Mica's POV
"Bye guys, mami-miss ko ulit kayo. Alam niyo namang 2 weeks na lang ulit tayo bago magkita. Yie! 2 weeks na lang graduation na natin," saad ko.
"Oo nga eh. Excited na ako sa Graduation. At higit sa lahat makikita ko na ulit si Matthew," saad ni Janella. Si Matthew ay ang little brother ni Nella.
"Hayyys . Miss na miss ko na nga rin sila Ate at lalong-lalo na si Mommy," saad ni Aerish.
Tuluyan na kaming nagpaalam sa isa't isa at naghihiwalay na. Bago ako umuwi bumili muna ako Ramen noodles , para yun na ang lulutuin kong Dinner namin.
*Bahay*
"Andito na ako," saad ko pagkapasok ko sa bahay.
"Kamusta pagkikita niyo ng mga kaibigan mo?," salubong na tanong sa akin ni Jinyoung-hyung.
"Masaya naman po. Ang ingay-ingay namin dun. Buti na lang hindi nila kami naiintindihan," sagot ko.
Ngapaalam na muna ako sa kanila para makapagpalit. Ibinaba ko na yung bag ko sa table ng mapansin kong wala dun yung laptop ko. Hinanap ko ito sa buong kwarto ko pero wala. Naiiyak na ako, hindi yung pwedeng mawala, napaka-importante nun sa akin. Lumabas ako sa kwarto, naiiyak na talaga ako.
"O Mica-yah, anong problema? Bakit ka jan umiiyak?," nag-aalalang tanong sa akin ni Sandeul-hyung.
"Eh, Hyung yung laptop ko nawawala, hinanap ko na sa buong kwarto, pero wala eh," naiiyak kong saad.
Nagulat ako ng bigla silang nagsitawanan. Ano bang nakakatawa? Naiiyak na nga ako dito dahil nawawala yung laptop ko,, tapos hindi pa nila ako tulungan para maghanap. Medyo nakakainis.
"Bakit kayo tumatawa? eh, hindi naman nakakatawa yung sinabi ko eh. Nawawala yung laptop ko, nawawala," saad ko. Hindi ko na mapigilan na sumigaw, kinakabahan na kasi ako paano na lang kung nawala na talaga yun, andun yung mga importante kung files, yung thesis output ko , yung mga pictures ko ng family ko, friends, sa University, sa ex-boyfriends ko at yung mga stolen ko sa B1A4.
"Kalma lang Mica-ah," saad ni Manager .
Hindi na lang ako nagsalita, baka hindi ko na mapigilan ang pagkakaba ko, at baka masigawan ko pa sila.
"Sorry Mica-ah. Ito na yung laptop mo," saad ni CNU-hyung at may iniharap sa aking laptop. Pero dalawa yun, yung isa akin, pero yung isa hindi ko alam kung kanino yun. kaagad kung kinuha yung laptop ko, hindi ko na pinansin kung mahulog man yung isang laptop, ang importante nasa akin na ulit yung laptop ko.
Nang kumalma na ako, pinaupo na nila ako. At kinausap na .
"Sorry Mica-ah. Kung hindi namin kaagad nasabi sayo at kung bakit pinagtawanan ka namin," paghingi ng tawad ni Jinyoung-hyung.
"Okay lang po. Pasensya na rin po kayo kung nasigawan ko kayo. Akala ko kasi nawala na yung laptop. Pero bakit nga po pala nasa sa inyo itong laptop ko?," saad ko.
"Ah, ako na magpapaliwanag," saad ni Manager. "Pinakuha ko yan kanina sa kwarto mo," tuloy niya.
Tumango-tango na lang ako. "Pero Manager, bakit nung inabot sa akin ni CNU-hyung yung laptop ko may isa pa. Kanino po ba yun? Pasensya na po muntik ko ng mahulog," saad ko.
"Okay lang yun. Para sa iyo naman yun eh," sagot ni Manager
"Tulad po nung sinabi ko nung binigyan nila ako ng cellphone, hindi ko po yan pwedeng tanggapin," saad ko.
"Eh paano kung sabihin ko sa iyong ang management ang may bigay niyan. Hindi mo pa rin tatanggapin?," saad ni Manager. Huweh? Seryoso ba siya? Kung ganon, edi wala akong karapatan para hindi iyon tanggapin.
"Seryoso ka ba Manager?," tanong ko.
"Oo. Kailan ba ako hindi nagseryoso? O ito, basahin mo ," seryosong saad niya.
Sabay bigay sa akin ng Lpatop, may letter nga dun. 'Greetings Miss Larkin! Manager Hwan requested the Management to give you a new Laptop. Because he noticed that your laptop was ruined. Please, accept this little gift from us. Good Day! From: The Management'.
"Thank you Manager. Alam mo po namang hindi ko afford ang bumili ng bago, kaya pinagtitiisan ko," saad ko.
"Okay lang yun. Saka baka kung ano pa bumili sa sarili kong pera, baka hindi mo pa tanggapin, kaya naisip kong mag-request na lang," saad ni Manager.
"Thank you po talaga," masayang sambit ko.
"Eh Mica-ah matanong ko lang, bakit ganon ka na lang makapagreact nung naisip mong nawawala yung laptop mo? ," tanong sa akin ni Baro-hyung. Ang totoo niyan, nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa inasal ko kanina, kaya nung sinagot ko siya nakatingin ako sa noo niya, para hindi ko naman siya mabastos.
"Ah-eh, Bigay po kasi yun ng tatay ko sa akin nung 2nd year (college) ako. Kasi yun na po yung last na materyal na naibigay niya sa akin, kaya napaka-importante nun sa akin," kwento ko. Tumango-tango na lang sila.
"Pero tatanong ko lang po, nakita niyo po ba yung mga laman nitong laptop ko?," tanong ko.
Nagkatinginan silang lahat at parang walang balak na magsalita.
"Sige na po, magsalita na kayo," pagpipilit kong saad sa kanila.
"Eh baka magalit ka sa amin," saad ni Gongchan-hyung.
"Hindi ako magagalit, promise. Sabihin niyo na," saad ko.
"Okay. Oo nakita namin lahat. As in LAHAT," saad ni Sandeul-hyung. Hindi na lang ako nagsalita, at tumayo na para makapagluto.
"Hala, nagalit ata si Mica-ah," saad ni Jinyoung-hyung.
Napalingon kaagad ako sa kanila ng marinig ko yung sinabi ni Jinyoung hyung. Nakita ko silang lahat na nakabusangot, and I find it very cute.
"Hala, hindi ako galit. Promise. Gutom na kasi ako kaya magluluto na ako," saad ko.
"Hala, hindi ka pa ba kumakain? Eh kumain na kami eh. Akala kasi namin kumain ka na kasama ang mga kaibigan mo," saad ni Baro-hyung.
"Ah ganun po ba, sige matulog na po kayo. Kakain lang po ako," saad ko.
"O sige , pasensya ka na ah. Akala kasi talaga namin kumain ka na," saad ni Sandeul-hyung.
"Okay lang po. Sige na matulog na kayo," saad ko. Nag-good night na sila at kanya kanyang alis para matulog.
"Samahan na kita," biglang saad ng taong nasa likod ko. Napalingon ako sa taong yun. At nagulat ako, bakit sa lima, ikaw pa talaga ang nagpa-iwan para samahan ako, baka hindi ako makakain ng maayos dahil ikaw ang kasama ko. Alam niyo bang si Baro-hyung ang kasama ko ngayon, alam niyo namang nahihiya pa ako sa kanya eh.
"Hala, wag na po . Matulog ka na po. Kaya ko naman na sarili ko eh," saad ko. 'Sige na, please , matulog ka na' saad ko sa isip ko.
"Okay lang naman ako. Saka hindi pa ako inaantok," saad niya.
"Sure ka po? Eh baka kasi naaabala na kita," saad ko. Gusto ko na kasi talaga siyang matulog, eh hindi ko rin siya makakausap ng maayos dahil sa hiyang nararamdaman ko.
"Walang kaso sa akin na maabala, basta ikaw yung dahilan," saad niya. Napatingin ako sa kanya, nakangiti lang siya. Wag ka namang ganyan Baro-hyung, baka mahulog ako sa iyo niyan. Anong sinabi ko? 0_0 , Ma-mahulog? Hindi, hindi pwede yun. Amo ko siya, assistant niya ako, langit siya lupa ako kaya hindi pwede.
"Wag ka namang ganyang hyung," saad ko habang nagluluto.
"Hahahaha, joke lang naman eh. Kinabahan ka naman jan," saad niya at tumawa. Aba! Loko ka rin hyung ah, umasa pa naman ako. Umasa? Sinabi ko na ngang bawal eh.
Natapos na akong magluto. Naghain na ako. Tinanong ko siya kung gusto niyang kumain pa, pero busog na daw siya. Kaya kumain na ako.
"Oppa wag ka ngang ganyan, hindi ako sanay na may nakatitig sa akin habang kumakain ako," saad ko. Eh paano ba naman kasi simula pa nung kumain ako hindi na niya naalis yung tingin niya sa akin. Na-o-awkward kasi ako eh.
Inayos ko na yung pinagkainan ko, kaya sinabihan ko na siyang matulog, buti naman at pumayag na siya.
"Hayyyys," saad ko . Nakahinga na rin ako ng maluwag, sa wakas. Kulang na ang kasi maghalumpasay ako sa sahig dahil sa kaba. Natulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
My Idol become my Boyfriend
FanfictionUhmm, this is my first story. At hindi ko po alam kung maganda. Pero sana magustuhan niyo. Comment po kayo, para alam ko po kung paano ko papagandahin yung story ko. Salamat po.