43. #MissingYou

6.4K 202 13
                                    

Chapter 43

MARY KIEN's POV.

"Hoy gumising ka na nga dyan! Saan ka ba galing kagabi?" Lumapit pa ako sa kanya at mahimbing pa rin ang kanyang tulog.

Napahinto ako nang makita ko ang isang babae na lumabas mula sa banyo.

"S-Sino ka?"

Ngumiti naman sya. "Lasing na lasing sya kagabi kaya hinatid ko sya pauwi dito. Ayaw naman nya akong paalisin kaya dito na rin ako nakitulog. Ikaw na ang bahala sa kanya ha." Tapos lumakad na sya palabas ng kwarto.

Umupo naman ako sa kama at tinapik sya. "Hoy gumising ka na nga!"

Bahagya syang gumalaw pero hindi pa rin gumising.

"DRED! ANO BA?!" Sigaw ko.

Unti-unti naman nyang minulat ang mga mata nya. "Tsk. Bakit ba?"

"Saan ka ba galing kagabi?"

Napahawak sya sa ulo nya marahil ramdam nya pa ang matinding hangover. "Pasensya na, nalasing ako kagabi. Mabuti nalang nakauwi pa ako."

"May babaeng naghatid sayo dito."

Napatingin sya sa akin. "Nasaan na sya?"

"Kaaalis lang."

"Nakuha mo ba ang pangalan nya?"

"H-Hindi eh. Nagmamadali ata sya."

Nagbuntong hininga sya.

"Ano bang nangyayari sayo? Pumunta tayo dito sa Bataan para magtrabaho at hindi para magsaya."

"Pasensya na talaga. Na-bored na kasi ako dito sa kwarto kagabi kaya naisipan kong lumabas."

"Maligo ka na, makikipagkita tayo kay Mayor Dellava. Kailangan na nating i-present yung project natin para kung ma-approve na nya, makabalik na agad tayo sa Manila."

Dahan-dahan naman syang tumayo at inabot ang kanyang twalya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla syang maghubad ng damit at shorts kaya agad akong tumalikod sa kanya. Hanggang sa narinig ko na ang pagsara ng pinto ng banyo.
.
.
.
"Alam nyo, matagal nang nangangarap ang mga tao dito sa aming bayan na magkaroon ng convenient na pamilihan dito sa aming lugar, at sa wakas nasagot na rin ang dasal naming lahat," sabi ni Mayor Dellava.

"Huwag kayong mag-alala Mayor, oras na maaprubahan na ng SLX Golden Corporation itong project namin, sa susunod na taon hindi na kailangan ng mga tao na pumunta pa sa ibang bayan para makabili ng kanilang pangangailangan," sabi ni Dred.

Sobra naman akong nagulat sa sinabi ni Dred. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang totoong plano. Napatingin sya sa akin habang ang tingin ko sa kanya ay para bang nagtatanong.

Pumirma si Mayor Dellava sa kontrata at agad na inabot iyon kay Dred.

"Maraming salamat Mayor, babalik nalang po kami sa isang buwan para simulan na ang proyekto." Muling tumingin sa akin si Dred. "Halika na." Lumakad si Dred palabas ng opisina at agad din naman akong sumunod sa kanya.

"Mauna na po kami Mayor," pahabol ko pa bago ako lumabas ng pinto.

Habang naglalakad na kami sa hallway ng munisipyo, kinumpronta ko na kaagad si Dred.

"Bakit hindi ko alam ito?" Tanong ko.

"Ang alin?" Tanong nya na halatang nagmamaang-maangan.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon