Chapter 17: Surprise!

9 0 0
                                    

SANDEUL'S POV

*Bahay*

  ( March 20 , 2016)

"Mica-ah nasan ka?," sigaw ko. Hindi kasi namin siya makita. Nilibot na namin buong bahay pero wala siya.

*beep* *beep*

Kinuha ko kaagad yung cellphone ko. Si Mica-ah pala yung nagtext.

From:Mica-ah

 Hi Sandeul-hyung! Narinig ko kasi yung sigaw mo, nandito ako sa likod bahay. Punta na kayo.

"Guys nasa likod daw si Mica-ah," saad ko. Kaagad naman kaming pumunta sa likod pero pagdating namin dun, madilim at wala kaming makitang Mica-ah.

"Nasan na siya? Mica-ah," tawag ko sa kanya.

Maya-maya bumukas yung ilaw................ And to our surprise 0_0 , nabato kami sa kinatatayuan namin.. Sakto namang nakita namin si Mica-ah na naglalakad na palapit sa amin na may dalang cake.

"Do you like it?," tanong niya pagkalapit niya sa amin.

"Wow! o_o . Anong meron?," gulat na tanong ko  sa kanya.

Idedescribe ko na lang kung paano yung decoration niya. Sa puno may mga parang lanterns na nakasabit dun, iba't ibang kulay yung ilaw. Sa ilalim ng puno may lamesa, sa gilid may lamesa din at dun nakalagay yung mga pagkain na hinanda niya. May transparent na kurtina na nakapalibot sa puno. Sa harap ng lamesa may projector at nagsimula ng mag-play dun yung tugtug.

(A/N: Paki-play na lang po yung tugtug)

Wahhhh! Birthday ko nga pala ngayon. Nakalimutan ko dahil sa excitement at enjoyment.

"Happy Birthday Hyung!," greet sa akin ni Mica-ah. Gulat pa rin ako pero I manage to say thank you to her. Hindi lang naman ako ang nagulat, pati sila. Kung makikita niyo tong ginawa niya magagandahan din kayo.

"Blow the cake hyung, but first make a wish," saad niya. Ngumiti siya sa akin. Nag-wish na ako at blinow na yung cake.

"O wala ba kayong balak kumain? Tara na, gutom na ako at sigurado akong gutom na rin kayo," aya sa amin ni Mica-ah. Naglakad na kami papunta dun sa lamesa, habang si Mica-ah hinanda na yung mga kakainin namin. Dun sa mga pagkain na nakahanda may Filipino food at Korean food.

"Manager sigurado ka bang wala kang alam dito?," tanong ni Jinyoung-hyung.

Oo nga, kasi pagkarating namin dito halatang gulat din si Manager, pero imposible yun kasi Manager namin siya pero hindi siya sasabihan ni Mica-ah tungkol dito sa surprise niya.

"Oo sure ako. Nagpaalam lang siya sa akin kanina na may gagawin siya kaya siya umalis, hindi ko naman alam na gagawa na pala siya ng surprise para sayo," sagot ni Manager.

Pagkabalik ni Mica-ah tinitigan ko siya.

"O Birthday Boy, bakit ganyan ka makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?," gulat na tanong niya. Umiling lang ako. Hindi lang ako makapaniwala, natapos niya ito ng more than 7 hours at syempre hindi ko naman aakalain na magagawa niya sakin yun.

"Hoy hyung bakit nga? Hindi mo ba nagustuhan yung surprise ko?," malungkot na tanong niya. Hindi ko na siya sinagot at kaagad na hinila para yakapin. Halatang nagulat siya.

"H-hyung m-may problema ba?," tanong niya,

"W-wala. Masaya lang ako. Maraming salamat Mica-ah. Hindi ko aakalain na magiging ganito ang magiging birthday ko. Maraming salamat talaga," mangiyak-iyak kong saad at humiwalay na mula sa pagkakayakap ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon