55. #Hometown

5.8K 184 11
                                    

Chapter 55

MARY KIEN's POV.

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi dito sa atin," sabi ni Paulo na kaibigan ni Yvan habang nakasakay kami sa tricycle nya.

"Aba! This is my home, syempre kailangan ko ring balikan ang pinanggalingan ko," sabi naman ni Yvan.

"Akala ko talaga tuluyan ka nang mag-aartista sa Maynila eh."

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Paulo.

Ngumiti sa akin si Yvan at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Kaklase ko rin yan si Paulo noong high school. Kaya nga sya naka-graduate eh, kasi palagi syang nangongopya sa akin eh."

"Hoy, gago! Naririnig kita ha!"

Natawa nalang ako sa pag-aasaran nilang dalawa.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa aming mga nadadaanan kung saan makikita ang malawak na bukirin at ilang mga malalaking punong-kahoy.

"Marami tayong mapapasyalan dito sa Mindoro," sabi ni Yvan.

"Dito pa nga lang mukhang maganda na eh."

"Alam mo ba itong kalsada na ito, dito kami naglalakad ni ate Stephanie sa tuwing papasok at uuwi galing eskwelahan."

"Yung school ba na nadaanan natin kanina, doon kayo nag-aral?"

"Doon kami nag-highschool ni ate. Maliit lang hindi katulad ng mga eskwelahan sa Maynila."

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Nakikita ko tuloy yung dating ikaw dahil sa mga kwento mo."

Ngumiti din sya sa akin. "Malapit na tayo sa bahay. Siguradong magugulat si mama kapag nakita nya tayo."

"M-Mabait ba ang mama mo?"

Bahagyang natawa si Yvan. "Wag kang matakot kay mama, masungit lang yun sa aming mga anak nya dahil medyo pasaway kami ni ate Stephanie, pero mabait sya."

"Sa tingin mo ba magugustuhan nya ako?"

"Bakit naman hindi? Mabait ka naman, matalino at maganda."

"A-Anong sasabihin natin sa mama at papa mo?"

"Sasabihin?"

"Oo.. I mean paano mo ako ipapakilala sa kanila?"

"Edi sasabihin ko yung totoo, sasabihin ko na asawa kita."

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya. "A-Asawa?"

"Oo. Bakit? Ayaw mo ba?"

"P-Pero hindi pa naman tayo ikinakasal."

"Kahit na, kung gusto mo magpakasal na tayo mamaya doon sa simbahan eh."

Marahan ko syang kinurot sa braso.

Natawa naman sya. "Biro lang.. syempre sasabihin ko na ikaw yung babaeng mahal ko. No more explanation.. alam na nila kung ano ang ibig sabihin nun."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay nila.

"Dahan-dahan lang," sabi ni Yvan habang inaalalayan akong makababa ng tricycle.

Napatingin ako sa bahay nila. Hindi kalakihan ang kanilang bahay pero napakalaki ng bakuran. Para bang may sarili silang hardin sa lawak nito.

Inabutan ni Yvan ng 100 pesos si Paulo pero hindi na ito tinanggap ni Paulo.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon