Chapter 4: First Day!

5 0 0
                                    

Time check: 6:30 am

Mica's POV

Naglinis na ako sa labas at loob ng bahay, para pag nagising sila, malinis na.

Naisipan ko na ring magluto, habang ako'y nagluluto, kumakain na rin ako ng bread na nabili ko nung nasa PiIipinas pa ako.

Mga bandang 7:30, natapos na ako at siyang pagkagising ng aking mga amo. Binati ko sila at ganun din ang ginawa nila.

"Anong klaseng sopas ito? ," tanong ni CNU-hyung.

"Chicken soup po. Bakit po , masama po ba ang lasa? Magluluto na lang po ako ng iba," saad ko.

"Hindi, napakasarap nga eh. Mukhang dahil sayo matitikman namin lahat ng ipinagmamalaking pagkain sa Pilipinas," saad niya. Ngumiti na lang ako bilang tugon.

"Hindi ba dapat sumabay ka na sa amin kumain? ,"tanong sa akin ni Jinyoung-hyung.

"Ah, kumain na po ako," sagot ko

"Bakit feeling ko, ayaw mong sumabay sa amin sa pagkain?," Gongchan-hyung, ang cute nya talaga at ang gwapo niya talaga. Wahhh ! kung hindi ko lang 'to amo, kanina ko pa 'to niyakap at hinalikan.

"Hala, hindi naman po, nakaramdam na po kasi ako ng gutom kanina kaya kumain na ako. Sige po , mamaya sasabay po ako sa inyo," saad ko.

Pinagpatuloy na nila ang pagkain nila, habang ako pinagpatuloy ang paglilinis.

*LUNCH*

Tinulungan nila akong magluto, ang niluluto namin ngayon ay Sinigang , special request ni Jinyoung-hyung saka gusto daw nila ng maasim.

"Bakit ka ganito kagaling magluto?," tanong sa akin ni Baro-hyung.

"Ang unang course po kasing pinili ko nun ay Culinary, kaya natuto rin ako kahit papaano, at tinuturuan din po ako ng mama ko," sagot ko.

"Ayan tapos na," saad ko. At inilipat na yung niluto namin sa isang lalagyan at inilagay na sa lamesa.

Nag-pray na muna kami bago simulan ang pagkain.

"Nga pala, sandali, may ibibigay kami sayo," saad ni Gongchan.

"Ano po yun?," tanong ko. May napansin akong kinuha si Sandeul-hyung sa may cabinet , at inabot nya sa akin yun.

"Ano po 'to? Hindi pa naman Pasko eh," saad ko. Grabe naman , ang aga naman nilang mamigay ng regalo.

"Bukasan mo na lang, dali," excited na saad ni Sandeul-hyung. Grabe siya. Binuksan ko na yung box, 0_0 , cellphone? bakit?

"Bakit niyo po ako binigyan ng cellphone? Eh may cellphone naman po akong dala. Saka hindi ko po ito pwedeng tanggapin," saad ko at pilit na binabalik yung bigay nila sa akin.

"Narinig kasi namin ikaw kagabi na nakalimutan mo ang charger mo, kaya kaming dalawa ni Sandeul-hyung ang pumunta sa Mall para bumili sana, kaso hindi namin alam kung anong charger ba kailangan mo, kaya cellphone na lang," paliwanag ni Gongchan-hyung.

"Eh mga hyungs charger lang yun, pwede ko ng bilhin yun para sa sarili ko. Saka hindi ko po talaga pwede itong tanggapin," saad ko at pilit pa rin binabalik sa kanila yung cellphone. Nakasaad kasi sa kontrata ko yun na bawal tumanggap ng kahit na anong materyal mula sa amo ko, maliban na lang kung may pahintulot ng Entertainment.

"Sayang naman, kanino naman natin ito ibibigay?," pangongonsensya na saad ni CNU-hyung.

"Oo nga eh. Lahat naman tayo dito may cellphone," gatong na saad ni Baro-hyung.

"Sa akin na lang , tatanggapin ko yan ng buong-buo," biglang saad ni Sandeul-hyung at matching taas pa ng kamay.

Tumingin silang lahat sa kanya ng masama, kaya biglang nawala ang ngiti niya.

"Joke lang. Kayo naman hindi na mabiro," biglang bawi niya.

Patuloy pa rin sila sa pangongonsensya sa akin hanggang sa kumain at matapos kami. Nakapaghugas na ako'at lahat-lahat, nangongonsensya pa rin sila. Yung totoo, napaka-big deal naman sa kanila yun , pero I appreciate the effort, kasi pumunta pa talaga sila sa Mall para ibili ako ng charger.

"Hayyysss ! , sige na nga , tatanggapin ko na, para tumigil na kayo," sukong saad ko.

"YEHEY!," pagsasaya nila.

"Pero sa isang condition," saad ko na nagpatigil sa pagsasaya nila. "Babayaran ko po yung ginastos niyo sa pagbili ng cellphone na 'to," saad ko.

"Sige,sige. Kung yun ang paraan para tanggapin mo. Go!," saad ni Jinyoung-hyung na sinang-ayunan ng lahat.

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon