantara. Lalo na kung para sayo... na magiging asawa ko at ina ng magiging anak ko." Seryosong sabi ko habang binubulong yon.
Dahil nga busy ang lahat ay wala pang nakakahalata saming dalawa.
Nabigla naman sya sa ginawa ko at agad na napalayo.
"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
"Nasabi ko na eh. Di ko na uulitin. Baka ipagkalat mo pa at baka mas kiligin ka na naman dahil don." Nakangiting sabi ko.
"Inaasar mo ba ko?" Bigla syang lumingon sakin habang nakakunot ang noo sabay pinagpatuloy na ang ginagawa. Dahil naawa naman ako, tumulong na din ako. Hahahahah.
"Nakakaasar ba? Akala ko pa naman, kikiligin ka na." Nanghihinayang kunwaring tugon ko.
"Wow. Ang kapal mo din talagang lalaki. Tss. Ako? Kikiligin? Kanino? Sayo? Asa"
"Eh, ano bang dapat kong gawin para mapangiti at kilig ka? Gusto mo bigyan din kita ng flower? Boquet pa para dama mo ang kilig?" Sabay kindat ko naman.
Halata naman sa isa na nabwibwisit na talaga sya. Hahaha.
"Ugh! Wala pwede ba? Tigilan mo na nga ako! Ano ba!"
Natapos na kami kaya naman nilagay na namin yung cake sa loob ng oven.
"Hahaha. Pero, wag kang mag-alala. Hindi naman ako seryoso don. Sabi ko nga, wala sayo yung babaeng magugustuhan ko. Walang wala sayo. Malayong malayo eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"A-no?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
Di ko naman mapigilan ang sarili kong matawa dahil sa reaction nya.
BINABASA MO ANG
His Bestfriend's Fiancee
RandomHalos three years na din magkarelasyon sina Ivan at Allison Jade. Sobrang legal nila sa pamilya ng isa't-isa. Kung iisipin, perpekto ang relasyon nilang dalawa. Nagkakatampuhan sila pero hindi umaabot ng magdamag. Ganon nila kamahal ang isa't-isa. S...