Mica's POV
"Nak alis na ako ah. Mag-iingat ka rito," paalam ni Mommy sa akin. Papasok na siya sa trabaho niya. Isa siyang chef sa isang mamahalin na restaurant. Habang si Kuya, weekends na lang nakakauwi dito sa bahay kasi may condo naman siya.
"Sige My. Ingat ka ah," sagot ko. Nagkiss na kami sa isa't-isa kaya umalis na si Mommy.
Pumasok na muna ako sa kwarto ko at naligo na . Pagkaligo ko, dumiretso ako sa sala at nanood na ng T.V.
"Kamusta na kaya sila? Nabasa na kaya nila yung letter ko? Napanood na kaya nila? Nagustuhan kaya ni Sandeul-hyung yung regalo ko sa kanya? Napatawad na kaya nila ako? Hayyy, nako Mica, kinakausap mo na naman yang sarili mo," saad ko. Simula nung nakauwi ako dito sa Pilipinas , nagsimula na rin ng pakikipag-usap ko sa sarili ko.
*TOK* *TOK* *TOK*
Napatayo na lang ako mula sa pagkakahiga ko. Sino naman kaya 'tong umistorbo sa pagmo-moment ko dito? Kaagad ko ng binuksan yung pinto.
"0_0, Ma-manager? Bakit ka nandito? Mag-isa ka lang?," gulat na tanong ko. Mag-isa lang kaya siya? May parte kasi sa akin na umaasa na kasama niya sila Sandeul-hyung, pero parang hindi eh. Siguro galit pa rin sila sa akin.
"Ha? Oo. Oo magisa lang ako. ," kinakabahang sagot niya. La! Anong meron kay Manager, sasagot lang naman sa akin kailangan niya pang kabahan. Tinignan ko lang siya.
"Uhmm, seryoso ako ah. Mag-isa lang talaga ako," kinakabahang sagot niya.
"La! Ano ba Manager? Paulit-ulit ka , sinabi mo na ngang mag-isa ka eh. Pero Manager, bakit hindi mo sila kasama?," saad ko.
"Ah, ako lang kasi yung pinayagan na pumunta dito. Sad to say kahit na payagan sila, sa tingin ko hindi pa rin sila sasama . Alam mo na kung bakit," saad niya. So, galit pa rin pala talaga sila sa akin.
"Alam ko namang galit pa rin sila sa akin," malungkot na saad ko.
"Ano ka ba? Ang drama mo naman Mica-ah. Joke lang naman yun eh. Syempre iiwan ko ba sila sa Korea, hindi yun pwede," saad ni Manager. Nakangiti lang siya sa akin. Kumabog ng mabilis yung puso ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa sayang nararamdaman ko o kinakabahan ako.
Napatingin kaagad ako sa labas at nakita ko dun ang B1A4 . Naiiyak ako, kahit naman alam kong galit pa rin sila sa akin malaking bagay na sumama sila kay Manager.
"Tara po, pasok kayo," aya ko sa kanila. Pinipigilan kong umiyak sa harap nila, ayokong makita nila akong mahina. Kumuha ako ng makakain nila at maiinom.
"Bakit nga po pala kayo nandito? I mean dito sa Pilipinas?," tanong ko pagkaupo ko.
"Siguro hindi ako yung tamang tao para ipaliwang yun. Kaya lalabas na muna ako," Manager at umalis na. I keep myself busy para hindi ako maiyak.
"May gusto ka bang sabihin sa amin, bago namin sabihin kung bakit kami naririto," saad ni CNU-hyung.
"Uhmm. sorry po talaga sa mga nagawa ko sa inyo. Uhmm, alam ko pong galit pa rin kayo sa akin, pero masaya po ako kasi sumama kayo kay Manager na pumunta dito. Siguro iyon lang po yung sasabihin, gusto ko lang po talagang mag-sorry," naiiyak kong saad .
"To tell you honestly , inis pa rin kami sayo dahil sa nagawa mo. Pero hindi ka rin namin matiis eh. Salamat kasi binigyan mo kami ng time, at hindi mo kami pinilit na makipag-usap muna sayo, kasi galit kami baka anong masabi namin sayo. At salamat rin kasi nahigitan mo yung pag-aalaga ni Nanay Ein sa amin kahit na nag-aaral ka. Sorry kasi tinulak ka namin palayo at sorry kung naramdaman mong ayaw na namin sayo," saad ni Jinyoung-hyung. Dun na ako tuluyang umiyak, kasi ito na rin yung hudyat na magiging okay na kami.
