Chapter 47 - Moving On

185 20 2
                                    

Kinabukasan lahat ay nasa hospital para magpaalam pansamantala kay andrew. Sinundo na lang ni melany ang mga anak kasama si luke at lia na kasama na nila pabalik din ng maynila.

" Pano yan, alfred kayo na muna bahala dito. Kailangan na muna naming bumalik ng maynila."

" Walang problema ate. Hindi ko pababayaan ang anak ko. Magingat na lang kayo sa byahe. Anything na development kay andrew will inform you soon."

Tinapik tapik ni melany si alfred sa balikat.

" Gigising sya alfred magtiwala ka lang sa diyos. Marami pang plano sa kanya si andrew kaya mabubuhay ang anak mo."

Ang mga pinsan naman ni andrew ay nasa gilid ng kama nito. Pilit na nagpapakatatag na huwag maiyak sa nakikitang kalagayan nito.

" Paano insan pansamantala muna kaming aalis. Kelangan kasi pasukan na. Sana sa pagbalik namin gising ka na para kasama ka na namin sa maynila."(luke)

" Hello kuya luke, ditey kaya sya mag i school sabi ni tita minerva. Hindi sa maynila noh. Baka araw arawin lang sya dun ni ker noh!"(jannah)

" Anong araw arawin ka dyan?"

" Araw arawing ipasyal noh! Ang dumi ng isip mo!"

" Mama di po ba puwede na dito na lang muna ako kasama si kuya?"

" Jaja, kung puwede lang sana kaso mag aaral ka. Hindi itong ipagpaliban. Nandito naman papa nya mga tita nyo at lola. Kaya walang problema. Anytime naman puwede tayong bumalik dito."

" Mamimiss ko po kasi si kuya. Gusto ko pag nagising sya nasa tabi nya ako."

" Jaja iho....ok lang....nandito naman kami kaya sumama ka na muna sa kanila."(alfred)

" Oo nga kuya, halika ka na balik na tayo ng maynila. Miss ko na si Danica. Sige ka sakin talaga sya mapupunta. Balak ko pa namang i break na sya para sayo."

Nanlaki ang mga mata ng mga tao sa loob ng kuwarto sa narinig kay jairo at magtawanan.

" Assumero lang bunso ha! Ang feeling mo hahaha. Kelangan ka pa sinagot ni danica ha?!"

" joke lang ate. Kinukumbinsi ko lang si kuya na sumama sa atin."

" Pano yan, tatanghaliin na tayo...."

Isa isang hinawakan nila sa palad si andrew na nanatiling walang malay. Yumakap pa at humalik sa noo si jansen na di na napigilang umagos muli ang luha.

" Babay kuya...pagaling ka ha....babalik ako....hintayin mo ako...."

Hinawakan na ni melany ang kamay ni jansen na tanda na aalis na sila. Nang palabas na sila ng pinto ay nilingon muli ni jansen si andrew na nakangiti...

" Babalik ako kuya, pangako..."

Sa van umupo si jansen sa may bintana katabi si jairo at sa kabila ang mama nya. Nasa likod nila si lia at jannah. Sa unahan si luke at jasper. Tahimik at tila walang gustong bumasag ng katahimikang namamayani.

Walang ano anoy biglang kumanta si jairo.....

"Dadaanin ko na lang sa kanta
Daaanin ko na lang sa tawa ang lahat ng aking problema ahahaha..."

" My God anak! Hindi ko akalain na ganyan pala ang boses mo..."

" Bakit po mama, maganda po ba kasing galing po ba ni kuya ang boses ko?"

" Kakaiba anak, may pinagmanahan ka talaga...."

" Wow! Sabi ko na nga ba nagmana ako sayo kuya jaja!"

" Assuming ka masyado bunso! Hindi mo ba narinig ang boses mo? Gossssshh parang nasapian ng ewan hahaha!"

Nagkatawanan ang lahat sa naging reaksyon ng mukha nya sa ate nya.

" Alam mo anak, hindi kay kuya mo nagmana ng boses mo."

" Kanino po ba mama?"

" Sa ate mo...kung ikaw parang nasasapian ang boses ang ate mo naman ay parang ginugupit na yero ang boses."

Napabuga naman sa katatawa sa harapan si luke at jasper. Si lia naman ay takip ang bibig katatawa. Pangiti ngiti lang si jansen at binebelat ni jairo ang ate nya.

" Hahaha wala ka kay tita jannah panessss hahaha."

" Hmppp ma ha! Siraan lang ang peg! As in yero talagang gunugupit! Songbird mama ang boses ko songbird!hmp!"

" Sige lang jannah walang masamang mangarap hahaha!"

" Nagsalita ang boses palaka!"

" Gusto mo ng sample?"

" Jas anak, pls mag gitara ka na lang. Baka madistract lang si luke sa pagdrive madisgrasya pa tayo."

" Tama mama, mag gitara na lang sya hahaha."

Napansin nila ang pananahimik ni jaja. Doon nila napagtanto na dadaan pala sila sa lugar kung saan nila natagpuan si andrew.

" Kuya wag ka nang malungkot. Namamaga at mas lalong nagiging singkit mata mo. Sige ka pumapangit ka na. Mas lumalamang na ako sa kapogian sayo kaya sigurado ako na mas ako na ang pipiliin ni danica."

" Ang feeling mo talaga bunso!"(jannah)

" Totoo ate, dati #1 si kuya at #2 ako sa kapogian. Ngayon ako na ang #1 at #2 si kuya jaja at #3 si kuya jas."

" Eh kung hindi ko kaya ibigay ito sayo bunso? #3 pa rin kaya ako?"

Namilog ang mata ni jairo ng makita ang hawak ni jasper na isang supot ng choknut.

" Wow! Kuya #1 kana. Ngayon nagbago na ang standing natin. Kaya pls bigyan mo na ako..."

" No! May isang kundisyon muna."

" Ano yun kuya?"

" Kumanta ka muna!"

" Ang dali naman kuya. Eh di kumanta."

Umubo ubo muna si jairo at nagsimulang kumanta. Tawang tawa ang lahat na tila naging isang clown si jairo sa kanila. Kinanta nito ang kinanta ni jansen sa contest na halos hindi nya mabigkas ng tama sa pagkabulol at kawalan ng tono.

" Galing mo naman bunso. Siguro pag kinantahan mo si danica mapapasagot mo na sya hehehe."(jansen)

" Talaga kaya dapat ka nang kabahan kuya. Pagdating natin ng maynila uumpisahan ko na."

" Patuli ka muna bago ka dumiskarte kay danica bunso hahaha."

" Ganun kuya! Sige # 5 ka na sa kapogian sa atin!"

" At bakit naman #5 na ako?!"

" Siyempre # 1 kuya jaja, #2 ako, #3 kuya andrew, sori kuya luke #4 ka lang at ikaw kuya jas #5 ka lang, loooserrrrr hahaha."

" Hahaha talo pa kita sa ranking insan #4 ako hahaha."

" At saka ano naman maski sabihin mo kuya eh bata pa ako pag 10 pa ako patutuli. Sasabihin ko naman kay kuya ker na crush mo sya hahaha."

" My God ate lia! Yaoi na itey! Love triangle, soooooooo cuteeee! Pak na pak. Parang ganito lang Mahal kita pero mahal mo ay iba! Ouccccch! Watty na watty na itetchhhh!"

Kinuha naman ni jas ang isang brief nya sa bag ibinato sa mukha ni jannah sa likod.

Sa sobrang asar ni jannah, nilapitan pa talaga ang kuya nya at sinabutan ng sinabutan na tawa naman ng tawa.

Nagpatuloy ang biyahe ng pamilya na tila kinalimutan na muna ang mga agam agam.
------------------------------------------------------

SARANGGOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon