Chapter 54
LEXI's POV.
"Lexi, sumama ka ulit sa akin mamaya ha. May date ulit ako. Wala akong driver," sabi sa akin ni Marco.
Marahan akong napadabog sa mesa. "Nandyan naman na si Yvan ah," inis kong sabi.
"Hindi daw sya pwede, may lakad daw sya mamaya."
"May lakad? Apat na araw syang hindi pumasok. Ngayon na nga lang sya ulit nagpakita tapos hahayaan mo pang ganyan sya?"
"Lexi naman! Intindihin mo nalang yung kaibigan natin, alam mo namang malaki ang problema nya."
Napabuntong hininga nalang ako. Samantalang sinabi nya sa amin dati, hindi maaaring dalhin sa trabaho ang problema sa bahay.
"Mamayang alas-sais ng gabi, aalis tayo. Wag kang uuwi agad."
"Bahala na.. titingnan ko kung wala akong lakad." Lumakad ako palabas ng opisina at nagtama ang mga mata namin ni Yvan habang nakaupo sya sa waiting area. Huminga ako ng malalim at agad na lumakad para puntahan si Warren.
Halata sa mga mata nya na malaki nga ang problema na kinakaharap nya, nakita ko rin sa mga titig nya ang labis na kalungkutan.
Pero sana maisip nya na hindi lang sya ang may problema sa mundo, hindi lang sya ang nasasaktan ngayon, hindi lang sya ang nahihirapan. Pare-pareho lang kaming nasasaktan, pare-pareho lang kaming iniwan ng mga taong minahal namin ng sobra.
"Nasabihan ko na yung kaibigan ko, libre daw sya sa mismong araw ng kasal ninyo ni Pearl."
Napangiti naman si Warren. "Hay salamat, ilang beses na akong inaway ni Pearl dahil dyan eh."
"Ikaw naman kasi, wala kang tinutulong para sa kasal nyo. Puro si Pearl nalang ang kumikilos. Make-up artist na nga lang ang pinapahanap sayo, hindi mo pa magawa."
"O tama na, sesermunan mo pa ako eh."
Napabuntong hininga nalang ako. Lumakad ako pabalik sa opisina hanggang sa nasalubong ko si Yvan. Nagkatinginan kami. Huminga ako ng malalim at agad syang nilagpasan..
"Lexi."
Napahinto ako nang magsalita sya.
"Alam kong masama pa rin ang loob mo sa akin."
Napayuko ako pero hindi ko ginawang lingunin sya.
"Alam kong mali ang ginawa ko noong gabing iyon, nadala lang talaga ako ng sobrang kalungkutan. Kung hindi mo man ako mapapatawad sa ngayon, tatanggapin ko. Pero umaasa pa rin ako na papatawarin mo ako balang araw."
Huminga ako ng malalim.
"Mahalaga ka para sa akin, Lexi. Masasabi kong isa kang mabuting tao. Kaya umaasa ako na mapapatawad mo ako balang araw, dahil alam kong isa kang totoong kaibigan."
Humarap ako sa kanya at nagbuntong hininga. "Halika nga," mahina kong sabi.
Tumingin lang sya sa akin at hindi sya lumapit.
Hinakbang ko ang mga paa ko palapit sa kanya at agad syang niyakap. "Alam ko rin naman na mabuti kang tao eh, at isa ka ring totoong kaibigan."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nakita kong unti-unti syang ngumiti.
"Mas sanay akong nakikita kang ganyan, yung nakangiti."
Bahagya syang natawa at umiwas ng tingin.
"Alam kong mahirap para sayo ngayon ang ngumiti ng totoo, syempre dahil sa mga problema mo ngayon. Pero syempre.." Marahan ko syang sinuntok sa dibdib. "Alam kong kayang-kaya mo yan.. yung Yvan na kaibigan ko, alam kong kaya nyang lagpasan lahat. Dahil yung Yvan na nakilala ko, matapang at may paninindigan." Muli ko syang niyakap.
BINABASA MO ANG
Look at this richest man (Book 2) (completed)
HumorPaano kung nalaman mo ang totoong pagkatao ng mahal mo? Magagawa mo pa ba syang tanggapin? A lot of revelations will be revealed. This is the book 2 of Kien and Yvan's lovestory!