10. #IdontWantToLeave

10.4K 289 8
                                    

Chapter 10

Matapos kong kumatok sa bahay nila Dave, nagulat ako nang bumungad sa akin si Olga.

"O-Olga?"

Binigyan nya ako ng matipid na ngiti. Nilahad nya ang kanyang mga braso at agad akong yumakap sa kanya.

"Kailan ka pa bumalik?"

"Kagabi lang."

"B-Bakit?"

Napabuntong hininga sya. "Nalaman ko ang mga nangyari. I think, ngayon nya ako kailangan na kailangan."

"N-Nasaan sya?"

Lumingon sya sa likuran at nakita ko si Dave na kasaluyang nanonood ng TV.

"D-Dave.."

Natigilan sya nang makita nya ako. "Kien, anong ginagawa mo dito?" Umayos sya ng upo at niyaya pa akong maupo rin.

"D-Dave, yung kay...kay daddy kasi."

"Kien, utang na loob naman."

"Dave, pakinggan mo muna kasi si Kien," saway sa kanya ni Olga.

Wala namang nagawa si Dave kundi ang mapabuntong hininga.

"Dave, gustong-gusto kang tulungan ni daddy."

"Bakit? Ano bang sitwasyon ko ngayon? Nakakakain kami ni mama ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral ako sa magandang eskwelahan, may bahay kami na natitirhan. Tutulungan nya ako? Para saan?"

"Dave, anak ka pa rin ng daddy ko. Gusto nya lang gawin ang responsibilidad nya sayo bilang ama."

"Kung gusto nya talagang gawin ang responsibilidad nya, edo sana noon pa."

"Kaya nga bumabawi sya ngayon," sabat ni Olga.

Tiningnan ni Dave ng seryoso si Olga. "Alam mo ba ang sinasabi mo?"

"Dave, please.." sambit ko.

"Pasensya na Kien, pero hindi ko matatanggap ang inaalok nyang tulong. Nabuhay nga kami ni mama ng ilan taon nang wala sya diba?"

"Alam mo ba kung bakit ka nakakapag-aral sa SPU? Dahil kay daddy...kahit si tita France ay hindi alam ang tungkol doon."

Natigilan si Dave sa sinabi ko. Huminga sya ng malalim at sumandal. "Pwes sabihan mo syang tumigil na. Kung kinakailangan kong magpasalamat sa kanya, edi salamat pakisabi nalang sa tatay mo."

"Dave, hindi lang kayo ang naaapektuhan dito, pati pamilya ko. Umalis ang mommy ko sa bahay nang dahil sa nalaman nya. Imbes na gumawa ako ng paraan para mawala kayo sa buhay at tahimik naming pamilya, gumagawa pa rin ako ng paraan kasi ito ang gusto ng daddy ko. Gusto nyang magpakatatay sayo kasi anak ka nya."

"Kung gusto nyang magpakatatay sa akin edi sana noon pa. Bakit ngayon pa na tahimik ang pamumuhay ng mama ko at bigla nalang syang susulpot sa buhay namin? Kung alam nya noon pa na anak nya ako, edi sana unang makita nya palang ako inamin na nya sa akin. Pero hindi nya inamin, tinago nya ang katotohanan at sa mama ko pa nalaman ang lahat."

"Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ng daddy ko ngayon.."

"Isipin mo nga Kien, daddy mo sya. Daddy mo na kinakatakutak ko dahil lagi nalang ako sinesermunan at pinapahiya sa harapan mo at sa harapan ng ibang tao. Tapos ngayon sasabihin nya na gusto nyang magpakatatay sa akin."

"Ginawa nya lang yun kasi gusto nyang mapabuti ang buhay mo. Ginawa nya yun kasi nakikita nyang unti-unti kang nawawala sa tamang landas. Ayaw nyang mapariwara ka, kasi nga mahal ka nya, kasi nga anak ka nya."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon