60. #DontLeave

5.5K 154 4
                                    

Chapter 60

YVAN's POV.

Huminga ako ng malalim habang nandito sa hallway ng ospital na pinagdalhan namin kay Kien. Hindi na maintindihan ang itsura ko, basa ang mga damit dahil sa buhos ng ulan. Hindi ako mapakali habang si Kien ay nasa loob ng isang kwarto kung saan sya inoobserbahan.

"Yvan.."

Lumingon ako kay Troy nang tawagin nya ako at nakita kong kasama nya ang daddy ni Kien.

Lumapit sa akin si Troy at tinapik ang aking balikat. "P-Pasensya na pre, wala na akong ibang maisip na paraan." Tapos lumakad sya paalis at iniwan kami ni Mister Zamora.

Napatingin ako kay Mister Zamora at seryoso din syang nakatingin sa akin. Lumakad sya palapit at agad na hinila ang kwelyo ko. "Nakita mo ba ang ginawa mo kay Kien?!" Galit na galit nyang sabi.

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin.

"Dahil sa sinasabi mong putanginang pagmamahal na yan, napapahamak si Kien!" Binitiwan nya ako ng patulak at bahagya akong napaatras.

Napayuko nalang ako at handang tanggapin lahat ng masasakit na gusto nyang sabihin.

Huminga sya ng malalim at umiwas ng tingin. "Inoobserbahan sya ngayon ng mga doktor. Inaapoy sya ng lagnat mahigit anim na oras na daw ang nakalipas. Kaya labis akong nagtataka kung bakit ngayon mo lang sya tinakbo sa ospital! Yan ba ang pagmamahal na gusto mong patunayan sa akin?!"

"Kung alam ko lang-"

"Hindi mo alam kasi wala kang pakialam sa kanya!"

"Hindi totoo yan!"

"Bakit?! Inalam mo ba na may sakit si Kien?! Hindi mo alam di ba?! Hindi mo alam dahil ang alam mo lang ay magpakasaya sa piling nya!"

Napabuntong hininga ako.

"Mahina ang baga ni Kien at hindi sya sanay sa mga bagay na mahihirap at mga nakapaligid sa pagsasama nyong dalawa. Kung hindi maaagapan, tuluyang babagsak ang baga at buong katawan nya."

Naupo si Mister Zamora sa bench habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Gusto kong matuto si Kien sa mga bagay-bagay pero hindi sa bagay na gusto mo. Hindi mo alam kung ano ang plano namin ng asawa ko para sa anak namin, at lahat yun ay para sa ikabubuti nya. Pero ikaw? Para sa ikabubuti ba nya lahat ng iniisip mo? Hindi, dahil kapahamakan ang landas na tinatahak nyong dalawa."

"Pare-pareho lang tayong hindi gusto ang nangyari sa kanya."

Napatingin sya sa akin. "Bakit Yvan, naisip mo ba na maaaring mapahamak si Kien sa sitwasyon nyo ngayon? Matanong nga kita.. naiisip mo pa ba ang kinabukasan nyong dalawa dahil sa ginagawa nyo?"

"Hindi kasing taas ng pangarap mo para sa kanya ang pangarap naming dalawa."

"Bakit? Sa tingin mo ba kaya nyo nang buhayin ang sarili nyo?" Napabuntong hininga sya. "Pareho lang kayong bumabagsak sa ginagawa nyong dalawa."

"Hindi ako mayaman pero kaya kong paghirapan lahat ng bagay na gusto nya."

Napatingin sya sa akin. "Pero hindi mo kayang ibigay lahat ng pangangailangan nya."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Kailangan nya ng matinding obserbasyon para masiguro ang kalagayan nya for the next 6 months. Makakaya mo bang tustusan ang lahat ng yun?" Huminga sya ng malalim. "Alam kong mahal mo ang anak ko, pero pinapahamak mo lang sya sa gusto mong mangyari... alam kong hindi mo gugustuhing humingi ng tulong sa amin pero hindi ko rin matitiis ang anak ko na nasa ganyang kalagayan. Naniniwala akong mahal mo si Kien, pero sana maisip mo rin kung gaano namin kamahal ang anak namin."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon