Chapter 12: Goodbye for now.

5 0 0
                                    

*After 1 week*

Mica's POV

Nagtagal kami ng isang linggo na hindi nagpapansinan, na mas nagpabigat ng loob ko. Sinubukan ko silang kausapin, pero sa tuwing lalapitan ko sila iiwas lang sila. Siguro kailangan pa nila ng mas mahaba pang oras.

Kaya bibigyan ko muna sila ng space, aalis ako ngayon, kasi bukas na yung graduation ko . Babalik ako after 2 days para naman makasama ko yung family, relatives at friends ko. Miss na niss ko  na sila.

"Manager, pasensya na kayo sa problemang dinala ko. Hayaan niyo po, handa naman akong panagutan lahat ng pwedeng mangyari kung hindi man maayos to. Pasensya na talaga Manager, hindi ko talaga sinasadya," saad ko.

"Pasensya ka na rin Mica, kung hindi kita masasamahan sa airport. Okay lang, alam ko naman maayos niyo pa rin ito eh. Alam kong hindi niyo hahayaan ang problemang ito ang sumira sa inyo . Hindi lang naman ito ang problemang kahaharapin niyo eh, marami pa kaya alam kong maaayos ito," saad ni Manager.

"Salamat Manager ah. Paki-sabi na lang po sa kanila na nagsisisi ako sa mga ginawa ko at humihingi ako ng patawad. At paki-bigay na lang po nito sa kanila," saad ko at may inabot sa kanya.

"Sige. Ingat ka ah," saad ni Manager at hinatid na ako sa labas.

Sumakay na ako sa sundong inilaan sa akin ng agency. Mami-miss ko kayo. Sana ganun din ang nararamdaman niyo, bulong ko sa isip ko. At hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong umiyak.

Pagkarating ko sa airport, sinalubong ako nina Janella at Aerish. Niyakap ko kaagad sila at nagsimula na naman umiyak.

"sssshhhh ! Bes ! Tama na muna ang drama ha! Ang isipin muna natin, gra-graduate na tayo bukas," pagpapagaan ng loob na saad ni Aerish.

"Oo nga bes. Tama na yan. Halos araw-araw ka ng umiiyak. Mas daig pa ng iniwan ka ng mga ex-boyfriends mo," saad ni Janella.

" Grabe with S talaga ah," saad ko.

"With S talaga. Hindi lang naman iisa ang ex mo e4h. Kaya may S kasi hindi lang isa kundi sobra sa isa," saad ni Nella.

"Oo na. Kailangan talagang ipamukha sa akin," saad ko. Kawawa na ako sa B1A4 pati ba naman sila kakawawain ako, aba! sobra sobra naman ang magiging parusa ko.

"HAHAHAHAHA," sabay nilang tawa. Ayan, pinagtatawanan na nila ako..

"Oo na , tama na. Tara na at baka maiwan tayo ng eroplano. At baka hindi pa tayo maka-attend sa Graduation natin," saad ko.

Maya-maya, tinawag na kami kasi aalis na yung eroplano. Sumakay na kami at bago ko pa totally iwan ang Korea pansamantala, lumingon muna ako at bumulong sa sarili ko, Kapag bumalik ako dito, pinapangako ko kung makikipag-usap na ako sa B1A4 at itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko. Tumalikod na ako at pumunta na sa upuan ko.

GOODBYE FOR NOW !!!!

My Idol become my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon