Chapter 13: Letter and Video

8 0 0
                                    

Baro's POV

Mga bandang 8 nung nagising kami. Pagkalabas namin may nakahanda ng pagkain sa mesa.

Hindi na ata babalikang dating sigla ng bahay na ito. Natiis naming hindi siya pqnsinin ng mahigit isang linggo. Ilang beses siyang sumubok pero wala naman kaming magawa kundi iwasan siya.

"Kain na tayo," tawag sa amin ni Jinyoung-hyung. Sabay-sabay na kaming kumain. Nakakapanibago, hindi pa ba siya nagigising? Imposible naman yun. Nung natapos na kami kumain, sabay-sabay kaming nanood.

"O, may nagpapabigay," saad ni Manager sabay abot kay Jinyoung-hyung ng isang papel. Nanatili lang siyang nakasandal sa pader.

Binuksan yun ni Hyung at binasa na ito.

-Hello! Alam kong hindi pa tayo bati, pero sumulat pa rin ako sa inyo. Sana basahin niyo ito hanggang dulo. Siguro ngayong binabasa niyo ito, nakaalis na ako,pabalik na ako ng Pilipinas.....

Sandaling naputol ang pagbabasa ni Hyug, dahil na rin sa salitang "paalis na na ako,pabalik na ako ng Pilipinas"  . Hindi na ba siya babalik?  Tinuloy na ni hyung ang pagbabasa niya.

"-Kung natatandaan niyo bukas na yung graduation ko, pasensya na kayo at dito na lang ako nakapagpaalam sa inyo kasi alam ko namang hindi niyo ko papansinin. Wala man akong karapatan humiling pero sana matupad yung graduation wish kong magkabati na tayong lahat. Ayoko lang kasing may kaaway lalo na kung ang mga taong yun ay mga mahal ko sa buhay. Hindi ko sinasadyang saktan kayo, at hindi ko kinakailang ako ang may kasalanan, kaya pasensya na kayo, dahil sa pagiging busy ko sa cellphone ko hindi ko na kayo napansin. At sa totoo lang po, gustong-gusto ko ng maayos itong problemang ito , para sana before ng graduation ko wala akong dinadalang problema para happy lang pero wala eh. Nga pala, birthday na ni Sandeul-hyung sa Linggo . HAPPY BIRTHDAY HYUNG! Wish you all the best and More birthdays to come. Wag kang magbabago, stay what you are . Nga pala, sana kung ayaw niyo na akong maging assistant, sabihan niyo lang ako. Tatanggapin ko yun, desisyon niyo yun eh. Kasi napapansin kong sa  tuwing lalapit ako, iiwasan niyo ko, nafefeel ko tuloy na ayaw niyo na sa akin. Hindi ko naman kayo masisisi kasi nasaktan ko kayo. Pero sorry talaga mga Hyungs. Sorry sa problemang dinala ko sa grupo niyo. Salamat sa lahat, mag-iingat kayo. LOVE MICA.

Lahat kami , teary-eyed dahil sa sulat ni Mica- ah. Hindi rin kami makapagsalita, ganun na ba kami kasama para mafeel niyang ayaw na namin sa kanya?

"Ito pa pala," saad ni Manager habang umiiyak, may inabot siyang usb. Plinay namin yun. At lumabas dun ang mukha ni Mica-ah.

-Hi Guys! Dapat sa birthday pa ito ni Sandeul-hyung pero hindi ako makakasama sa inyo, nasa Pilipinas ako nun eh, alam niyo namang Graduation ko eh.. Happy Birthday Bunnydeul, Psyduck, eggdeul, lahat na... Love na love kita hindi mo lang ramdam pero love talaga kita. Alam mo namang maliban kay Baro-hyung ikaw yung buddy ko, kasama ko, close ko. Wish ko sana makapunta kayo sa Graduation ko kasi napakalaki ng naging tulong niyo sa akin, binigyan niyo ako ng bagong phone at bagong laptop, pero imposible yun kasi celebrity kayo baka pagkaguluhan lang kayo dun. Wish ko sana mas tumibay yung closure natin , na kahit may problema tayo malalagpasan natin yun basta magkakasama tayong anim. Dalawang linggo pa lang akong nagtratrabaho pero ang lapit-lapit niyo na sa akin. Nga pala, muntik ko ng makalimutan, Birthday boy yung gift ko sa iyo nasa kwarto ko, hanapin mo na lang po. Happy Birthday ulit ! 

Pumatay na yung video na naging hudyat ng pagtatapos ng video.  Tumakbo na kaagad si Sandeul sa kwarto ni Mica-ah. Bumalik siya sa harap namin na may dalang scrapbook. Binuksan niya na iyon, puro pictures niya, yung iba pictures namin as a group at yung iba stolen.

"Ito yung mga nakita nating pictures sa laptop niya," saad ni Sandeul.

"Ginawa niya lahat yun para sa iyo Sandeul . At hindi man lang natin yung napansin," saad ko.

"Wait may letter," saad ni Sandeul. Binasa niya iyon in private.

"Anong sabi?," tanong ni Jinyoung-hyung.

"Secret," saad niya. Siguro nga masyadong confidential ang naksulat doon, kaya pinabayaan na lang namin.

"Pero bakit ganun? Ayaw lang naman nating iwanan na naman tayo, pero pinush ba natinsiyang lumayo sa atin?," Ako.

"Tulad nga ng sinabi ko kay Mica-ah kanina bago siya umalis, maaayos niyo rin ito, kasi alam kong mas marami pa kayong kakaharapin na problema na mas matindi pa dito pero malalagpasan niyo pa rin, saka kapag hindi niyo pa ito naayos , kayo lang rin naman ang mawawalan at masasaktan," saad ni Manager.

"Tama si Manager, kaya sana pagbalik ni Mica-ah kausapin na natin siya para maayos na tong problema natin," saad ni CNU-hyung.

Kung pwede lang kasing sumunod sa kanya para matapos na tong problemang to at para maayos na rin. Hindi rin kasi namin siya matiis.Iba kasi siya sa ibang mga nagiging assistant ng iba pang KPOP stars, kapag siya ang naging assistant mo, mabilis mo siyang makakasundo. Tinatanong niya kami kung gusto o ayaw ba namin ang isang bagay. 

"Kung gusto niyo lang naman, pwede naman natin siyang sundan. Kung gusto niyo lang naman," saad ni Manager. Nabasa ba ni Manager yung nasa isip ko? Parang kakasabi ko lang na kung pwede ba siyang sundan, tapos magsa-suggest si Manger na pwede namin siyang sundan. WAAH! ang galing ni manager.

"O ano gusto niyo ba syang sundan o hindi?," pagtatanong ni Manager.

"Gusto namin Manager," sabay-sabay naming saad. 

"O sige. Pero ang problema , hindi magiging mabilis ang proseso. Baka after 2 days pa bago ma-grant ang request natin," saad ni Manager. After 2 days? La! Baka makabalik na si Mica-ah dito at hindi pa rin magra-grant ang request namin...

"Eh paano yan Manager?," saad ko.

"Wag kayong mag -alala, susubukan ko silang kumbinsihin na bilisan ang pag-grant. Siguro kapag nakumbinsi ko sila , makaka-alis tayo bukas o sa isang araw pa," saad ni Manager. "Sige na ,aalis na ako para maayos ko na yung request," tuloy ni Manager at umalis na.

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon