"Uy Mica-ah, kwento ka naman tungkol sa family mo," saad ni Baro-hyung. Alam niyo , ngayon ko lang rin napagtanto na gwapo rin si Baro-hyung, ang pinapansin ko lang kasi talaga ay si Gongchan-hyung, si Jinyoung-hyung at si Sandeul (magaling kasi siyang magluto saka nakakatuwa siya).
"Umm, dalawa lang po kaming magkapatid sa nanay, Kuya ko at ako. Habang may tatlo pa kaming kapatid sa side ni papa. Si kuya nagtratrabaho bilang isang writer sa isang sikat na Publishing Company, yung mommy ko naman ay isang chef sa isang prestigious restaurant," kwento ko.
"Eh yung dad mo?," tanong ni Jinyoung-hyung.
"Eh, andun na po siya eh," sabi ko sabay turo sa taas.
"Sorry," saad kaagad ni Jinyoung-hyung.
"Okay lang po, matagal na rin naman yun. Move on na kami," saad ko.
"Sabi mo may tatlo ka pang kapatid. Nasaan sila?," tanong ni CNU-hyung.
"Yung isa po nasa America, yung dalawa nasa Pilipinas," sagot ko.
"Pero okay naman kayo? Walang samaan ng loob," saad ni Jinyoung-hyung.
"Wala naman po, close naman kami," masayang saad ko.
"Okay, next question," saad ni Sandeul-hyung. Honestly speaking, mabilis na nahulog yung loob ko sa kanila kasi ang babait nila at hindi nila hinayaan na masaktan ako. Parati rin nilang iniintindi yung mararamdaman ko.
"Eh nagkaboyfriend ka na ba?," tanong ni Gongchan-hyung. "At ilan?," tuloy niya.
"Hahahaha , ano po, 6 na ata yun," sagot ko, Hiondi ako sigurado eh.
"Eh kailan ka ba nagsimula na magentertain ng nanliligaw o boyfriend?," tanong ni CNU-hyung.
"2nd Sem ko po nung 1st year college ako," sagot ko.
Naputol yung pag-uusap namin ng tumunog yung phone ni Jinyoung-hyung na sinundan din ng pagtunog ng cellphone ko.
"Hello," pambungad na saad ko pagkasagot ko. "Bakit Nella , may problema ba?," nag-aalalang tanong ko.
[Hello Tori , pasensya na bigla akong napatawag. Pero wala naman akong problema. Don't worry. Sasabihan lang kita , kita-kita tayo sa Mall mamaya.]- ani ni Janella sa kabilang telepono.
"Ah, yun lang pala. O sige ba. Papaalam lang ako. Anong oras ba?," tanong ko.
[Mga 3 na Tori, kasi alam naman nating kailangan natin umuwi ng maaga kasi nga may trabaho pa tayo]- saad niya.
"Hahaha, oo nga naman. Nakakapanibago no?, pero masaya naman, saka nasasanay na rin ako. Namimiss ko nga lang sila Mommy," saad ko.
[Yeah right, ako nga rin. Miss na miss ko na ang aking little brother. O tama na 'to, baka mag-iyakan na tayo. Basta mamaya ah, don't be late]- saad niya. Aba ! ako pa talaga sinabihan na don't be late , eh siya naman parati inaantay.
"Naku, ikaw dapat ang sinasabihan ko niyan hindi ako. Kailan ka ba hindi nalate Nella? Agahan mo, kung hindi iiwan ka namin ni Aerish. Saka sabihan mo na si Aerish," saad ko.
[Opo, wag mo ng ipamukha, saka kaya lang naman ako nalalate kasi pinaghahandaan everytime na nagkikita kita tayo. Saka, opo sasabihan ko na po si Aerish]- saad niya.
"Hahahaha, sorry na po Boss. Love you. See you later. Bye," pagpapaalam ko.
[Bye. Love you too]- saad nya. Binaba ko na at bumalik na kina CNU-hyung.
"Sino tumawag sayo oppa?," tanong ko kay Jinyoung-hyung pagkalapit ko.
"Ah si Manager, nagpaalam lang na nasa labas siya. baka daw kasi hanapin natin siya," sagot niya.
Tumango-tango na lang kami bilang tugon.
"Sino nga pala yung tumawag sayo?," tanong sa akin ni Baro-hyung, napatingin kaagad ako sa kanya. Nagkatitigan kami, ang ganda ng mata niya parang hinihila ako para tignan lang siya.
"MICA-AH!! ," biglang sigaw. Nagising ako sa pagpapantasiya ko, hala , anong nangyari sakin? Bakit ganito nararamdaman ko? Hindi ito pwede. Inayos ko na yung sarili ko.
"Sorry , ano ulit iyon Baro-hyung?," tanong ko. titingin ulit sana ako sa kanya ng pinigilan ako ni Gongchan-hyung.
"Wait, wag ka ng tumingin kay Baro-hyng, baka matulala ka na naman," saad niya. Okay may point siya dun, at dahil jan. Thank you Gongchan-hyung, you're a life saver.
"Ah bestfriend ko po, na nagtratrabaho sa SHinee,"- sagot ko. Nakaharap na ako sa kanila, so nakatalikod ako kay Baro-hyung, okay na rin 'to , saka nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari kanina...
"Ah yun ba yung kasabay mo na pumunta dito? Dalawa lang ba kayo?," tanong ni Sandeul-hyung.
"Hindi po, tatlo po kami. Yung isa sa BigBang nagtratrabaho," sagot ko.
"Hindi niyo iniwaqn isa't isa noh. Ang galing naman. Friendship Goals," saad ni Baro-hyung.
"He-he-he," sagot ko na lang. Baka mapansin niya na medyo iniiwasan ko siya.
"Pero matanong ko lang, Bakit nga pala kayong nag-apply bilang assistant naming mga KPOP stars? Saka napaka-aga niyo namang maghanap ng trabaho, hindi pa nga kayo tapos sa pag-aaral," saad ni Jinyoung-hyung.
"Ah napag-isip-isip po kasi namin na maaga na lang mag-apply, eh kasi kapag after pa ng graduation kami mag-aapply, baka marami na kaming kasabay, baka hindi pa kami matanggap. Saka nangako kasi kami sa isa't-isa na kapag may pera na kami o kaya naman naka-graduate na kami, sabay-sabay kaming pupunta dito. Saka yun time na yun kasi nagluluksa pa kami ng hindi kami nakapunta sa pangalawang concert ng EXO kasi hindi naman kami ganun kayaman para pumunta at hindi kami pinayagan nun kasi kasagsagan ng Examination namin yun. At buti na lang pinayagan kami na pumunta dito , kasi alam nilang pangarap naming pumunta dito," kwento ko.
"Pero itatanong ko lang. Kaya ka ba o kayo nag-apply para sa trabaho ay para sa EXO?," malungkot na tanong ni Sandeul-hyung.
"Aaminin ko po, umasa akong sana ako yung mapili para sa EXO ,ganundin naman sila Janella, pero wala eh, hindi kami para sa kanila. Pero kahit ganun, hindi pa rin kami umurong kasi masaya pa rin kami sa mga taong iniidolo namin," paliwanag ko.
"Fan ka nga talaga namin?," Gongchan-hyung.
"Oo nga po, bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin?," saad ko.
"Hindi naman, hindi lang kami makapaniwala eh sabi mo nga EXO talaga ang dahilan kung bakit kayo nag-apply. Pero salamat Mica-yah sa pag-iidolo sa amin," saad ni Baro-hyung. Napatingin kaagad sa kanya, kahit sinasabi ng isip ko na "wag kang titingin sa kanya, baka matulala ka na naman" , pero wala eh kusa na lang akong napalingon sa kanya. nNapatulala na naman ako pagharap ko sa kanya, ano bang nangyayari sa akin? Isang linggo pa lang ako rito pero kung ano-ano na nararamdaman ko? Natigil lang yung pagiging tulala ko nung niyakap ako ni Sandeul-hyung.
"Wahhh ! Thank you," saad niya habang nakayakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik.
BINABASA MO ANG
My Idol become my Boyfriend
FanfictionUhmm, this is my first story. At hindi ko po alam kung maganda. Pero sana magustuhan niyo. Comment po kayo, para alam ko po kung paano ko papagandahin yung story ko. Salamat po.