Chapter 9 - Unang Hapunan

280 25 1
                                    

Sumapit ang hapunan at bumaba na ang dalawa nandun na rin ang mga kapatid ni jansen sa hapag. Ang lola, mama at tita minerva nya. Nagdasal muna si Jairo bago magsimulang kumain.

" kumusta ka na andrew maayos na ba pakiramdam mo?"

" Ok na po senyora, baka bukas po medyo malakas na ako. Makakapagsimula na akong magtrabaho sa farm."

" Hindi pa maari iho. Dito ka na muna sa mansyon. After holy wk kana bumalik sa farm. Alam na ni damian yan."

" Salamat po mam."

Nagumpisang kumain si andrew. Hindi nya malaman kung ano ang uunahin kasi lahat ay masasarap ang nakahatag sa mesa. Napansin siya ni Jannah.

" kapatid wag ka nang mahiya,eat lang eat para magkalaman ka. Ang payat mo kaya. Cute ka pa naman. Pag nagkalaman ka im sure papable ka haha. Pero di kita feel.haha mas feel kitang maging bro haha"

Nang bigla itong napasigaw dahil kinurot pala ito sa tagiliran ng lola nya. Na hindi nya namalayan tumayo pala ito sa likod nya. Nagtawanan ang lahat.

" Ang kiri lang apo ano?!"

" Lola naman eh. Im just joking lng naman eh."

" Kumain na tayo tama na yan jannah." ( melany)

" Pero true yun ha andrew cutie ka haha." ( janna)

" JANNAH!!!"

" Peace lola, eto po kakain na po."

Napangiti na lang si Andrew. At itinuloy ang pagkain. Nang matapos maghapunan ay nagpahangin ang mag anak sa veranda. Si Jasper naman ay tumuloy sa kuwarto para maglaro ng computer games. Si Jannah pumunta sa bahay nina manuel dahil dun daw sya matutulog sa ate lia nya.

Bilog ang buwan at napakagandang tignan ang mga anino ng mga punong mangga sa bakuran. Gumagalaw galaw pa ang mga ito dahil sa hangin. Iba na ang ihip ng hangin dahil summer na pero di yun ramdam sa bakuran dahil maraming puno dito.

Nang matapos ang konting kuwentuhan nagpasya na ang bawat isa na magpahinga at umakyat sa mga sariling kuwarto. Si Melany naman at senyora isabelle ay nanatili sa may sala para manood ng paborito nitong teleserye.

Umakyat na si Jansen kasunod si Andrew. Naglinis sila ulit ng mga sarili sa cr at naghanda para matulog na. Hindi nila binuksan ang aircon. Ceiling fan na lang ang binuksan nila dahil mahangin naman at bukas ang bintana.

Hindi pa sila makatulog kaya nagbukas ng tv si Jansen. Makalipas ang isang oras ay nagpasya na silang matulog. Ngunit si andrew ay di makatulog dahil sa namamahay sya. Hindi sya sanay sa malaking kuwarto at malambot at malaking kama. Sa bahay ng amain niya ay papag lang kasi ang higaan nya sa isang maliit na kuwarto.

" Jansen ang gising ka pa?"

" Bakit kuya?"

" Hindi ako makatulog, namamahay yata ako."

" Mag pray ka para makatulog ka. At saka kuya wag kana mag isip ng kung ano ano."

" Jansen ang suwerte mo..."

Natigilan si Jansen sa tinuran nito. Kaya bumangon sya at sumandal sa headboard ng kama. Ilang metro ay ang bintana kung saan makikitang maliwanag sa labas dahil bilog na bilog ang buwan.

" Bakit naman po kuya?"

" kasi buo at kasama mo ang pamilya mo. Samantalang yung ibang bata dyan ay nangangarap na lang na sana buo ang pamilya nila. Tulad ko..."

" Kuya hindi naman suwerte ang isang tao dahil lang sa buo ang pamilya nito. Maraming bagay ang gustong sabihin ng suwerte. Suwerte sa lotto, gf, bf, kaibigan, bahay,trabaho at kung ano pa. Ang importante naman kasi ay kung pano mo dalhin ang suwerteng ibinigay sayo. Ang iba kasi inaabuso ito kaya sa huli nawawala ito."

" Ilang taon ka na ulit?"

" 11 po bakit?"

" Kasi para kang matanda kung magisip. Ang talino mo siguro sa klase."

" Hindi naman kuya. Top 2 lang naman po ako hehe."

" Hindi nga! Ni lang mo lang yun top 2? Eh konti na lang top 1 kana."

" Sana nga po Valedictorian ako next yr pag graduate ko ng grade 6. Para matuwa ang pamilya ko tapos uuwi pa si papa kasi once a yr lang kung umuwi sya. Sa Singapore kasi ang work nya."

" Alam mo matutupad ang pangarap mo kasi matalino ka at mabait pa."

" Nagaaral ka pa kuya?"

" Ah... Hindi na grade 6 lang natapos ko. Hindi na kasi ako pinagaral ng tatay ko. Nakatapos nga ako ng grade 6 pero kulang naman ang suporta nya. Mga kamagaral,teacher at ilang kapitbahay lang tumutulong sakin kaya nakapagtapos ako. Nagtrabaho din ako ng kung ano ano sa murang edad ko."

" Nakakalungkot naman po....hayaan nyo po sasabihan ko si lola pag aralin kayo tutal nagtatrabaho ka naman sa kanya."

" Naku! Huwag na nakakahiya. Sobra sobra na nga itong naitulong nyo sakin. Mag iipon naman ako para makapagaral ulit. Gusto ko naman kasi makatapos ng hayskul at kolehiyo."

" Ah basta sasabihin ko kay lola. Mabait naman yun eh saka si tita minerva may mga kilala yan sa eskuwelahan dito ng hayskul kaya matutulungan ka nun."

Napailing na lang si Andrew hindi talaga sya makapalag sa batang kaharap nya.

" Sa ngayon kuya ang dapat mong gawin ay matulog na dahil bukas ay bagong araw sa buhay mo kasama kami. Kaya goodnight kuya."

Nagtalukbong na si Jansen at nagsimulang matulog. Lumipas ang ilang oras ay nanatiling gising ang diwa ni andrew at di sya makatulog. Kaya ginawa nya ay bumangon. Tumungo sa bintana at umupo sa pasamano nito. Napakatahimik ng gabi at tanging kuliglig ang maririnig. Iniisip nya ang mga nangyayaring ito sa buhay nya at di sya makapaniwala. Pagkalipas ng isang oras ay nagpasya na rin syang mahiga at matulog. Napansin nyang nasa dulo na ng kama si Jansen at nasa lapag na ang kumot nito. Napangiti sya dahil napakalikot pala nitong matulog. Inayos nya ulit ang higa nito at ibinalik sa tamang puwesto at kinumutan. Hinaplos ang ulo at sinabihang..

" Goodnight Jansen, goodnight bestfriend."

SARANGGOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon