40. #ParanoidGuy

7K 222 37
                                    

Chapter 40

YVAN's POV.

"Nagseselos ka?" Tanong sa akin ni Lexi.

"Bakit ako magseselos? Sino ba sya?" Inis kong sagot.

"Eh bakit ka ba kasi nagagalit?"

"Wag lang talaga nyang subukan na diskartehan si Kien."

"Alam mo masyado kang judgmental eh. Paano mo naman nasabi na didiskartehan nya ang girlfriend mo? Pwede namang close lang talaga sila kasi magkatrabaho sila."

"Pero wala syang karapatan na dumikit-dikit sa girlfriend ko. Isa pa yan si Kien, naghihinala ako na hindi nya sinabing may boyfriend kaya kung sino-sinong lumalapit sa kanya."

"Hay naku Yvan, gumagawa ka lang ng gulo eh. Ang ayos-ayos ng pagsasama nyo ni Kien pero ikaw itong naghahanap ng ikakasira ninyong dalawa."

"Hindi mo kasi ako naiintindihan!"

Nagbuntong hininga si Lexi. "Okay fine. Marahil hindi nga kita naiintindihan kasi hindi naman ako lalaki. Malay ko ba naman kung paano kayo maging paranoid kapag may dumidikit na iba sa girlfriend ninyo."

"Hindi ako nagseselos."

Natawa nalang si Lexi at napailing.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Iba talaga kapag anak ng may-ari ng isang korporasyon," natatawang sambit ni Dred.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Kung ako siguro yung na-late ng ganun katagal,siguradong buong linggo akong sasabunin ni sir. Pero tingnan mo ikaw, parang wala lang."

"May koneksyon ba doon sa nangyari ang pagiging Zamora ko?"

"Of course. Hindi mo kasi alam, this company tried a lot of times to join in SLX Golden corporation but they always failed. Mataas ang standard ng korporasyon na pagmamay-ari ninyo."

"But I see this company as good as we have."

"We lack of budget. Malaking pera pa ang kailangang pag-ipunan para makasali ang kumpanyang ito sa korporasyon na pagmamay-ari ng pamilya nyo."

"Kaya ba ganun nalang kung itrato nila ako dito?"

"Exactly. You are the daughter of Mister Sammy Zamora. They see you as their weapon for them to be part of Golden Corporation."

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na ba talaga mawawala sa akin ang pagiging parte ng pamilya Zamora? I didn't expect this kind of treatment in the company where I am belong right now.
.
.
.
"Hindi mo na ako kailangang sunduin," sabi ko kay Yvan habang kausap sya sa phone.

[Susunduin kita.] Giit nya.

"I-Ikaw ang bahala."

[Anong oras ang out mo?]

"Alas-singko ng hapon."

[Hintayin mo ako until 6. Darating ako.]

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari kay Yvan. Hindi naman sya ganito nitong mga nakaraang araw.

"Sino yun?" Tanong sa akin ni Dred na biglang dumating.

"Yung boyfriend ko. Tinatanong lang kung anong oras ang labas ko dito sa office."

"Oh.. magkape ka muna."

"Salamat." Napatingin ako sa kanya at naupo sya sa harap ng table nyo. "Dred.."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon