19. #Paghaharap

10K 482 62
                                    

A/N: Pasensya na kung nirereplyan ko lahat ng comments nyo, nakasanayan ko lang. :)

XXX

Chapter 19

It's my fifth night here. Panglimang araw na nalulungkot. Panglimang araw na nag-iisa.

Ako si Mary Kien. Mas pipiliin kong manatili dito. Mas pipiliin kong maging mag-isa dito kaysa nakikita ko sila. Kaysa nakikita ko ang mga taong nanloko sa akin.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ba mawawala ang sakit. Kung sakaling mawala na ang sakit, baka doon lang ako magkalakas ng loob na muling humarap sa kanila.

Dahil kung makikita nila ako sa ganitong sitwasyon, makikita lang nila ang kahinaan ko. Makikita lang nila na mahina talaga ako.

Gusto kong magmukhang matapang sa mga taong nanloko sa akin. Sa harapan ni daddy, sa harapan ni Stephanie, at sa harapan nya.

Matapos kong ligpitin ang mga pinagkainan ko, pumasok na ako sa kwarto para matulog. Nang bigla akong makarinig ng kalabog mula sa pintuan.

Dali-dali akong tumayo at nakita ko ang mga tauhan ni daddy.

"A-Anong ginagawa nyo dito?"

"Miss Kien, pinapasundo na po kayo ng daddy nyo."

"Umalis na kayo, hindi ako sasama sa inyo!"

"Pasensya na Miss Kien.." Hanggang sa hinawakan nila ako at pilit na nilabas ng bahay.

"BITIWAN NYO AKO!" Sigaw ko.

Pilit akong kumakawala sa kanila pero hindi ko magawa.

"BITIWAN NYO SABI AKO!"

Hanggang sa tuluyan na nila akong naisakay sa kotse. Hindi ko alam kung paano nila ako natunton, dahil tanging sina Dave at Olga lang ang nakakaalam kung nasaan ako.

Wala akong nagawa kaya naisama nila ako sa bahay.

"Sa tingin mo makakayanan mong mabuhay mag-isa?!" Galit na galit na sabi sa akin ni daddy.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa bumalik dito sa bahay!"

"Ano Mary Kien?! Sisirain mo ang buhay mo?! Dahil lang sa punyetang pag-ibig na pinaniniwalaan mo?!"

"Hindi mo ako naiintindihan, dad!"

"Akala mo ba hindi ko alam?! Nagkakaganyan ka dahil sa lalaking iyon! Gusto mong sumama sa kanya?! Sige, sumama ka sa lalaking yun!"

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin dad?"

"Dahil yun ang nakikita ko!"

"Sa tingin mo ba gugustuhin ko pang sumama sa kanya?! Pare-pareho kayong nanloko sa akin! Pare-pareho nyo akong tinarantado! Bakit hindi ikaw ang sumama sa kanya?! Bakit hindi kayo ang magsama-sama?!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!"

"At ang lakas naman talaga ng loob nyo, dad. Ang lakas ng loob nyong magalit sa akin! Matapos lahat ng ginawa nyong pangagago sa akin! Matapos nyo akong gawing tanga ni Yvan! Matapos nyo akong lokohin at paglaruan! Ang lakas ng loob nyo, dad.."

"Kien, tama na yan," pigil sa akin ni mommy.

"Hindi ma, yun naman ang totoo eh!"

Tuluyan na ding umiyak si mommy.

"Binabalaan kita Mary Kien, wag ko lang talaga malalaman na sumasama ka pa sa lalaking iyon! Wag na wag!"

"Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na pagbawalan ako... tama na dad, pabayaan mo na muna ako. Baka makalimutan kong tatay ko kayo.."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon