32. #Selosa

7.6K 236 36
                                    

Chapter 32

YVAN's POV.

"Tsk. Badtrip ka naman, Yvan. Pera na sana iyon eh," inis na sabi ni Jobert sa akin nang makabalik kami sa shop.

"Diba kabilin-bilin ni Marco na wag tayong tatanggap ng tip?"

"Eh hindi naman natin ipapaalam. Sayang talaga, dalawang libo din iyon."

Gusto kasi kaming bigyan ni Mister Tiong ng tig-dalawang libo na tip matapos naming ihatid sa bahay nila ang kanyang sasakyan. Pero tumanggi ako dahil iyon ang bilin sa amin ni Marco.

Naupo ako sa waiting area para magpahinga.

"Bahala ka na dyan. Makauwi na nga," inis na sabi ni Jobert na agad pumasok sa locker room.

Hanggang sa lumapit sa akin si Warren. "Pre, ang ganda at ang sexy pala ng syota mo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Syota?"

"Oo. Ayan oh.."

Napatingin ako sa tinuturo nya at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kien na lumabas ng opisina. Lalo pa akong nagulat nang sunod na lumabas si Lexi.

Lumakad si Kien at dali-dali akong tumayo para salubungin sya. "B-Babe, nandito ka pala."

Huminto sya at tiningnan ako ng seryoso. Bigla akong kinabahan, dahil sa mga ganitong tingin nya, alam kong mainit ang ulo nya.

"So...w-what brought you here?"

Tinulak nya ako at agad syang naglakad paalis.

Agad ko rin naman syang sinundan. "Kien! Sandali lang!"

Patuloy sya sa paglalakad at hindi ako pinapansin.

"Kien naman, ano bang problema?" Hanggang sa nahawakan ko ang braso nya.

Pero agad nyang tinabig ang kamay ko. "WAG MO NGA AKONG HAWAKAN!" Sigaw nya.

"Bakit ba kasi?"

"LUMAYO KA SA AKIN!" Nakalmot nya pa ako sa mukha sa sobrang galit nya.

Natigilan ako at tiningnan sya ng seryoso. Sakto namang may dumaan na taxi at agad syang sumakay doon. Pipigilan ko pa sana sya pero agad ring nakaalis ang sinakyan nyang taxi.

Dali-dali akong bumalik sa shop at pinuntahan si Lexi sa opisina. "Ano bang sinabi mo sa kanya?!" Galit kong tanong.

"Relax lang, bakit ang iinit ng ulo nyo?" Natatawa nyang tanong.

"Sagutin mo yung tinatanong ko! Anong sinabi mo sa girlfriend ko?!"

"Wala naman."

"Hindi sya magagalit ng ganun sa akin kung wala kang sinasabi sa kanya!"

"Bakit hindi sya ang tanungin mo kung ano ang mga sinabi ko sa kanya?"

"Eh galit nga sya sa akin!"

"Then it is not my problem anymore."

Lumapit ako sa kanya at hinatak ang braso nya. "PWEDE BA LEXI!"

"Bitiwan mo nga ako!" Tumayo sya at tiningnan ako ng seryoso. "Bakit ba sobra kang nababahala? Natatakot ka ba na alam na ng girlfriend mo ang mga alam kong kalokohan mo?"

"Sinabi mo sa kanya yung tungkol sa nakita mo sa bar?"

Bahagya syang natawa. "Ask her if you really want to know."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon