Chapter 9 : Text Message

8 0 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakararaan ng mahimatay ako at isang linggo ko na rin pinag-iisipan kung te-text ko ba 'tong number na ito, binigay sa akin ni Manager yung calling card daw ng tumulong sa akin pagkagising ko. Pero napaka-familiar ng pangalan niya dito, feeling ko isa siyang KPOP star. Hindi ko lang maalala kung sino, hindi ko alam pero bakit medyo makakalimutin na ako nitong mga nagdaang araw, siguro dahil na rin sa stress at pagod.

"Nababaliw na ba si Mica-ah? Sa tuwing nakikita natin siya parati na lang siyang nakatulala sa card na yan. Mas gwapo ba yung card kesa sa atin?," sunod-sunod na saad ni Sandeul-hyung.

"Kaya nga eh. Nandito nga si Mica-ah pero yung isip niya wala," malungkot na sabi ni Gongchan-hyung.

"Grabe naman. Syempre mas gwapo naman kayo dito sa card. May inaalala kasi ako dito sa pangalan na nakalagay dito sa card," sagot ko.

"Bakit di mo na lang itext para malaman mo?," Jinyoung-hyung.

"Eh oppa, baka hindi naman magreply. Saka gusto kong makasigurado kung sino ba talaga ito, eh kasi may naalala lang talaga ako sa pangalan na ito," saad ko. Pinayagan na pa nila kong tawagin silang oppa, kaya itong lola niyo abot langit ang kilig. WAHHHH !!!!!

"Try mo lang , baka naman mag reply pero kung hindi at least nagpasalamat ka diba," saad ni CNU-hyung.

" Sige po, baka mamaya na lang. Magluluto na lang muna ako. Nagugutom na ako eh," saad ko. Ng akma na akong papunta sa kusina pinigilan ako ni Sandeul-hyung.

""Hep, sandali. Kami na magluluto, baka bigla ka na namang himatayin jan," pigil na sabi ni Sandeul-hyung sa akin.

"Eh sinuswelduhan ako dito pero kayo naman gumagawa ng trabaho ko (pout) ," saad ko. "Baka mahuli tayo ng agency niyan," tuloy at kinakabahang saad ko.

"Hindi yan, kami bahala," saad ni Baro-hyung. Alam niyo ba, she-share ko lang , this past few days medyo bumabalik na yung dating kami ni Baro-hyung, as in wala na akong nafefeel na awkwardness sa kanya, kaya baka nahiya lang talaga ako at hindi ako nagkakagusto sa kanya.

Hinayaan ko na sila doon, hindi sila magpapatalo sa akin. Kaya naisipan ko munang pumunta sa kwarto, paikut- ikot lang ako dito sa kwarto ko hanggang sa naisipan ko ng itext yung number.

"Bahala na nga si Batman," bulong ko sa sarili ko at nagsimula ng magtype.

Binasa ko muna yung message ko bago ko yun sinend. Maya-maya tinawag na nila ako para kumain.

Kim Jun-myeon's POV

Nag-aalala pa rin ako kay Melica (siya yung nabangga ko kung naalala niyo pa), isang linggo na rin ang nakararaan simula nung insidenteng iyon, pero hindi pa rin siya nagtetext, hindi kaya hindi binigay nung lalaki yung card? Kasi napaka-strict nung lalaki, grabe! kung ganun, kawawa naman sa kanya si Melica.

Tingin lang ako ng tingin sa phone ko hanggang sa may nagtext sa akin, unknown number siya. Siya na kaya ito?

[Hello, ito nga po pala si Melica Larkin. Kung ikaw man po yung nakabangga at tumulong sa akin, Daedanhee gamsa hamnida ( thank you very much) ]- Siya nga, salamat at nagtext na rin siya. Medyo gumaan na yung dibdib ko dahil nagtext na rin siya.

[Cheonmaneyo ( welcome). Tanong ko lang, bakit ngayon ka lang nagtext?]- reply ko.

"Maka-ngiti naman ito. Akala mo sinagot ng nililigawan. BTW, nagtext na ba sayo, kung sino man yung tinulungan mo nung nakaraan?," tanong ni Baekhyun.

Opo, si Baekhyun ng EXO, ako po si Kim Jun-myeon o mas kilalang Suho. Hahah, ang liit ng mundo noh, isang simpleng tao nabangga ng isang star na tulad ko at wala siyang kaalam-alam na ako si Suho.

"Oo, ito na nga , kakatext lang. Nagpapasalamat," sagot ko.

"Nagreply na ba Suho hyung?," singit ni Sehun.

"Hindi pa nga eh. Baka may ginagawa lang," sagot ko.

"Pero hyung hindi mo pa sinasabi sa amin kung ano bang klaseng tao yung tinulungan mo," saad ni Chanyeol.

"Uhmm, maganda siya, mabait din naman. Saka , uhmm wala na, hindi naman kami masyadong nakapag-usap kasi nahimatay siya," saad ko. Tumango-tango na lang sila sa akin bilang tugon.

"Guys kakain na," sigaw ni D.O. mula sa kusina.

MICA'S POV

"Guys, sa kwarto na muna ako. May tatapusin pa akong outputs eh," paalam ko sa kanila. Katatapos lang namin kumain at nakapagligpit at nakapaghugas na rin ako, syempre with the help of my amos, ayaw daw nila akong mapagod eh, sweet nila no? Mainggit kayo. Mwahahahaha :D

"Wag kang masyadong magpapagod , baka ano pang mangyari sayo," pag papaalala sa akin ni Jinyoung-hyung.

"Opo, anyong hijumuseyo ( Good night)," sagot ko.

"Anyong hijumuseyo," sabay- sabay nilang saad.

Pumasok na ako ng kwarto at kinuha ko yung laptop ko, tatapusin ko na yung thesis output ko, two weeks na lang at makakagraduatena ako sa College.

Tinignan ko yung phone ko, para makita kung sino yung nagtext, si Janella lang pala. Nagsend lang pala siya siya ng mga pictures nila ng Shinee. After kung makita yung mga pictures, nagreply pala yung lalaking tumulong sa akin.

[Cheonmaneyo (welcome). Tanong ko lang, bakit ngayon ka lang nagtext?]- reply niya.

"Ah sorry po , ngayon lang nagka oras eh," reply ko

Hanggang sa tuloy-tuloy na yung pagtetext namin, marami siyang tanong eh, isa na dun kung bakit ako working-student. Mga bandang 11 ng naisipan ko ng magpaalam sa kanya para matapos ko na yung thesis ko.

"Sige na po, may mga importante pa po akong tatapusin. Salamat po sa oras. At Anyong hijumuseyo oppa," text ko. Pinatay ko na muna yung phone ko para focus muna sa output ko.

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon