45. #SuccessfulJOB

5.7K 200 9
                                    

Chapter 45

YVAN's POV.

"Ang yabang nya! Akala mo kung sino!" Inis kong sabi habang kasama ko si Lexi dito sa isang coffee shop na malapit sa autoshop.

"Don't tell me na na-threaten ka sa Dave na yun?" Natatawa nyang tanong.

"H-Hindi ah.. nainis lang ako dahil parang minamaliit nya ako."

"Diba sabi mo kapatid sya ni Kien?"

"Step brother. Si Dave ang dating nawawalang anak ng daddy nya."

"I see."

"Well, di naman maiiwasan na lumaki ang ulo nya. Mayaman na sya ngayon. Baka nga sya na ang pumalit sa akin sa school bilang richest man."

"R-Richest man?"

Natigilan ako nang mapagtanto kong hindi ko dapat iyon binanggit.

"I mean, si Dave na ang pinaka mayaman ngayon sa dating eskwelahan na pinapasukan ko."

"Mukha nga." Humigop si Lexi ng kape at huminga ng malalim. "Ano na ang balita sa presentation ng girlfriend mo?"

Tumingin ako sa phone ko. "Hindi pa rin nagrereply eh. Baka hindi pa tapos ang presentation."

"Halika na, bumalik na tayo sa shop. Baka kanina pa tayo hinanap nina Warren at Jobert."

Tumayo na rin naman agad ako at sumunod kay Lexi pabalik ng shop.

XXX

MARY KIEN's POV.

Yumakap ako ng mahigpit kay Dred sa sobrang tuwa dahil sa magandang resulta ng aming presentation. Hindi ko akalain na pagbibigyan ako ni daddy sa kabila ng ginawa kong pagtalikod sa kanila. "Congrats sa ating dalawa!" Tuwang-tuwa kong sabi.

"Iba ka talaga, Kien! Sandali lang, tatawagan ko si sir Gino." Tapos tinawagan nya ang CEO ng kumpanya.

Hindi talaga ako makapaniwala na pinirmahan ni daddy ang kontrata. Dahil sa kabutihan nya, maraming empleyado ng RIOMA ang matutulungan at hindi na kailangang maghanap pa ng ibang trabaho.

"Sir, okey na! We're already part of the Golden Corporation!" Tuwang-tuwa na ibinalita ni Dred ang magandang resulta kay sir Gino.

Halos maiyak ako sa sobrang kagalakan.

"Mary Kien, halika na! Hinihintay nila tayo sa opisina!" Sambit ni Dred.

Lalabas na sana kami ng conference room nang pigilan kami ng secretary ni daddy. "Ma'am Kien, inutos po kasi sa akin ng daddy nyo na pasunurin kayo sa akin."

Nagkatinginan kami ni Dred. Lumabas ang secretary ni daddy at agad naman kaming sumunod sa kanya. Dinala nya kami sa isang maliit na office at sobra akong nabigla nang makita ko doon si mommy.

"Anak!" Umiiyak sya na agad akong niyakap ng mahigpit.

Pinigilan ko namang mapaluha at hinayaan ko lang si mommy sa kanyang emosyon. Paulit-paulit nya pa akong hinalikan sa noo habang yakap ng mahigpit.

Hinawakan nya ako sa magkabilaang pisngi at tinitigan sa mata. "Kamusta ka na? Maayos ba ang kalagayan mo sa tinitirahan mo ngayon?"

Umiwas ako ng tingin. "Ma, wag nyo na po akong alalahanin."

"Kien, bumalik ka na sa bahay."

"Pero Ma, nandito na ako. Unti-unti na akong umuunlad. Unti-unti naming nalalagpasan ni Yvan ang pagsubok. At sa pagkakataong ito, ayaw ko nang sumuko."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon