Chapter 10: Problem

6 0 0
                                    

3 days na rin kami magkatext ni Oppa Kim Jun Myeon at sa tingin ko nagseselos na ang aking mga amo. Paano na naman, nakabusangot kaagad sila pagkagising nila.

"Anong problema? Umagang umaga ang lulungkot ng mga mukha niyo?," tanong ko sa kanila at umupo sa harap nila.

"Eh simula kasi nung nakatext mo yang tumulong sayo, parati ka na lang nakaharap sa phone mo," malungkot na saad ni Sandeul-hyung.

"Tapos, parang nagbago ka. Yung tipong parati kang may oras sa amin, kahit na pagod ka na pero ngayon kasi wala na, nakalimutan mo na kami," saad ni Baro-hyung. Hala ! Hindi naman yun ang gusto kong iparamdam sa kanila eh, ayoko ko lang naman iwasan si Oppa bilang pagbabalik loob.

"Tapos hindi ka na namin nakwekwentuhan," malungkot na saad ni Gongchan-hyung.

"Tapos hindi ka na focus sa pagluluto mo para sa atin, sa amin. Kapag nagtext siya, ipapabantay mo samin yung niluluto mo, at makakalimutan mo ng balikan kasi na-enjoy mo ng pakikipagtext sa kanya," saad ni CNU-hyung.

"At yung pagsabay mo sa amin sa pagkain, simula nung nakatext mo siya , sabay ka nga sa amin pero parang ang kasabay mong kumain ay yung phone mo at yung parati a lang cellphone ang inaatupag mo," saad ni Jinyoung-hyung.

After nilang sabihin lahat ng hinanakit nila, nagsitayuan sila at pumunta sa kani-kanilang kwarto. Ganun na ba ako ka-busy sa pakikipag-text sa kaniya? Sinusubukan ko silang kausapin, ang kaso nakalock yung mga pinto nila.

[Pwede ba tayong magkita mamaya sa Mall, mga 3?," text sa akin ni Oppa.

[Sige po]- reply ko. Hindi naman ako maka-hindi kasi tinulungan niya ako, pero paano naman 'tong mga amo ko.

Nagluto na ako ng adobo para sa kanila, kasi masarap daw akong magluto ng adobo at saka paborito nila ito sa mga niluluto ko. Baka sakaling kausapin nila ako.

Tinawag ko na sila, kanya-kanyang labas sa kwarto, sabay-sabay silang kumain ng hindi man lang ako inaya, ang sakit lang pinaparamdam talaga nila sa akin na wala ako sa harap nila tulad ng nagawa ko sa kanila.

Umalis na muna ako sa harap nila at pumunta muna sa kwarto para ilabas ang nagbabadyang pag-iyak ko.

JINYOUNG'S POV

Ang tahimik ng bahay, hindi ako sanay. Sa ganitong oras kasi nagkwekwentuhan kami pero ngayon, nawala na lang na parang bula.

"Wala siya sa kwarto niya. Saan naman kaya pumunta si Mica-ah?," saad ni Gongchan.

"Umalis, nakita kong nakabihis eh, mukhang nagmamadali. Baka makikipagkita dun sa katext niya," may halong inis na saad ni Sandeul.

Sila kasi nina Baro at Sandeul ang close, although lahat naman kami close kay Mica, yung closure nilang tatlo iba sa closure naming lahat.

"Hindi naman siguro, malay mo naman, makikipagkita lang kina Janella," saad ni Baro. Sa tingin ko, sinabi niya lang yan para hindi kami masyadong masaktan kasi alam naman naming lahat na posible talagang yung katext niya yung dahilan kung bakit wala siya dito ngayon.

"Grabe, oo kaibigan nga lang yung kikitain niya. Mag-aayos kasi siya ng ganun para lang kina Janella," sarcastic na saad ni Sandeul. Mas tumindi ang pagkalungkot na nadarama ni Baro, kahit kami. Kasi this past days, totoo namang mas napagtuonan na niya ng pansin yung phone niya, madalas na siya sa kwarto niya kasi katext niya yung nagligtas sa kanya.

"Tigilan niyo yan, baka mag-away pa kayo. Ano ba kasing problema niyo at inis at lungkot ang bumabalot sa mga pagmumukha niyo?," tanong ni Manager na kararating lang.

"Eh Manager. Medyo nagtatampo lang naman po kami kay Mica, kasi mas nabigyan na niya ng time yung katext niya. At sa tingin po namin kaya wala siya ngayon dito kasi nakipagkita siya sa katext niya," paliwanag ko.

"Nagpaalam siya sa akin kanina, pupunta lang daw siya sa mall, may kikitain lang daw," saad ni Manager.

"Sabi ko na sa inyo eh. Mag-aayos ba siya ng ganun kung kina Janella lang siya makikipagkita," inis na sambit ni Sandeul.

"Pero kaya pala namumugto yung mga mata niya kaninang nagpaalam, may problema pala kayo. Better fix it today baka mas lumala pa. Okay gotta go!," saad ni Manager at umalis na.

Namumugto? Umiyak siya? Pero bakit naman siya iiyak eh, ang saya saya nga niya kapag nakikipagtext dun sa tumulong sa kanya.

"Namumugto? tss. Paawa lang yun," saad ni Sandeul sabay tayo at pumunta sa kwarto niya. Na sinundan ni Baro.

"Umaatake na naman ang pagiging childish ng mga yun. Natatakot na siguro, baka iwan na naman tayo, kahit rin naman ako," saad ni CNU-hyung.

"Ano naman kayang pwede nating gawin? Kahit rin naman ako hindi ko masisisi sila Baro kung ganyan ang epekto sa kanila, sobrang lapit na natin sa kanya, tapos mababalewala na lang lahat ng ganitong kabilis dahil lang sa tumulong sa kanya na nating textmate niya na," may halong inis na saad ko.

"Pero hyung, kapag lahat tayo nagpadala sa inis na nararamdaman natin ngayon baka mas lalong lumala yung problema. Sabi ni Manager kailangan nating maayos to. Kasi kung tutuusin lahat naman tayo mawawalan at masasaktan," sambit ni Gongchan. Mas mature pa mag-isip tong maknae namin kesa sa aming nakakatanda. Tama ang sinabi ni Gongchan, kailangan namin itong maayos ngayon na din mismo, kung hindi kami rin ang mawawalan.

"Umisip na tayo na paraan. At kailangan nating makumbinsi sina Baro at Sandeul na maki-pagusap kay Mica-ah," saad ko.

Sige mamaya na ulit, mas tratrabahuin pa kami ..

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon