Chapter 33 - Ang Pinagmulan

268 17 4
                                    

Excited ang lahat ng gumising kinaumagahan. Sa baclaran church sila magsisimba kung saan panata ng pamilya na isang beses sa isang buwan ay doon sila magsisimba.

" Ma, yung van na lang dalhin natin para maluwag."

" Better idea jas. Ilabas mo na sa garage para ma check kung walang diperensya. Para idaan natin sa talyer if ever maaga pa naman."

Inilabas nga ni jasper ang sasakyan at tsinek. Bumaba naman na sina andrew at jansen. Sumunod si jannah at jairo.

" Shall we go ma?"

" Wait tsine tsek pa ng kuya mo ang van. If ala naman problem then will leave na."

" Mama no problem naman ok sya."

" Ok guys lets go."

Tumakbo naman si jairo at jansen sa van. Lumapit si jannah kay andrew at may ibinulong...

" Kapatid ano kaya surprise ni mama sa inyo? Nakaka excite naman ito tapos may special surprise announcement pa."

Kumanta kanta pa ito habang naglalakad at pakembot kembot." Im soo excited, and i just can hide it, i know i know...."

Tawang tawa naman dito si andrew.

" Nakakatawa naman kayo ate haha. Saka diko pa alam kung ano yun."

" Hay naku. Mabuti sakay na tayo at baka mag menopause na naman si kuya pag nakita akong hindi pa nakasakay sa vanlalou."

" Ano pong vanlalou?"

" Ayan oh van, sasakyan, car.toinkkkkssss hahaha!"

" Sakay na bilis jannah!"

" Oo na menopause ka na naman!"

" Anong sabi mo?!"

" Ang sabi ko ang hot mo kuya sa outfit mo, kasing hot ng summer."

" Heh! Dami mong alam."

Ilang saglit pa ay umalis na ang van. Isang oras lang ay nakarating agad sila sa baclaran church dahil walang traffic masyado at linggo.

Madaming tao ngunit agad namang nakaupo silang lahat at nakinig ng misa. Pagkatapos ng misa ay kinausap ni melany ang mga anak bago sumakay ng van.

" Ngayon naman ay pupunta na tayo sa surpresa ko kay andrew at jansen."

Ngiting ngiti naman si jansen, tinapik tapik naman ni jasper sa balikat si andrew.

" Teka kuya kung makatapik ka kay andrew parang alam mo na...ahh ang daya!"

" Hahaha wala akong alam im just giving him assurance na magiging masaya sya hahaha."

" Mabuti pa sumakay na tayo daliiii!"

" Mama san po ang way natin?"

" Pasay." sabay ngiti ni melany kay jansen.

" Pasay?" (Andrew)

" Yes andrew."

Habang nasa byahe ay wala namang tigil sa kulitan si jannah jansen at jairo.

Hanggang sa huminto sila sa isang fastfood malapit sa may MRT Edsa / Taft Station. Hindi sila bumaba pero nagpark sila sa parking area.

" Alam nyo naman andami na nabago dito. Im sure alam nyo ito jannah at jasper. Ikaw naman andrew ay natatandaan mo pa ang lugar na ito. Si jansen at at jairo lang ang wala pang alam sa kung anong meron dito.

" Mama, parang alam ko na po kung bakit nyo kami dinala dito." (Jansen)

" Wag ka sanang magagalit anak pero you need this. Kailangan mong balikan ang mga naging parte ng nakaraan mo para alam mo kung saan ka talaga nang galing."

SARANGGOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon