" Kuya wait! Hintayin mo ako..."
Hindi sumagot si andrew at patuloy na tumakbo. Hanggang sa nakalabas ito ng bakuran ng mansyon na agad namang nakita ng mag amang gener at jonas. Na kasunod si jansen na patungo sa may direksyon ng sasakyan nila.
" Tignan mo nga naman haha sila pa ang papalapit sa atin! Kunin mo ang posas at baril dalian mo at lapitan sila jonas dalian mo!"
" Oppppss! Saan kayo pupunta?!! Hehehe!"
Hinarang ni jonas si andrew na nakatutok ang baril. Agad namang hinawakan ni andrew ang kamay ni jansen at itinago sa likod nya.
" Anong kailangan nyo sa amin kuya?!"
Mababanaag naman ang takot sa mukha ni jansen na agad yumakap sa likod ng kapatid.
" Wow hahaha! Hero na hero si kuya at handang ipagtanggol si bunso hahaha!"
Itinutok nito ang baril sa noo ni andrew pero hindi ito nagpakita ng takot. Si jansen naman ay nanginginig at umiiyak na sa takot. Agad pinosasan ni jonas ang isang kamay ni andrew at isang kamay ni jansen.
" Ano ba! Bilisan mo dyan jonas at baka may makakita sa atin tanga ka ba! Bilis!"
Agad kinaladkad ni jonas ang dalawa sa backseat ng kotse. Hindi nila na nakita sila ni luke na palabas ang kotse sa bakuran nila. Kitang kita nya kung paano kinaladkad si andrew at jansen at kilala nya ang taong iyon na nakaaway nila sa resort.
" Anak ng...! Si andrew at jansen yun kidnap yun ah nakaposas sila!"
Nakita naman nya na palabas ng bakuran ng mansyon si jasper na agad nyang tinawag at pinasakay.
" Kinidnap si andrew at jansen nakita ko nakaposas sila! Yung taong nakaaway natin sa resort! Tawagan mo na si papa at tita at ibalita ang nangyari at hahanapin at susundan kamo natin sila. Tumawag na rin kamo sa mga pulis. Ang way nila papuntang barangay guadalupe!"
Agad namang tinawagan ni jasper si manuel.
" Tito kelangan namin tulong si andrew at jansen nakidnap! Nakita ni kuya luke sa ngayon sinusundan na namin sila papuntang baranggay guadalupe. Ipaalam nyo na po kina mama lola."
" What! Sino daw kumidnap?!"
" Sabi ni kuya yung nakaaway daw namin dati sa resort. Yung anak nung tiyuhin ni andrew. Ipinosas nila yun dalawa."
" Sige ingat kayo! Ibalita nyo agad kung nakita nyo na. Itatawag ko sa otoridad!"
Agad ibinaba ni manuel sa mga kasama ang nangyari.
"Minerva maiwan ka na dito kay mama baka kung ano mangyari sa kanya sa pagaalala."
" Kuya sasama ako sayo hahanapin natin sila!" ( melany )
" Bilis tayo na baka mahuli ang lahat."
" Kuya sasama rin ako..."(alfred)
Hindi umimik si manuel at tumalikod na kasunod si melany at alfred.
Sa sasakyan...
" Kapag may nangyari sa anak ko alfred at kay andrew.....hinding hindi kita mapapatawad! Kung kinausap mo na lang sana ang anak mo at tinanggap sya hindi mangyayari ito!"
Patuloy lamang sa pag iyak ito.
"Sorry ate....."
------------------------------------------------------
" Shit! Diko pa rin makita yun sasakyan! Ano bang nangyari sa mansyon at bakit nasa labas yun dalawa at nasa lugar na iyon?!"
" Sa maniwala ka o hindi kuya....narinig namin sa opisina na naguusap silang lahat. Kararating lang namin kasama si jannah galing sa puntod ng mama ni andrew at jansen."
BINABASA MO ANG
SARANGGOLA
General FictionPaano nga ba magpalipad ng saranggola?. May aral ka bang matututunan sa pagpapalipad nito? Minsan kaya mo pang kontrolin ang lipad nito pero dumarating ang pagkakataong hindi na. Dahil sa pabago bagong ihip ng hangin. Parang buhay ng tao, na wala ta...