"sorry po talaga. Hindi ko talaga sinasadya na saktan kayo. Please po patawarin niyo na ako," umiiyak kong saad ko. "Pwede ko na po ba kayong mayakap?," tanong ko.
"Oo naman. Pinapatawad ka na rin namin," saad ni Gongchan-hyung. Lumapit na ako sa kania at nag-group hug na kami lahat.
"Mukhang nagkabati na kayo ah? Sabi ko naman sa inyo eh, maaayos niyo rin yan kapag nag-usap kayo ng maayos. By the way, pwede na akong kumain," biglang sulpot ni Manager.
"Hahahaha! Joker ka talaga Manager. Pero dahil nasabi mo na rin ang salitang pagkain. Tara kain na tayo Manager," saad ni Sandeul-hyung.
"Sige, tara kain na tayo Sandeul-ah. At habang kumakain kami ni Sandeul-hyung, pag-isipan niyo na kung anong gagawin natin sa isang linggong binigay sa atin," saad ni Manager sabay subo ng cookies.
"Isang linggo?," tanong ko.
"Oo , 1 week kaming andito sa Pilipinas. Nag-request si Manager sa Entertainment. Pinilit ni Manager na magdesisyon sila ng mabilis para makasunod kami kaagad sayo, at binigyan kami ng isang linggo," paliwanag ni Jinyoung-hyung.
"Kahit dalawang araw lang eh, basta makausap ka namin. Eh ang problema, binigyan kami ng isang linggo. Ano naman kayang gagawin natin sa isang linggong pananatili natin dito?," ani ni CNU-hyung.
"Kaya nga, pagisipan niyo diba. Saka alam kong ayaw niyo pang bumalik dun, katulad ko, nagsasawa na kaya ako sa atmosphere dun," walang ganang saad ni Manager.
"Mamasyal na lang tayo," suhestiyon ni Gongchan-hyung.
"Eh saan naman ? Wala naman tayong alam na lugar dito, maliban sa bahay ni Mica-ah. Si Mica-ah lang naman ang Pilipino sa grupo natin," saad ni Baro-hyung. At lahat sila nakatingin na sa akin ngayon.
"Eh bakit naman ako?," sambit ko sabay turo sa sarili ko.
"Oo, ikaw at wala ng iba. Ikaw lang naman itong taga-Pilipinas ," saad ni Manager.
" Eh wala nga akong maisip na lugar na pwedeng puntahan. Maliban sa isa...............................," putol na saad ko.
"Saan? Dali sabihin mo na Mica-ah. Excited na akong mamasyal," pangungulit ni na saad ni Baaro-hyung.
"Sa province ko, eh pero masyadong malayo yun. Hindi yun option," sambit ko. Hindi talaga option yun, hindi sila pwede dun, baka pagkaguluhan lang sila. Kaya nga pati sa pagpunta dito, hindi na dapat nila ginawa, paano na lang kung nalaman ng mga fans nilang andito sila sa Pilipinas, malaking gulo yun.
"Eh mas maganda nga yun eh, malayo," masayang saad ni Jinyoung-hyung.
"Believe me, mapapagod lang kayo. At 12 hours ang biyahe papunta doon. Hanap na lang tayo ng iba," pilit kong sambit sa kanila.
"Maghanda ka na ng gamit mo Mica-ah for 1 week," saad ni Manager. Aangal pa sana ako pero huli na ang lahat, dahil tinulak na nila ako patungong kwarto ko, kaya no choice kundi mag-ayos ng gamit ko.
"Manager daan muna tayo sa Restaurant na pinagtratrabahuan ni Mommy, papaalam lang ako, ituturo ko na lang yung daan," saad ko pagkalabas ko ng kwarto ko.
"Okay, dali-dali, excited na ako. Labas na," excited na saad ni Manager at tinulak na ako palabas.
Lumabas na kami at inayos ang gamit ko sa Van na dala nila, actually dalawa ang dala nilang van, yung isa para sa B1A4 habang yung isa para kina Manager. Dun ako sa Van ng B1A4 sumakay, bantay nila ako eh.
BINABASA MO ANG
My Idol become my Boyfriend
FanfictionUhmm, this is my first story. At hindi ko po alam kung maganda. Pero sana magustuhan niyo. Comment po kayo, para alam ko po kung paano ko papagandahin yung story ko. Salamat po.