Chapter 8: Mall Encounter

5 0 0
                                    

Mica's POV

*MALL*

Day-off ko ngayon, kaya naisipan kong gumala muna. Mag-isa lang ako, kasi busy sila Janella at sila Jinyoung-hyung naman bawal lumabas, alam niyo naman Celebrity.

Medyo masama ang pakiramdam ko, medyo nahihilo ako baka kulang lang ako sa tulog pero mas pinili ko munang lumabas ng bahay.

*bogsssh* Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, ayan tuloy nahulog at nasaktan na naman ako.

"Aray!," saad ko ng tumumba ako.

"Miss okay ka lang ba?," tanong sa akin ng nakabanggaan ko.

"Okay lang naman, siguro," sagot ko. Tinulungan niya akong tumayo, tinignan ko siya pero balot na balot siya. Celebrity ba ito? Kung makabalot ginaya lang sila Oppa. Nagpaalam na ako sa kanya, malay niyo kidnapper 'to at bigla niyang kunin yung laman loob ko. Pero bigla niya akong tinawag.

"Miss, sandali. May sugat ka," saad niya at hinigit yung kamay ko. 'Medyo masakit yun ah, dahan-dahan lang, pwede ba? Ang sakit na nga ng ulo ng tao eh', saad ko sa isip ko. Kaya pala may makirot, kasi may sugat.

"Ah okay lang ako, sa bahay ko na lang gagamutin ito. Sige, alis na ako. Salamat," saad ko.

"Hindi, halika ipupunta na kita sa clinic," pagpupumlit niya. Sumunod na lang ako sa kanya, hindi ko na kasi kayang magpumiglas pa kasi nahihilo na talaga ako.

Kim Jun-myeon's POV

Ako nga pala yung nakabangga dun sa babae, ang sabi nung Nurse dito sa clinic ng Mall, Melica daw ang pangalan niya. Kasalukuyan siyang natutulog, hinimatay kasi siya kanina, buti na lang at malapit na kami sa clinic.

"Bakit po ba siya biglang hinimatay?," tanong ko sa Doktor na tumingin sa kanya.

"Sa sobrang pagod siguro at puyat. Saka medyo sinisinat siya," sagot niya. at umalis na siya sa harap ko para i-check ang iba pang pasyente.

"Ano pong nangyari kay Melica?," tanong nung lalaking kakapasok lang sa clinic. Mukha siyang nagmadali para lang makapunta dito, siya siguro ang guardian ni Melica.

"Nabangga ko po siya kanina at nagkasugat din po siya. Tapos po kanina hinimatay siya, ang sabi po ng Doktor sa pagod daw po at puyat," paliwanag ko.

"Ganun ba? Nasobrahan siguro sa pag-aaral at pagtratrabaho," saad niya

"Working student? Pero mukha naman po kayong mayaman," saad ko.

"Amo kasi niya ako. Hay,kawawa naman si Mica," sagot niya. Ah kaya pala.

"Sir pakibigay na lang po ito sa kanya. Kapag po nagising siya pakisabi po itext niya ako o tawagan para lang po makasigurado akong ligtas siya," saad ko sabay bigay ng calling card ko.

"Sige, sasabihan ko kaagad siya pagkagising niya. Salamat ulit," saad niya.

Umalis na ako doon, kanina pa kasi ako kinukulit ng mga kaibigan ko. Speaking of kaibigan, tumatawag na yung isa.

[Bro! Nasan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay. Baka malate na tayo] sigaw niya.

"Paalis pa lang ako. May nabangga kasi akong babae kanina kaya kinailangan ko siyang dalhin sa clinic," sagot ko sa kanya.

[Chicks ba pre?] tanong niya. Kahit kailan talaga ito, kapag babae na ang pinag-uusapan.

"Loko ka talaga. Basta antayin niyo ako jan," sagot ko at ibinaba na yung telepono.

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon