Chapter 12
"Hindi ka ba natatakot sa boyfriend ko?" Tanong ko sa makulit kong kaklase na si Gian. Nag-insist kasi syang ihatid ako pauwi ng bahay dahil hindi ako nasundo ni Mang Eduardo.
"Bakit ako matatakot? Sino ba sya?"
Napangisi ako. "Hindi mo ata kilala kung sino ang boyfriend ko eh."
"Kilala ko sya. Si Yvan Rodrigo."
"Kilala mo naman pala eh. Warning lang Gian ha. Iba magalit si Yvan."
"Eh bakit ba? Kasalanan din naman nya ah. Kung matino syang boyfriend, edi sana sya ang naghatid sayo pauwi dito sa bahay nyo. Pero nasaan sya? Wala diba? Naku...hindi dapat pinapabayaan mag-isa ang magagandang babae na tulad mo. Kaya nga nag-insist na akong ihatid ka eh."
"Ang galing ah. Sabi sa akin ni Mandy binanggit mo din daw sa kanya yan noon."
Napakamot naman sya sa ulo. "Ahehe.."
"Alam mo kaya ka siguro binasted ng kaibigan ko, kasi it's too obvious."
"Na ano?"
"Na babaero ka."
"H-Hindi ah!"
"Osha, sige na. Umuwi ka na at baka makita ka pa ng daddy mo."
"Pero diba sabi mo ibibigay mo sa akin ang phone number mo?"
Napabuntong hininga naman ako. "Akin na phone mo," inis kong sabi.
Tuwang-tuwa naman syang inabot sa akin ang phone nya. Binalik ko rin agad ang phone nya matapos kong ibigay ang hinihingi nya.
"Salamat Kien. Text-text tayo ha. O di naman kaya tawagan kita kapag nakauwi na ako." Tapos sumakay na sya sa kotse nya at umalis.
Hindi nya alam, phone number ng masungit naming professor ang binigay ko sa kanya. Goodluck nalang sa kanya.
Nagmadali rin pala kasi talaga akong umuwi dahil bibisita ulit dito sa bahay si Dave, at gusto nya nandito ako sa oras na bibisita sya.
Masaya ako na sa wakas umiral din ang malambot na puso ni Dave. Tinanggap nya si daddy bilang kanyang totoong tatay. Hindi nga ako makapaniwala hanggang ngayon eh. Si Dave na takot na takot pumunta sa bahay dahil sa daddy ko, yun pala tatay nya rin.
Ramdam na ramdam ko ang saya ni daddy na natanggap na sya ng kanyang totoong anak.
"Aanhin ko ang kotse?" Nakakunot noo na tanong ni Dave kay daddy.
"You don't want a car?" Nagtatakang tanong ni daddy.
"Eh hindi naman ako marunong mag-drive."
"Eh dad, motorsiklo po kasi ang alam na imaneho ni Dave," sabat ko. Marahan naman akong kinurot ni Dave dahil nahihiya pa sya kay daddy.
"Okay. Tomorrow evening, I'll buy you new ride."
"Hindi na. Maayos pa naman ang motor ko."
"What do you want then?"
Tiningnan ko ng seryoso si Dave. Huminga sya ng malalim. "Wala. Okey na siguro na nasusuportahan mo ako sa pag-aaral ko."
Unti-unting napangiti si daddy sa sagot ni Dave.
Nang pauwi na si Dave, hinatid ko sya sa labas ng bahay kung saan naka-park ang motorsiklo nya.
"Bakit tinanggihan mo lahat ng alok ni daddy?" Tanong ko.
"Tsk. Nahihiya ako eh."
BINABASA MO ANG
Look at this richest man (Book 2) (completed)
HumorPaano kung nalaman mo ang totoong pagkatao ng mahal mo? Magagawa mo pa ba syang tanggapin? A lot of revelations will be revealed. This is the book 2 of Kien and Yvan's lovestory!