Chapter 24 - Piyesta

213 19 1
                                    

Hello readers unti unti na po nating nalalaman kung sino si Daniel at kung ano ang totoong nangyari sa kanya. Matanggap kaya ni Jansen kung anuman iyong katotohanang sinabi ni Jannah? Sana po patuloy kayong tumutok sa story ko. Inaaanyayahan ko din po kayong basahin ang isang kuwentong ginawa ko rin, one shot lang sya ang " LOST SOUL".

Hi kay Flaresitri :)
------------------------------------------------------

Dumaan ang ilang araw ay naging abala si jansen sa pageensayo para sa singing contest kaya medyo nakalimutan nila ang tungkol kay daniel. Si andrew naman ay patuloy sa trabaho nya at minsan kasama si jansen.

Dalawang araw bago mag fiesta ay dumating ulit sina melany, jasper at jairo. Tuwang tuwa si jansen na agad sinalubong ng yakap ang mama nya.

Naging abala ang lahat sa mansyon. Sa bakuran ay makikitang abala sa paglalagay ng mga banderitas at mga mahahabang lamesa. Sa ibang parte ng bakuran ay makikita ang mga trabahador na abala sa paglalagay ng mga malalaking kawa na marahil paglulutuan ng mga putaheng ihahanda. May mga trabahador din na nagpapasok ng mga buhay pang mga baboy, baka at manok. Makikita rin ang mga tila paglalagyan ng tila lilitsuning mga baboy.

Bisperas ng piyesta ay lalong dumami ang tao sa bakuran. Abala sa kung ano anong bagay, nagluluto, nagkakatay, naghahanda ng mga hapag kainan. Sa kalsada naman ay madaming tao na naghihintay sa pagdaan ng parada ng mga banda. Makikitang napakasaya ng atmospera sa bayang iyon. Sa plaza makikita ang peryahan na pasyalan ng mga tao.

Taon taon sa mansyon ginagawa ng mga alonzo ang paghahanda sa kapiyestahan bilang pasasalamat sa patron ng bayan at pati na rin sa mga tauhan nila. Kaya ang handaang iyon ay para sa mga trabahador at tauhan ng farm. May mga sariling kapamilya din na bisita ang pamilya pero hindi ito nangingiming makihalo sa mga trabahador.

Sa mansyon naman ay abala ang lahat sa loob may mga nagluluto din sa kusina. At may mga bisitang dumating na kausap ni melany at minerva. Si jansen naman ay nasa kuwarto nito nag eensayo para sa contest kinagabihan. Kasama nya si andrew, jannah, jairo, jasper.

" Wala na talo na!" Si jasper

Sumimangot na nalungkot si jansen. Inaway naman ni jannah at jairo ang kuya nila.

" Ang sama mo kuya! Mananalo si kuya jansen tandaan mo yan!"

" Bakit sinabi ko bang matatalo sya?"

" Eh sinabi mo wala na talo na!"

Nanatili lang nakikinig si andrew sa kanila.

" hahahaha ang bilis nyo namang mag conclude sa sinabi ko."

Lumapit ito kay jansen na nanatiling nakasimangot. At hinawakan sa balikat at ngumiti.

" Wala na talo na....ang mga kalaban mo. Sa galing mong yan praktis pa lang alam na hahah. Matampuhin ka naman, syempre kapatid kita kaya syo ang suporta ko. Manalo matalo syo ang suporta ko."

Niyakap naman agad ni jansen ang kuya nya pagkarinig nun. Tumakbo naman si jairo at jannah na sumisigaw na. "GROUP HUG!!!" nanatili naman nakatingin lang si andrew. Bigla namang nagsalita si jasper.

" O bro anong ginagawa mo dyan, sumali ka dito hahaha!"

Agad namang sumunod si andrew.

" Ate, kuya magpapatulong po sana ako at si kuya andrew sa isang bagay."

" Tulong na ano?"

Natigilan naman si andrew sa sinabi ni jansen iniisip nya na ito yung paghahanap sa kapatid nya.

SARANGGOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon