Chapter 11: My ultimate Bias/ Problem (part 2)..

5 0 0
                                    

"WAHHHHH !!!!! Ikaw si Suho ng EXO ..... Seryoso ba ito? Baka naman nanaginip lang ako," hindi makapaniwalang saad ko sabay sampal pa sa mukha ko, para malaman ko talaga kung totoo ba ito o hindi, pero totoo talaga eh.

Akalain niyo yun, Yung ultimate bias (Suho) ko siya pala yung katext ko. Ang saya-saya ko , hindi ko ine-expect na makilala ko siya, as in magiging kaibigan. Ang hiling ko lang naman makita ko sila, mahawakan, makapagpapicture sa kanila, pero yung binigay sa akin ni Lord , sobra-sobra. Thank you Lord!

"Oo nga, ako nga ito. Ang kulit mo. Ilang beses mo na ba akong kinurot para malaman mong hindi ka nanaginip. At pasalamat ka walang tao dito kasi tago 'to walang makakarinig sayo," saad ni Suho-oppa.

"OhMyGod!!!!," sigaw ko.

"O bakit? May problema ba? Uy magsalita ka?," sunod -sunod na tanong niya.

"Grabe siya oh! Nag-Ohmygod lang naman ako, yung tanong niya umabot sa tatlo," natatawang saad ko.

"Eh ikaw kasi , bigla bigla ka na lang nago-ohmygod jan. Malay ko bang baka may mangyari pa sayo," saad niya.

"Aba! May mangyayari talaga sa atin dito. Dalawa lang tayo dito, tago pa at wala pang makakarinig sa atin," malokong saad ko sa kanya with may matching pang malokong ngiti. Wahhh !! He's so cute. HAHAHA! The face!

"0_0, s-shut up Mica-ah ! Wag kang ganyan. Ang bata-bata mo pa eh," kinakabahang saad niya. I can't take this anymore, gustong-gusto ko ng sumabog sa katatawanan dahil sa kanya, napaka-inosente niya tignan t pinagpapawisan pa.

"Ano ka ba oppa? Hindi na ako bata, I'm already 20 years old," malokong saad ko sa kanya.

"Shut up," pinagpapawisang saad niya. Hindi ko na talaga kaya.

"WAHAHAHAHAAHAH! ," pag-sabog ko . Hindi ko na talaga kaya eh. Kung titignana mo siya para siyang naloko at nanakawan ng napakalaking halaga.

"What the," sigaw niya ng mapagtanto niyang niloloko ko lang siya.

"Hahahahahaha," tawa ko pa rin . Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa ...

"Tumigil ka nga jan Mica-ah. Show some respect, I'm still older than you," seryosong saad ni Oppa. Okay tumigil daw Mica, seryoso na siya.

"Okay, I'm sorry oppa. Eh napaka priceless mo kasing tignan. Lalo na nung narinig mo yung "Dalawa lang tayo dito, tago pa at wala pang makakarinig sa atin", kaya naisipan kong pag-tripan ka," paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Ikaw kasi , makapagbitaw ka nung mga ganung salita eh, sa susunod wag mo ng gagawin yun sa akin," may pag-aalalang sambit niya.

"Opo. Sorry ulit. At salamat sa respeto oppa. Sana lahat ng lalaki tulad mo," saad ko .

"Hayaan mo , marami pang tulad ko dito sa mundo," saad niya at ngumiti. Wahhh ! nakakatunaw yung mga ngiti niya, pero syempre hindi ko pwedeng ipahalata kaya ngumiti na lang rin ako bilang tugon.

Habang naglalakad kami, kwinento ko sa kanya yung problema ko, hindi ako nag-drop name, para safe na rin. Hindi ko mapigilan umiyak na naman, sinabi niya sa akin na magkaka-ayos din kami baka daw kasi kailangan lang nila ng oras. Kaya naisipan niyang dalhin ako sa isang Amusement park, para kahit daw papaano makalimutan ko yung problema ko. At masyado akong nag-enjoy kaya hindi ko napansin yung oras.

"Oppa, kailangan ko ng umuwi. Baka mas lalong magalit sa akin, panigurado nag-aantay sila sa akin," kinakabahang saad ko.

Hindi ko napansin na masyado na akong nag-enjoy at hindi ko napansing 10 na pala ng gabi. Baka hindi pa sila kumakain. Naiiyak na naman ako, ayokong mas tumindi pa yung galit nila sa akin.

"Halika ka na, hahatid na kita para mas mabilis," saad niya.

"Sige po. Salamat oppa," saad ko. Ngumiti lang siya at hinila na ako papuntang parking area.

Nagpahatid ako isang kanto ang layo mula sa bahay, nag-iingat lang ako. Nagpasalamat na ako kay oppa at tumakbo na ako para mas mabilis ako makarating. Kaagad akong umakyat. Pagka-akyat ko, andun nga silang lahat. Pagkalapit ko sa kanila, tumayo sila at pumunta sa kani-kanilang kwarto maliban kay Jinyoung-hyung. Padabog nilang sinara yung mga pinto nila, galit na glit na talaga sila.

"Naka-ilang text kami sayo Mica-ah, pero sigurado naman akong hindi mo yung nabasa kahit isa man lang doon. Ito sasabihin ko sayo, para malaman mo, tinext ka namin para sana malaman mo na, inaantay ka namin para maayos 'tong problemang 'to. Pahirapan pa namin kinulit sila Baro paramakipagusap sayo. Tapos uuwi ka ng 10, sana hindi ka na lang umuwi. Siguro kami lang talaga ang may gustong maayos itong problemang ito na ikaw mismo ang gumawa," galit na saad ni Jinyoung-hyung. Umalis na siya sa harap ko, tulad ng ginawa ng ibang members, padabog niya ring sinarado yung pinto niya.

Napatakbo na lang ako sa kwarto ko.

"sana hindi ka na lang umuwi. Siguro kami lang talaga ang may gustong maayos itong problemang ito na ikaw mismo ang gumawa," yan ang paulit-ulit na naririnig ko.

"Hindi ko naman sinasadya eh. Sa 7 oras na nakasama ko si Suho-oppa nakaramdam ako ng pansamantalang saya. Inaamin kong nag-enjoy ako kaya hindi ko na-check yung phone ko at hindi ko napansin yung oras pero hindi pa rin kayo naalis sa isip ko kasi alam kong galit kayo sakin. At ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko," saad ko habang umiiyak.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako.

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon